A day before Christmas

Before I start my blog, let me greet you a merry merry Christmas... hehehe.

Heto ang kwento. Noong 24-Dec umalis ako ng bahay ng 9am kasi kailangan ko pang mag-practice para sa choir ng 11am Mass. Bitbit ko lang ay isang kikay kit na paper bag laman ay Bread of Life na Song Book, perfume, susi ng bahay, wallet, pens, phone, tripod ng camera ko kasi picture kami ni Hansel sa Orchard at syempre phone. Yung aking malaking file ng kanta bitbit ko lang kasi di kasya sa paper bag. Di ako nagdala ng bag that day kasi nilabhan ko ang mga bag ko.

Matapos ang kanta namin, I went sa Lucky Plaza dahil magbabayad ako ng SSS ko.. (O di ba ever loyal na pinoy... hahaha). Grabe daming pinoy sa LP... hahaha.. Feeling ko nasa pinas ako...

Medyo malungkot ang mode ng araw na ito... ewan ko... di naman ako homesick to be honest pero parang sobrang lungkot... Ikot ako sa mga malls kaso wala naman akong mabili. I called Hansel kaso kasama niya kapatid nya. So I'm totally alone. I called sa pinas pero di ko naman ma-contact si nanay... buti na lang after several tries.. yun na-contact ko din pero di din nagtagal kasi nawalan na naman ng signal ang phone... wwhhhaaa.. ubos ang hello-card ko... huhuhu.. pero okay lang... hehehe... So ikot ako ng ikot ulet... nag-check ako ng mga relo kasi yung relo kong bigay ng mga ate ko di na umiikot... siguro wala ng battery... I wanted na palitan na pero wala akong makitang gusto ko. I check new shoes kasi sira na yung cute na bettle bug na shoes ko kaso wala din akong makitang shoes na gusto ko... I check lacoste para sa polo kaso di ko makita yung design na gusto ko... wwwhhaaa... sobrang wala me magawa... I went out sa mall para maglakad-lakad pero sobrang lakas ng ulan and it's already 5pm. I been thinking kung paano kami magpi-picture-picture that day... I called Hansel again expecting na nakaalis kaso nasa kapatid pa din niya siya. They wanted to go sa Vivo City kaso tinatamad na ako... Nasa Orchard ako tapos punta pa ako ng Vivo.. layo-layo kaya nun... So what I did, I went to starbucks and sit there to have a cup of coffee... Actually nagiisip ako kung coffee bean or startbucks... kaso full tank ang place.. as in... good thing may tumayo sa starbucks... hehehe... I badly need a black coffee para magising ako... hahaha.. super antok na ako... kasi di ba nga noong Friday nagpunta pa kami nina Reggie sa Mustafa until morning... hahaha... kulang na kulang talaga ako sa tulog....

Anyways, alone lang me sa isang table tapos may lumapit na dalawang lalaki at naki-share sa table.. I think they we're Thailander or Indonesians. At heto ang malupet yung bata sa tabi naming upuan.. ang kulet.. cguro mga 2 years old pa lang siya... aba at nakikipaglaro sa amin while na nakaupo cya sa baby-sit nya... hahaha.. tawa ng tawa yung bata... super cute... :)

While drinking coffee tumawag office.. OOOooopppsss... Syempre pag may tawag may work... hehehe.. :) wag ng balikan itong eksenang ito... hahaha... Pero one thing for sure di kami nagkita ni Hansel sa Orchard at di kami naka-picture sa magandang tanawin ng kapaligiran... wwwhhaaaaaaaa...

Anyways, unexpected that night I met Reggie again together with his family. Well, dahil isang nanay lover ako... hehehe.. kaya love na love ako ng mga nanay... hahaha... :) Yun kinaladkad ako papunta sa house nila at naki-party... hahaha... Promise wala me idea na may party sila... So pagdating sa house nila... I don't have anything... wala me gift, wala me dalang food... hehehe.. so ako yung assistant ng mga chef... hahaha...

Dahil pinoy... may videoke dapat.. hahaha... nakakatuwa, even di nila me kakilala go lang... ganun ata ang pinoy... kahit saan mo ilagay madaling maka-jive... hehehe... or baka ako lang... hahaha... :) And guess what nagluto pa talaga ng salabat para sa boses...hahaha...

Sarap ng food... hehehe... syempre ako ay kasama sa nagluto.. hahaha... Pero may word for the day ako... "CHARLES!!!!" at first di ko maunawaan kung ano yung charles... hehehe akala ko bf niya...hahaha... well, it's a new term ata for Charing... hahaha... thanks sa kanilang bisita from Zamboanga... hehehe... :)

Sobrang surprise me, I had a gift mula kina Redgs... hehehe unexpected... from Philippines na slipper... hehehe.. I like it.. kasi yung slipper ko sa haus pangit na eh... :) Sobrang thank you po... hehehe..

I slept around 5am na, buti na lang may extrang higaan kina Reggie... Sorry Delfin (Poy) kasi inaagaw ko higaan mo... hehehe.. sa salas ka tuloy na tulog.. At ang malupet di pa ako nagpapalit ng damit... hahaha... mabaho na ako... hahaha...

Heto yun ibang pictures...


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin