Mga Post

Sana

Pagnakakakita ako ng itim na background o kandila na profile picture dito sa FB, mababasa mo sa mga kumento ang pakikidalamhati sa taong naulila. Pero walang taong higit na makakaunawa sa taong naulila kundi ang taong inilisan na din ng kanilang mahal sa buhay. It's been awhile ng pumanaw ang inay at ang tatay pero hanggang ngayon paulit-ulit akong dinadalaw ng alaala ng mga huling sandali na kasama ko sila. Paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan ang mga huling salitang nasabi nila. Naalala ko ang sabi ng tatay ng paalis na ako sa Pilipinas noong akin siyang bisitahin habang nakaratay siya sa kanyang higaan. Sabi niya: "Oto bakit kailangan mong umalis? Pwede bang huwag ka munang umalis?" mga huling salita na sinabi ng tatay sa akin, pero wala naman akong magagawa kundi lumisan ng panahon na iyon para bumalik sa ibayong dagat. Kung maibabalik ko lang ang pagkakataon na iyon, gusto kong bumalik at muling haplusin ang kanyang mukha at sabihin, "Oho, 'tay di na ako...

Hidilyn Diaz, ikaw ba yan?

Dahil winter ngayon kaya dapat ang kwento natin ay tungkol sa winter.  Matapos akong makakita ng trabaho, lumipat ako from Auckland sa Taupo. (Next time kwento ko kung paano ako natanggap dito). So heto na nga, hindi naman ako na-inform na ang Taupo ay nasa tuktok ng bundok. Kung noong bago sa Auckland ay para na akong lumpiang sariwa dahil balot na balot ako, jusme pagdating ko dito sa Taupo para na akong Michelin Tyres na mascot. hahaha!!! ganun katindi ang lamig dito. LOL!   So heto na nga, meron lang akong 1 week para makakita ng bahay na titigilan ko. Jusme sa dami ng bahay dito sa Taupo ang hirap humanap ng bahay na uupahan. Tapos heto pa, noong nasa Singapore ako, paglilipat ka ng bahay, dadalhin mo lang ang maleta mo tapos pagdating mo sa lilipatan mo, kumpleto na ang gamit. Dito sa New Zealand ay hindi ganun, pagdating mo sa bahay.. kalurkey... walang anything sa loob ng balur!!! jusme paano na kung wala kang datung??? so ganun na lang sa floor ka na lang matutul...

Basta't Driver Sweet Lover - Taupo Edition

 O heto na, ilang taon na ako dito sa Taupo, NZ pero wala akong kwento sa inyo tungkol sa mga karanasan ko dito, kaya ngayon i-try kong alalahanin ang mga kabobohan ko dito. I'm telling you guys kahit saan ako pumuntang lugar habulin talaga akong bloopers. So today ang ikukwento ko sa inyo ay noong bago pa lang akong nag-aaral mag-drive dito.  Back track lang tayo... before ako pumunta ng NZ nag-aral akong mag-drive sa Bacolod para makakuha ako ng driver's license pero knowing naman sa Pinas, kahit sino pwedeng makakuha ng lisensya. Naalala ko noong mag-take ako ng exam, sabi sa akin bigyan na lang daw ng 500.00 para pumasa... true enough lahat ng nagbigay ng 500.00 pasok lahat sa with honors. LOL!!!  So heto na nga pagdating ko dito sa NZ, hindi naman talaga ako marunong nag-drive, pero mayroon akong lisensya. Naalala ko pa dati noong tinuruan ako ni Moyo kasama ang buong pamilya sa Wairao para mag-drive. LOL!!! after once session.. that's it pancit.. hahahaha.. wag ng u...

iLigwak Ganern

Ang susunod kong kwento ay tungkol sa Apple. Since Apple ang usapan kaya dapat may "i" sa unahan davah. Like iwatch, iphone, imovie, etc!! ganern dapat. LOL!!! Ikwento ko sa inyo noong panahon na muntik na akong matanggap sa Apple (SG). Nag-tatrabaho ako noon sa NCS (client ko ay Citibank), ito yung panahon na halos gawin ko ng bahay ang opisina. hahahaha... yung tagline ng Citibank na "The bank that never sleep..." yun, ganun kami dati.. as in bawal matulog neng... di naman ako na-inform na Walang tulugan ni Kuya Germs ang labanan pag Citibank ang trabaho... hahahahaha... Anyway, sabi ko sa sarili ko, tama na.. sobra na... palitan na... so ginawa ko, nagsimula na akong magpadala ng aking resume sa iba't ibang kumpanya. Jusme nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin for interview. As in, guys hindi pa-humble effect pero yung alam ko lang as an IT ay awra lang talaga. hahahahaha... I'm not kidding, minsan nga iniisip ko kung paano na ako natatanggap sa trab...

Ang kahinaan ng Panginoon

 Matagal na tagal na din akong hindi nakakasulat, marahil dahil abala sa mga bagay bagay. Isa din marahil ay  pakiramdam ko, naibahagi ko na lahat ang halos ang aking kwento o minsan naman ay walang pumapasok na inspirasyon sa aking isipan. Ang paglikha ng isang malayang sulatin ay kailangang umusbong sa iyong isipan sa pamamagitan ng inspirasyon, kung walang inspirasyon, walang magandang akda ang maililimbag. Habang ako'y nagaayos ng aking pananim sa aking hardin, biglang umusbong ang inspirasyon. Natanong ko ang aking sarili, tunay nga kayang walang kahinaan ang Panginoon? Dahil Diyos siyang tunay, wala ba talagang makikitang kahinaan ang Diyos? Yaon ang mga katanungang bumabagabag sa aking isipan, at ako'y biglang natigilan sa aking ginagawa. Dagli akong nagnilay sa bagay na ito. Nabatid kong, maykahinaan ang Panginoon na siyang lakas nating mga tao at ito ay ang ating DASAL. Sa tuwing tayo'y umuusal ng panalangin sa ating Panginoon, tulad ng isang ama na nagmamahal sa k...

Ang Istorya ng aming buhay

Paano nga ba ang mangarap at mag tagumpay sa gitna ng kahirapan? Ito ang ilan sa mga katanungan namin na parang walang kasagutan noong mga panahong yaon. Hayaan ninyo ibahagi ko sa inyo ang kwento na aming pamilya. Ano ba ang naging sangkap kung paano kami nakaahon sa hirap ng buhay. Isinilang at lumaki kami sa maliit na barangay na kung tawagin ay Laurel sa pagitan ng dalawang Ulango (Tanauan at Calamba). Payak at masaya, masarap na mahirap, malungkot na masaya, pero kahit ilang bagyo pa ang dumating sa buhay namin lalaban kami at tatayo na taas noo dahil alam namin na wala kaming inaapakan na tao. Buklod ng pamilya ang naging susi ng aming tagumpay, sa kadahilanan ng isang paniniwala ng aming mga magulang na ang pagsama-sama ng mga pusod namin ay magsisilbing alala na hindi mawawala o mapuputol ang pagmamahalan at koneksyon ng buhay namin sa isa’t isa, respeto at pagmamahalan sa kapwa at higit sa lahat may takot sa Diyos. Hindi naging mabait ang tadhana sa amin noong nagsisimula pa l...

No Title

 Dumarating tayo sa punto ng ating buhay na minsan hindi natin alam kung saan tayo patungo. Marami tayong mga tanong na kadalasan walang kasagutan. Marami tayong mga dasal na kadalasan ay tila bingi ang langit at tila hindi nadirinig ang bawat usal na ating panalangin. Panahong gusto mong ngumiti pero luha'y patuloy ang patulo sa iyong mga mata. Panahong nangangarap ka na may kausap pero tila lahat ay abala at walang panahon sa'yo. Panahong yung mga taong iyong pinakatiwalaan ay sila pa ang yuyurak sa iyong pagkatao at dangal at sisira ng iyong tiwala.  Kaibigan, hindi sa lahat ng panahon ay laging sumisikat ang araw. Dumarating ang araw na ito ay lulubog at muling magkukubli at babalutin ng dilim ng gabi. Ngunit hindi nangangahulugang ang dilim ng gabi ang katapusan ng lahat, bagkus ito ay nagpapaalala sa atin na sa bawat dilim o pagsubok sa buhay ay muling darating ang panibagong araw; ng panibagong pag-asa. Alam ko sa panahon ngayon marami tayong agam-agam sa buhay, maramin...