Cam on Vietnam!!!

After my trip in US.. here I am again flying to the land of Vietcom... hehehe... Ho Chi Minh in particular...

Actually this was plan last May before my trip in US. I tried invite some of my friends but only me,Stan, and Suzi managed to go to this trip... but it's okay... hehehe... Pero sayang for those na hindi nakasama kasi budget airlines lang naman ang aming sasakyan at saka super budget lng talaga itong trip na ito.. hehehe... We only took Tiger Airways noong panahong buy one take one ang tickets... hehehe.. :D

I thought di ako makakasama kasi katatapos lang ng mahaba kong leave and I know di papayag ang boss namin pag nag-leave ako... I been thinking for MC pero siguro talagang trip na ito ay para sa aming tatlo... Guess what??? Bigla akong nagkaroon ng OFF-lieue salamat sa SELAMAT HARI RAYA ADILFITRI... hehehe... :)

We met at Changi Budget Terminal which is according to the plan... (maaga lang ako kasi maaga akong nagising.. di naman excited ang mokong... hahaha..) Hinintay ko na lang si Stan sa Shuttle bus para sbay na kami... si Suzi kasi mukhang late na namang nagising at naka-taxi na naman... hahaha... :)

Habang nasa eroplano... we had this card game (Pusoy Dos)... hehehe... :) Loser will treat the 1st Placer ng noodles and the 2nd placer will be the drinks...

1st game.. well I'm the winner... hehehe... kaso we ended the games na ako ang loser... huhuhu... kainis... manlilibre tuloy ako sa mga mokong... hmpf.. :D

When we arrived at the Airport in Vietnam we really don't the place where we going... hahaha.. the only thing we know ay yung name ng Hotel at yung street ng hotel but yung exact address wala kaming copy... hahaha... Ng lumabas kami sa airport... daming mga nag-aabang na taxi and most of them are harassing you... (pinas na pinas ang driver... hehehe..) meron isang mama na sobrang persistent... 200,000.00 ang bayad taxi going sa hotel namin... (wait... wag matakot sa price... we're MILLIONAIRE here in Vietnam... hahaha..) Anyways, we ended to 100,000.00 ang bayad sa taxi... hehehe... (sorry manong kuripot kami... hehehe)

Our first destination.. Ben Thanh Market... kung saan mura ang mga damit... sa atin ay Divisoria ito... heto ang malufet sa Vietnam.. pag-ta-tanga-tanga ka... mamatay ka ng maaga.. bakit??? kasi po walang pakialam ang mga motorista dito... hehehe... saan ka para kang nakakita ng sala-salabat na sasakyan... hehehe.. pero ang malufet... di naman nag-ta-traffic... tapos naka-GO ang tao... yung sasakyan... walang pakialam.. naka-GO din sila... hehehe... :D Babae, lalake, bata, matanda... lahat nakasakay sa motor... kung sa US ang tao ay 1-1 ang car... dito ata ay 1-1 ang motor... hehehe... :D

We ate our mouthful local food sa palengke... hehehe... :D pero wag ninyong small-lin... sabi ni Auntie.. No.1 yung food na ipinakain nya sa amin.. hehehe... In fairness.. winner ang lasa talaga... hehehe...masarap talaga... hehehe.. I really like yung dinikdik na prawn na inilagay sugar cane... :D at saka yung noodles... hehehe...

Nilakad lang namin yung Tax Department Store.. pero di naman maganda... hehehe... ma-aamazed ka lang kasi marami pa ding mga babaeng Vietnamese ang nasa suot ng kanilang traditional dress... :D

We supposed to take river cruise dinner kaso parang di sulet kung kakain kami dun... :D so what we did.. kumain kami sa isang fine dine-in... hehehe... mura lang naman ang aming bill.. 721,000.00... hahaha... kaloka ang presyo... duduguin ka kabibilang ng pera dito... hahaha... Ng bumalik kami ng hotel, para feel na feel na tourist kami.. talagang mera Cyclo pa kami.. (ito yung katumbas na tuktuk sa Bangkok... hehehe...)

Next day, we went to Dam Sen Park.. carry lang ang place... pero ito ang nakakatawa.. we saw yung isang couple na talagang mega punta sa park para sa picture taking... at lahat ng pamilya at buong entourage ay kasama... tapos... talagang walang reserve-reserve... on the spot ang bili ng tickets.. hahaha... kaloka... :D Nag-enkoy lang kami sa bump-car... kasi mahaba ang laro namin dito... makulet yung lalake dun at binabanga kami lagi.. hahaha... :D tapos pumasok kami ni Stan sa 3D na theater kasi di kaya ni Suzi yung place dahil may ahas yung picture... hehehe... jusko... na-lost ako sa 3D... hahaha... parang gawa sa bario at walang ka-sense ang palabas... hahaha... :D as in... please wag ninyo itong pasukin if ever na pupunta kyo dito... hehehe... We took an elephant ride as well... tourist na tourist ang dating naming tatlo... mega kaway sa mga taong nakatingin sa amin... hahaha.. :D After that, we're rushing to CHUA VINH-NGHIEM at niloko kami ng bwisit na taxi driver... hmmppff...we pay 178,000.00 sa taxi considereng mas malapit pa siya kesa sa Airport na 100,000.00 lng ang bayad... bwisit... anyways.... sabi namin dapat sulitin ang place... at excited si Stan dahil ka-surname nya yung place... ito yung pinakamalaking pagoda sa Ho Chi Minh.. jusko... kapapasok pa lang namin tama bang palabasin na kami dahil close na... wwwhhaatt... buti na lang nakapicture na kami kahit konti... hmmmppfff... kalungkot... kumain na lang kami ng masarap na kainan kung saan maraming tourist... hehehe... Quan An Ngon... :) masarap yung kanilang food dito at sulit ang price... considering na pinipilahan talaga yung place... :) After that sa Reunification Palace naman... hhhmmm.. not so good as well... wala ka masyadong makikita sa place na ito... picture na lang kami sa mga tank at erplen.. :D Nilakad na lang namin yung going sa War Museum at ito ang payo ni Stan sa akin... minsan kahit tambay dapat paniwalaan at wag yung mga estudyante... paano nangyari??? heto...

Renie: Excuse me, where is the War Museum
Studyante: Over there... (itinuro yung kaliwa..)
Tambay: War museum... there... (turo straight...)

Ang analogy ko: Bakit ako maniniwala sa tambay eh, mas alam ng estudyante ang museum... so punta kami sa kaliwa.. jusko... tama po pala ang tambay... hhaaayyy... sabi ni Stan.. kahit tambay alam din nila ang museum... :D

Heto lang ang masasabi ko.. di cya kagandahan... as in.. no class at all... kung maraming tao sa labas ng gate... wag ng magbayad ng entrance fee.... di sulet ang bayad... (pero nagbayad kami ng 15,000.00)

Umuwi muna kami ng Hotel, after that museum.. sobrang init sa labas at sobrang baho na naming tatlo... so rest sa hotel at ligo... since yung Saigon Square na lang ang pupuntahan namin at Spa ang aming target sa gabi... :D

Marami namang nabili si Suzi sa Saigon sqaure... eh kami naman ni Stan walang balak bumili ng kung anik-anik kaya wait na lang kami sa Spa... Well, excited kmi sa spa kasi mura lang... yung Whole body massage I think nasa 10-15 USD... eh dahil di ako pwede sa masahe dahl tatawa lang ako. pa-facial ang lolo nyo... :D 15USD yun... hehehe... :D after the service... i gave 10SGD na tip kasi happy naman ako sa service nya... sina Stan at Suzi... hhhmmmmmmmmmmmmmmmm... isang malaking drama ang nangyari... hahaha... OFF the record na yun... hahaha... pero ang masasabi ko lang WINNER ako at LOSER silang dalawa... hahaha... *FISH TYO!!!* Another well, know restaurant ang kinainan namin.. this time French naman... hehehe... :D dito na lang inilabas nina Suzi ang galit... hahaha... :D I recommend AGUSTINE as your destination kung kakain kayo sa Saigon.. :) masarap ang food... sobrang nakakabusog.. tapos, ikot lang kami sa city plaza at kumain naman kami ng ice cream.. as in walang katapusang kaina ang Vietnam.. maraming masarap na food... :)

Our last day, simba lang kami sa Notre Dame Catheral at picture sa post office tapos fly na kami ng Singapore...

It's a wonderful experience yung aming bakasyong tatlo... kulitan blues... mga bagong terms ang Wynona Rider at Luz Valdez.. :) hehehe... We know na marami palang maganda sa Vietnam... :D ang salitang Cam on ay Thank you sa kanila... :D napaginulet-ulet mo parang ang bastos pakinggan.. hehehe.. :D Anyways, sobrang happy kami sa bakasyon namin... hope meron pang next time para mas masaya... hehehe... :)

===========

Mga larawan ng kahapon..

Kahit boarding gate... walang patawad sa pictures... hehehe...


Di ko naman kakulay ang boarding gate... hehehe...


Who wants to be a millionaire???


Sinong magsasabing pwede palang bitbitin ang isang milyon sa isang kamay ng hindi nakalagay sa maleta... hehehe.. :D WINNER!!!


View sa bintana ng Hotel namin...


Phan Ngu Lao.. :)


Fear Factor.. Mamoth for dinner.. nnyaaakkksss... :D


Mouthful lunch at Benh thanh market... :)


Teka saan po ba tlaga ang exit? baka ito ang Platform 9 3/4 sa Harry Potter... nasa wall ang exit.. hehehe...


Talagang mega bili ng pasalubong... hehehe...


Jordan??? ikaw ba yan?? hehehe.. :D


Uncle Ho.. hehehe. :) [Founder ng Ho Chi Minh]


Ang cute cute ng batang ito... Tagalang nag-pose pa siya ng picturan namin siya... hehehe.. :)


In front of Opera House


Stan Peace daw sabi ni Manang.. hehehe... guess what... bumili kami ng buko sa kanya kasi uhaw na si Stan.. ang dinig namin 14,000.00 an worth ng buco... jusko na-lost si Stan ng sabihing 40,000.00 ng babayaran na namin... hahaha... :D O yan Stan PEACE na daw.. hahaha... :D


Hotel Continental...


Pwede na ba akong mag-yosi... hehehe... Ito yung sugar cane.. hehehe.. kinain na namin ang prawn... hehehe... :D


Rachelle Lobangco ikaw ba yan? KOKAK for your desert... hehehe...


Lalaban ka.. :D


Wedding at the park.. hehehe... sobrang nakakatuwa itong pamilyang ito.. hehehe... :D


O di ba tourist tlaga... hehehe.. :)


pwede ng model.. hehehe..


Grabe nakakaliw ang sumakay sa elepante.. hehehe.. sakit sakit sa pwet.. hehehe...


O di ba... pose kun pose...


Sino ang pervert??? hahaha... :D (uuyy joke lang ito ha... hahaha..)


Ang templo ng mga Chua.. hehehe... :D


Reunification Palace... :)


Ready to fight..


Suzi...


sa Hotel namin together with the receptionist...


Notre Dame Catheral...


Wala pong karera... hehehe.. normal lang yan sa Vietnam.. :D


Sa kwarto namin before kami umalis... :)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin