Lasang Pinoy

Araw ng linggo at guess what? me pasok ako... haayy!!! Ano ka ba naman Renie magtataka ka pa na me pasok ka... magtaka ka kung wala kang pasok di ba?

Anyways, after kong kumanta sa simbahan este kasama ko pa lang kumanta si Reggie [dun sila nagsimba nina Poy at Tito Rudy (Reggie's Dad)] nagpunta ako sa Compass Poit (Mall ito sa Sengkang) to settle ang aking mga kautangan like Credit Card etc... :)

Sabi ko kakain na lang ako sa hawker cetre (food court ito sa Pinas) sa taas ng mall para mas mura... and since mas mura kung bibili na akong drinks sa VALUE DOLLAR shop kung saan 1 dollar lang ang mga bilihin... hehehe... So dumaan na ako dun... at heto maniniwala ka bang lumabas ako ng Value Dollar na mukhang di ata na VALUE ang pera ko... hahaha.. :D Dapat inumin lang ang bibilhin ko paglabas ko me dala-dala akong kung anik-anik... pero I'm so happy kasi maraming pagkaing pinoy dito akong nakita...

1.) Nakabili ako ng LIGO Sardines... at take note dalawang jumbo size at saka dalawang ordinary size.. hehehe... Cencya na po di naman kami mangyan pero paborito ko po ang Sardinas... hehehe.. :D
2.) Alam mo ba yung Magic Flakes... if my memory serves me right me commercial nito si Juday... hehehe... :D dalawang pakete ang aking kinuha.. hahaha.. para me makain ako sa office...
3.) At saan ka pa nakakita ako ng TANG ORANGE Juice drink... astig ito... :D as in tagalog ang mga nakasulat sa pakete.. hehehe.. :D WINNER ito.. sabi sa TANG: rich in Vit C - Tumutulong para palaging healthy ang skin, teeth and gums. Vit.B - tumutulong sa pag-release ng energy mula sa pagkain... hahahaha.. O di ko na iisa-isahin masyadong Advertise sa TANG ito.. wala namang bayad.. :D

Anyways, wala lang.. natuwa lang ako... heto at kumakain ako ng dinner na Magic Flakes + Tang... O di ba.. sulet!! hehehe.. (sana makauwi na ako.. 7:33pm na... huhuhu...)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin