170

Kahapon, wala na naman kaming ginagawa sa bahay... hehehe.. syempre bakasyon kaya.. rest galore lang kami sa bahay... Eh, I really wanted na magswimming kaso ang kasama ko sa house nag uumarte na naman.. kesyo malayo daw ang Serangoon Swimming Complex.. kesyo basa ang damit namin pagpunta ng city... haayyy naku, kung ayaw maraming dahilan di ba... hehehe... so kaysa di ako matuloy, pwes iwan sa bahay ang aking kasambahay... hehehe.. Nagpunta akong mag-isa sa Serangoon... Entrance Fee $1.30 lang... hehehe... so this is it.. grabe ang laki-laki ng swimming pool... isa pong Olympic size na swimming pool... hahaha... daig ko pang nagpunta ng Laguna... hahaha.. So dali-dali akong nagpunta ng banyo para magpalit ng damit.. at least masusuot ko na ulet ang aking swimming gear... hehehe.. Ooooppsss di po ako naka-trunks.. wala pa akong guts para magpakita ng TAWEWEETTTT... hahaha.. kaya yung super iksing short lang po... hehehe.. :) at least di masyadong bulgar... hahaha... pero wag ka ang kasabay kong mag-swimming lahat naka-trunks at naka two piece lang... pero in fairness may naka-short din... kaso PANA... feeling ko tuloy ka-tribo nila ako... hahaha...

Syempre bobo ako sa mathematics kaya ng makita ko ang 170 akala ko mababaw lang kasi daming nag-swi-swim.. So pakitang gilas din ako... Laking ILOG ata ito... hehehe... Jusko.. pagtalon ko... Oooopppsss....Akala ko katapusan ko na... hahaha... grabe lagpas tao... hahaha.. di abot ang paa ko sa ilalim.. hahaha... well, syempre para di halatang halos mabawian ng buhay dahil sa kabobohan... super swim agad ako sa tabihan na para akong kuhol na kakadikit lagi sa gilid... hahaha... :)

Ilang oras din akong naglumangoy dun... kaya heto ang sasakit ng aking katawan.. hehehe.. pero okay lang.. may next time pa... sarap kayang mag-swimming... hehehe... :) Feel na feel ko na ang summer.. :) pero takot akong umitim... hehehe...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin