Walking with my Peng You..

Yesterday, after my gym... bumaba ako sa Fernvale to eat my dinner... sobrang miss ko na ang Hokkien Mee (Fried Prawn Noodle).. Grabe sobrang nag-crave ako.. hahaha.. so sabi ko di ako kakain except pag may mag-press ng button para mag-stop ang bus... hehehe... so malayo pa lang sa bus stop at may nag PRESS ng button sa bus... isang pulang ilaw ang aking nakita: BUS STOPPING... hahaha.. so dahil natalo ako sa pustahan sa aking sarili.. bumaba ako sa Fernvale at buong ningning kong kinain ang 4 dollars na Hokkien Mee.. grabe sobrang sarap.. hahaha...with matching green tea pa yan... hahaha.. (d ba di ako matakaw... hehehe...)

Within 15 minutes ubos ko na agad ang isang bandehadong noodles... hehehe... and nag-start akong maglakad... sabi ko, lalakarin ko na lang from Fernvale to Anchorvale... siguro kung susukatin ko parang Guadalupe hanggang Crossing... hahaha... actually malayo siya... pero sabi ko tutal marami akong nakain at para ma-burn ko naman lahat ng calories na aking kinain... hehehe...

By the way i-pi-picture ko sa inyo ang hitsura ng Fernvale-Anchorvale (SengKang)... Dahil bundok ang SengKang, most of the place here are di pa develop... Tapos may ilog dito na maraming puno at ang dami-daming ibon.. :) From Fernvale tanaw mo na yung HDB Flat namin sa Anchorvale kasi walang puno... isang malawak na open fields ito na super green.. :) Ano na picture-out mo na??? hehehe... Imagine Guadalupe going Crossing tapos walang bldgs at open fields na kulay green... hehehe.. :) GANUN ang hitsura... :)

Balik sa kwento... while walking, I started to talk to my peng you... I thank Him sa lahat ng bagay na nangyayari sa akin... sabi ko sa kanya sorry kasi ang stubborn ko... kasi most of the time He wanted me to do this things pero yung way ko ang sinusunod ko... Sabi ko sa kanya bigyan niya ako ng contentment sa buhay kasi parang I'm getting materialistic na ata... I praise Him kasi I'm still working, nag-sorry ako sa kanya kasi pilit akong naghahanap ng bagong work ganung binigyan na nga Niya ako ng work noong bago pa lang ako dito sa Singapore... Sabi ko sa Kanya, though di ganun kalaki ang sweldo ko compare sa ibang IT, blessed pa din ako kasi I'm earning na enough na for me to survive and can help my parents a little bit sa pinas... I thank Him for allowing me to meet CV in my life and may He send more laborers para kanyang malawak na ubasan... I pray for my serive here in SFC na sana marami pa akong matutunan to grow more... I thank Him for having my family around me kahit di na kami nagkikita for almost many years na, especially yng mga kapatid ko sa US... I told Him na namiss ko yung moments na magkakasama kami ng mga kapatid ko na kahit wala kami ng bagay na meron ang ibang tao pero masaya kami... Na-miss ko yung time na sama-sama kaming nangangahoy sa gubat at naglalaba sa ilog... :) Pero I thank Him kasi despite na iba na ang takbo ng buhay namin He allow me na mapabilang sa pamilyang iyon... I thank Him for giving me a lot of friends... I thank Him kasi He allow me to see a beautiful moon that night at merong isang star sa langit... :) Sobrang thankful ako kasi I saw a lot of birds flying that night doon sa ilog... hehehe.. siguro naghahanap pa lang ng kanilang matutulugan... :)

And guess what... di ko namalayan nasa Anchorvale na ako... :)

Actually, natutunan ko ito sa isang article na nabasa ko... Have time to talk to your God... pero paano daw pag sobrang busy lalo na kung working ka... Sabi ng Author kung bumababa ka sa tapat ng bahay ninyo everyday... try mong bumaba ng ilang metrong layo sa bahay ninyo and start walking... appreciate everything.. thank Him, acknowledge Him, praise Him, talk to Him.. kung galit ka.. sabihin mo sa Kanya.... Kung malungkot ka... share it to Him... Though walang response pero look around you... God will speak to you that moment... :) Di ba ang bait ni Lord, He's making you fit at the same time He's making your Faith grows.. :)

Yun lang po.. Ad majoren dei Gloriam...

===========

peng you - is a Mandarin word for FRIEND...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin