Basang Sisiw...

Today sobrang lakas ng ulan sa Singapore or should I say since yesterday malakas ang ulan sa Singapore...

Yesterday night paguwi galing sa office dumaan muna ako sa KFC (my fave) kasi ba naman nag-crave na nman ako sa manok though araw-araw dito sa Singapore manok ang kinakain ko.. hehehe... Anyways, pagkatapos naming kumain ni Hansel umuwi na kami sa bahay... While walking tama bang umulan ng sobrang lakas as in parang may bagyo. Ewan ko ba sa sarili ko kung kailan malakas ang ulan derecho pa din ang lakad ko.. hehehe.. as in.. Imagine, I'm wearing long sleeves then slacks pants and my mighty shoes PEDRO... hehehe... Hay naku, pwede naman akong mag-stay muna sa mga shades para di ako mabasa pero ang tanga-tanga ko talaga... lakad pa din ako.. samantalang si Hansel yun sa kanyang bike at nagtatago sa mga HDB wala kasing payong.. hahaha... :)

Aba heto may eksena pa akong natagpuan sa kalsada... as in sa movies ko lang ito nakikita pero di ko inaasahang sa Singapore ko makikita ang ganitong tagpo... Habang mabilis akong naglalakad may nakita akong babae't lalaking naglalakad sa malakas na buhos ng ulan, I thought kapareho ko sila ng kapalaran na inabot lang ng ulan... Pero iba ito... Di sila nagmamadaling lumakad... Maya-maya nakita kong nauna ang lalaking maglakad then yung babae sobrang bagal... syempre knowing me mabilis maglakad inabutan ko ang babae sa paglalakad... At yun na.. tiningnan ko ang babae... at UMIIYAK sya sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan... hehehe... as in eksenang-eksena sa movies ito... grabe... sa halip na maawa ako, wala lang deadma lang kasi basa na din ako eh... hehehe...

Ng dumating kami sa bahay daig pa namin ang movie ni Janice na: "Mga basang sisiw". hehehe... Grabe basa ang dapat masaba sa akin... hehehe... kawawa ang shoes ko... yun basang basa... tsk tsk tsk.. How cruel am I... pwede naman akong tumigil muna at hintayin ang pagtigil ng patak ng ulan di ba??? well slow lang talaga ako...

Kaninang umaga... paggising ko... endless pa din ang ulan... grabe kung di lang ako mag-M-MC sa Friday di talaga ako papasok ngayon.. hahaha.. as in... kakatamad pumasok... Eh knowing my place going to my bus stop... I need to walk 15-20 minutes pa... hehehe... At yun na... habang naglalakad ako.. papalakas ng papalakas ang ulan sabay saliw sa kantang: BASANG-BASA SA ULAN ng AEGIS.. Good thing I'm wearing jeans now and rubber shoes... I cannot afford na mabasa pa ulet ang aking shoes na pampasok noh.. hehehe.. :) Inabot ata ng higit 40 minutes ang lakad papuntang bus stop and the results:

1.) Basa ang damit ko
2.) Basa ang pants ko
3.) Basa ang shoes ko (off course)
4.) Basa ang loob ng shoes ko
5.) Basa ang medyas ko
6.) Basa ang paa ko

At pinakamalupet... pagdating ko sa bus stop... biglang tumigil ang ulan... as in from super lakas then biglang stop na parang walang nangyari... and look at me... isang kalbong basang-basa sa ulan... Pagsakay ko ng bus... ako lang ang basa... hahaha.. GANDA di ba? Pag dating ko sa office... lahat naka porma ang officemates ko.. samantalang ako FRIDAY FEVER at take note:BASANG SISIW... Good thing may nanenok akong tsinelas ng ka-officemate ko... hehehe...Yun lang... Kung ako lang ang PM ng Singapore I will declare Holiday in Singapore due to heavy rains... hahaha... for sure marami ang matutuwa sa akin... hahaha.. :)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin