I add my boss in my cc

Sorry ngayon lang ako naka blog ulet.. sobrang busy ang lolo last week as in lagare... :D monday late na ako nakauwi, tpos tuesday planning with music ng SFC, wednesday upper household ko, thursday praktis ng simbang gabi (me simbang gabi d2 sa sg... as in tagalog at ang kanta namin tagalog din... hehehe), friday i paid my credit card bills at saka late na ako nakauwi, saturday naman i sang sa Catholic Junior College tapos nanuod ng mini concert ng Tatalon Choir and nakauwi na ako almost 1am na ako... tapos today... heto almost 7pm na ako nakauwi from Johor Malaysia... hehehe

Anyways, ang kwento ko tungkol noong isang araw... nagemail yung isang kaibigan namin d2 sa singapore sa akin tungkol sa Manila Ocean Park ata yun... so niloloko cya na siguro yun ang isa sa kanyang destination sa pinas.... tapos palitan ng kulitan tungkol sa kanilang pamasahe pauwi... at kung anik-anik pa... as in hhahahahah at bbwwwhahahahahha ang laman ng email namin... yung tipong dami ng ginagawa ng opiz pero may time pang makipagkulitan...

biglang dumating yung isang opizmate ko at tinanong ang surname ng boss namin sa Citibank... so what I did I typed it sa email... at saka ko ibinigay sa kanya....

After ilang minutes yung ka-chukarat ko sa email (parang chat po ang email namin promise...) bigla ba namang tinanong ako kung sino yung naka-cc sa email ko.. parang pangalan ng ng intsik... i been thinking baka na-cc ko si Stan.... POTEK!!! as in syet na malagkit.... alam mo yung feeling na di mo alam kung ano ang gagawin mo... ganun... and guess what yung BOSS ko lang naman po ang naka-cc sa email... hahaha.. si LEON GUERERO... hahahaha... :D

so para di naman masyadong nakakahiya... i sent him a personal email telling him that I sent a wrong email... i been expecting na papagalitan ako... at heto ang reply ng lolo mo...

Leon: it's okay... hahaha.. I cannot understand either..

Jusko halos tumambling ako sa upuan ako katatawa... :D wala lang... itong si Leon Guerero talagang love na love ako... :D sabi ko na nga ba Ate Raquel me gusto sa akin ang bossing natin eh... hahahahahahaha... :D wala lang sobrang natuwa lang ako sa kanya... :D

================

Natutunan: Pag mag-sesend ng email check kung sino ang kasama... tandaan if you're wasting company's money dapat di mahuli ng boss.. CAN? :p

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin