Nang tumigil ang inog ng mundo.

Ilang araw ko na siyang nakikita. Gusto ko siyang kausapin ngunit wala akong lakas ng loob. Nais kong basagin ang aking katahimikan para isalaysay sa kanya ang aking saloobin.

Malakas ang bulungan ng mga nagdaang araw, tila isang maliit na apoy mula sa upos ng sigarilyo hanggang tuluyang nagningas at naging ganap na sunog. Malungkot akong malaman ang bagay na ito. Sino bang makakalimot sa kanya: kung paano siya lumakad, kung paano siya sumagot ng telepono, kung paano siya makipagusap sayo... Haayyy, kay bilis ng panahon. Tunay ngang darating ang isang unos ng di mo inaasahan. Pero ganun pa man, kailangang maging matatag ka sa pakikihamon ng buhay.

3:45 ng kahapon, nang basagin niya ang aking katahimikan... Sandaling tumigil ang inog ng aking mundo... Nais kong umiyak at magmukmok sa isang sulok.. Nais kong sumigaw. Nais ko siyang kausapin. Maraming bagay ang nais kong gawin ng mga oras na yun, ngunit ako ay nagupo ng dahan-dahang panlulumo. Malungkot ngunit kailangang tibayan ang aking loob. Habang pinagmamasdan ko siya, wala na halos salitang lumalabas sa aking bibig na tila isa akong humal. At tuluyan na akong naging pipe ng lumapit siya sa akin. Nais ko siyang akapin at pasalamatan ngunit ayaw kong maging sentro ng kantiyawan. Nais kong sabihin ang mga magagandang bagay ukol sa kanya ng mga oras na yun. Nais kong gugulin ang mga sandaling oras niya para magkwentuhan ng mga masasaya at malulungkot na nakaraan ng aming pagsasama, ngunit sino ba ako? Isang hamak at aba. Isang simpleng tao sa paningin ng lahat. Samantalang ang tulad niya ang sinusunod ng bawat tao sa loob ng aming kwarto. Siya si Aw Mui Kim Sally ang aking boss. Huling araw niya ngayon. Hindi ko alam kung paano ako magre-react pero malungkot ako dahil wala na akong mabait na boss.

To my everdearest boss... good luck sa new path na iyong tatahakin... Napakaswerte mo at nakatakas ka na dito... Nakakainis ka, kasi yung pumalit sayo mga bwisit talaga... wwwhhaaa... MAMA SALLY, paano na ako nito... wala na akong taga pagtanggol pag inaapi.. huhuhu... alam mo bang inaapi na ako ng mga pumalit sayo... ano ang dapat kong gawin?? saan ka ba lumipat??? pwede mo akong i-email... pwede mo akong tawagan. promise sasagutin ko na ang calls mo... except na lang pagnasa ibang bansa ulet ako.. mahal kasi ng charges.. hehehe...

Yun lang.. malungkot ako ng lagay na ito kasi wala na ang mabait kong boss... pinalitan na ng 3 witches... ggrrr... paguwi ko ng pinas ipapakulam ko sila sa AKLAN... hehehe... :)

BABUSH MAMA SALLY...

Sabi mo nga sa email mo: SAYONARA pero ang sagot ko SAKINYANTOK... :)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin