destination: Taipei -- LAX

Paglipad pa lang ng eroplano.. katog na agad ang tuhod ko… syempre ba naman noong isang buwan lang nabalitang merong bumagsak na China Airlines… hahaha… sino ba namang di kakabahan dib a? pero in fairness maraming mga Chinese akong kasabay going to Taipei… (of course kaya nga China Airlines eh... hehehe..)

Ito yung ayaw ko sa eroplano… pag-naupo ka na parang wala ka ng karapatang tumayo… syempre ang sakit-sakit kaya sa pwet nun at yung paa ko nangangawit sobra… tapos ang katabi ko sa seat.. isang lalake na naka-coat ang tie pa… grabe na ito… samantalang ako… polo-shirt lang at jacket… hehehe… at mega poise pa si Uncle kapagkumakain… hahaha… (di nman ako ususero noh... hehehe). pero kevher ko sa kanya… wala akong pakialam… basta ako kakain ng kakain… hahaha… bawat bigay ng food sa table ko… malingat lang ang stewardess ubos na agad… hahaha… di naman po ako patay gutom pero magana lang po talaga akong kumain...

Ilang oras din ang biyahe from Singapore to Taipei… more than four hours… sinisilip ko nga ang pinas habang nasa langit kami… hahaha.. kaso mukhang maulan sa pinas that time kasi ang dami-daming ulap… pero in fairness I saw two sea vessels along South China Sea… O di ba.. kahit Malabo ang aking mapupungay na mata eh nakakakita pa din ako ng something kahit malayo…

Habang pababa na kami sa Taipei, I kept looking for Taipei 101 kaso di ko man lang nakita sa langit… puro F4 ang nakikita ko sa monitor ng aking upuan… WELCOME TO TAIPEI ng WELCOME TO TAIPEI… at heto pa pala.. ang shungak shungak ko talaga.. I really don’t know how to use yung monitor sa aking upuan… pinapanood ko muna yung katabi ko… bbbwwwhhhhahahahahahahhhhaaaa… feeling ko ako si Mr. Bean… hehehe… pero di man lang ako nakanuod ng movies… noong pababa na kami saka ko pa lang nalaman na marami palang free movies na pwede kong panoorin.. kaloka talaga… hahaha… burong-buro ako sa aking upuan sa aking kabobohan... hahaha... :D

Anyways, ng bumaba kami sa Taipei… so pa-sosyal pa tlaga ako… late na ako bumaba ng eroplano.. hahaha… O di ba… kung babae ako Primadonna ang aking drama… hahaha… Ikot-ikot muna ako sa erport… looking for airlines na maghahatid sa aking sa Los Angeles Airport… jusko, sa kabilang building pa pala yun… mega sakay pa ako ng shuttle train… pero nakakatuwa kasi ang kasama ko mga American… hehehe… feel na feel ko na yung amoy 'merika.. hahaha… gusto ko na ngang kumanta ng Like a Virgin.. hahaha...

Pagdating ko sa gate kung saan kami sasakay going to US… jusko na-disorrient ako… parang ang dami-dami atang pinoy dito… pero syempre kahit malalaki ang aking mata minsan napagkakamalan din akong Chinese… hehehe… so to make sure na pinoy nga ang aking mga kasama at ang mga taong andun… what I did, I opened my laptop at presto.. mega connect ako sa WIFI… in fairness sosyal ang airport ng Taiwan free of charge sa internet… mega connect lang at mega chat at browse ang drama ko… sabay pinatugtog ko ang PINOY AKO at TABING ILOG… so yung mga tao naman ang na-disorrient… at sabay-sabay silang nagtinginan… so yun na… tama ang aking sapantaha na mga pinoy ang sila… hehehe… pero nalungkot ako in-away kasi I been expecting na blue eyes or gray or brown eyes ang makakatabi ko… pero mukhang sing-itim ng mata ko ang makakatabi ko…

Ng sumakay na kami sa eroplano… last na last akong pumasok… wala lang.. para nakatingin lahat ang mga tao sa akin… gusto ko lang yun tapos kakaway ako sa kanila… hahaha… ekclavu lang… joke lang… hinarang lang ako ng atribidang babae sa labas… mega check kuno ang aking ticket… hmp! Anong tingin nya sa akin, I cannot afford to buy the tickets… hallerrrrr!!! BONUS ko kaya ang ginastos ko dyan… hahaha!!!

At heto na nga… nagumupo ako sa eroplano… yung lalaking katabi ko… mukhang pinoy… at na-prove kong pinoy siya not because pinatugtog ko ulet ang PINOY AKO… bagkus… isang shungak at kalahati… ggrrr!!! BOBITA SANCHEZ ang lolo mo… he really don’t know how to fill-up the form… bwisit!!!... maniniwala ka bang naka-apat ata siyang form… hhaaayyyy!! *roll-eyes I’m not being suplado pero jusko… nakasakay ka ng airplane but your really don’t know how to read the instructions… My Gulay!!! Pero sige lang.. carry lang…hayaan na natin si Pedro… While watching the movies… ang mokong hindi din marunong gumamit ng high-tech na gadget… kaya yun… di ko ipinakita sa kanya kung paano ang tamang pag-gamit… hahaha… at heto po ginaya nya yung inorder ko… hahaha.. eh on-diet ako… ang hinigi ko lang at spaghetti at fruits… jusko akala nya kung ano na ang inorder ko… kaya yun din ang kinuha nya… sorry cya… di cya nakakain ng rice… hahaha… takam na takam siya sa marasap na rice at pork na pagkain ng katabi nya… hahaha… samantalang ako tawa ng tawa deep inside… hahaha… (gaya kasi ng gaya….)

Movie marathon ang drama ko.. pagupo ko pa lang sa erplen… sinimulan ko na si Mr.Bean, yung katabi ko iba ang pinapanuod… after 10 minutes… naka-Mr.Bean na din cya… jusko… gaya-gaya talaga… kainis… gusto siyang batukan… at sabihin sa kanya. “Hey You… why you make gaya-gaya to me…” hahaha…

3am na ata ako nag-try matulog… jusko… Makita ko sa bintana nagliliwanag na…wwwwhhhhhhhhhhhhaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa… It’s really amazing… ang galing we’re about to cross the different timeline… yung katabi ko he’s trying to look as well… what I did, iniharang ko ang sarili ko sa bintana para di nya makita… hahaha… (Renie, you’re really a mean guy!!!... hahaha) Pero after few minutes dumating yung atribidang stewardess at sabihin bas a akin na please close the window… WOW!!!.. pero good thing maganda siya… as in pang-miss U ang beauty nya… kung pwede ko siyang kausapin that moment I will.. pero syempre ayaw ko namang pagkaguluhan kami ng PRESS after… hahaha…

One hour lang ata ako natulog… tapos di na ako makatulog ulet… So I watched another movie… Ocean13 naman… yung katabi ko… naglalakbay na sa kawalan ang kanyang diwa at tulog na tulog ang mokong…

After super long and long and long and long journey… I saw the lights of America… kaloka… THIS IS IT!!! ng mag-landing kami sa LAX, wow… ang sakit ng pwet, ulo at katawan ko…

Ng makalabas ako ng airport… I searching for the familiar faces of my family… jusko… andito na ako sa harap ng Ate ko di ako kilala… hahaha… imagine how long na kaming di nagkikita… nagulat pa siya at may kalbo daw sa harap nya… hahaha… College pa kami ng last magkita… di na niya nakita kung paano ako mahulog sa MRT, mapagkamalang senior citizen, at mahulog sa manhole dati… hehehe… And she’s been thinking ako pa din yung dati niyang kapatid… hahaha… Well, sis… everything is totally different now… I’m different Renie already!!!... :p

I met for the first time our whole family… my pamangkins, may tatay, my inay, my Ate’s, my brother-in-laws… grabe kumpleto kaming lahat… as in…after almost 10 years, heto at nakumpleto ulet kami by the help of God’s Grace… masaya ang feelings at the same time medyo nangangapa ka pa din in a way… syempre, it’s been a long time already na di kami magkakasama sa iisang bahay…

Fiesta official ang drama sa bahay nina Ate Pilar… dami-daming food, sabi ko sa sarili ko, dito ata masisira ang aking diet.. hahaha…

Everyone are excited to my pasalubong… hahaha.. sorry talaga mga kapatid, konti lang ang aking pasalubong considering na limited budget.. at hallleerrrrr… ang dami-dami nyo… hahaha… pero I know everyone are happy with my gifts kahit yung iba di kasya kasi di ko naman alam ang sizes nyo.. especially guys.. sowi po… tao lng nagkakamali din… bawi na lang next year if God's permit me to join you guys.. :)

By the way akala ko.. ako na ang pinakagarapal sa camera pero wwwhhhaa.... tinalo ako ng mga kapatid ko... hahaha... now I know kung saan ako nagmana... hehehe.. :)


===============

Mga Larawan ng kahapon...

Heto habang nagpapalit ang liwanag... it's 2am in my clock... hehehe... pero palubog ang araw... hahaha... :)


My Family atlast... :)


My in-laws together with my tatay...


Cencya na po sa di kasyang damit... hahaha... :D


My makulet na pamangkin... :)


Bunsong kapatid ni Pau-pau... ANDREW (singkulet ko din siguro ito... hahaha..)


Heto pa ang makulet... :D .... Pau-pau [Paulene]

Mga Komento

Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
atribida ka ah... sumbong kita ke Lord...

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin