Pwede na ba akong mag-MC ulet?

Sa Singapore kaiba ang weather talaga... kunwari sa umaga sobrang init tapos sa hapon biglang sobrang lakas ng ulan na akala mo signal number 3 na bagyo.. hehehe.. kaya naman ang results it's either tamaan ka ng sipon or ng ubo... hehehe.. :)

Since last week masama na ang weather dito.. paiba-iba.. tapos samahan ka pa ng officemate na balahurang walang pakundangan kung umubo as in... Uubo sa harapan mo ng walang takip ang bibig tapos makikigamit pa ng phone mo... ano ang result??? eh di mahawaan ka ng sakit nya... Eh, sa tulad kong di naman lumalaklak ng Vitamin C, eh ang dali-dali kong hawaan ng sakit.. hayyyy *roll eyes*

Today, sobrang ayaw ko talagang pumasok... kasi ang kati-kati ng lalamunan ko.. kaso kung kailan naman ako may reason para mag-MC saka naman ako hindi maka-MC... kasi iniisip ko wala naman akong gagawin sa bahay kung matulog at umikot ng umikot sa higaan... hehehe.. so heto ako ngayon sa office at kumakahol na tulad ng isang aso... naku babawi ako sa mga ka-officemates ko.. bahala na kung sino ang hawaan ko ng ubo.. :) sabi ganti ganti lang yan DUDE!!! (teka sounds Aussie na ako ah... hehehe... does it mean pupunta ako ng Aussie??? hehehe.. well, let's see... hahaha!!!)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin