Ano ang nasa menu?

Heto pa pala... wag kang matakot sa mga nakasulat sa MENU sa mga Resto sa Camboda.. sometimes ganun lang nila nasabi pero iba ang ibig sabihin.. :) Bigyan ko kayo ng sample..

Chicken with green PAPER... <-- O di ba.. pakain ka ba ng manok na may berdeng papel pag di ka kabahan... :D pero PEPPER po ito.. :D

O heto pa... kung meron kang dalawang choices.. ano ang pipiliin mo sa menu.
a.) Fried egg with bitter gourd
b.) Fried egg with better gourd
Well, sagot ko dyan yung BETTER... di ba always look for a BETTER SIDE... hahaha.. :D

Paano naman kung guessing ang menu..
Fried egg with ... $3.50

Dito ka kabahan... pero malay mo mala-lottery yan at ma-hit mo ang jackpot... something like this.. FRIED EGG with... HOUSE & LOT... Or kung malas talaga... FRIED EGG with... LAND MINE... jusko katakot yun... (^_^)

Eh, how about kung exotic talagang food gusto mo pa bang kainin...

BEEF with MORNING GLORIES... jusko.. kaloka di ba.. kung tatagalugin mo parang ganito:

BAKA na may MUTA
or MINUTAANG BAKA
pwede ding... BAKA NA PINAUPO SA MUTA

yyiiikkeeessss... :D pero wag matakot ng makita ko itong morning glories...ito po ay KANGKONG... :D some of the resto called it morning lorries.. >:D

Yun lng po... Bona petit... :D

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin