Nang tumigil ang inog ng mundo.
Ilang araw ko na siyang nakikita. Gusto ko siyang kausapin ngunit wala akong lakas ng loob. Nais kong basagin ang aking katahimikan para isalaysay sa kanya ang aking saloobin. Malakas ang bulungan ng mga nagdaang araw, tila isang maliit na apoy mula sa upos ng sigarilyo hanggang tuluyang nagningas at naging ganap na sunog. Malungkot akong malaman ang bagay na ito. Sino bang makakalimot sa kanya: kung paano siya lumakad, kung paano siya sumagot ng telepono, kung paano siya makipagusap sayo... Haayyy, kay bilis ng panahon. Tunay ngang darating ang isang unos ng di mo inaasahan. Pero ganun pa man, kailangang maging matatag ka sa pakikihamon ng buhay. 3:45 ng kahapon, nang basagin niya ang aking katahimikan... Sandaling tumigil ang inog ng aking mundo... Nais kong umiyak at magmukmok sa isang sulok.. Nais kong sumigaw. Nais ko siyang kausapin. Maraming bagay ang nais kong gawin ng mga oras na yun, ngunit ako ay nagupo ng dahan-dahang panlulumo. Malungkot ngunit kailangang tibayan ang aking...