Birit sa Magdamag
"Punta ka na sa harapan tapos kantahin mo yung kanta ni Celine Dinyun. Sige na, wag ka ng mahiya!" ang pilit ng ina ni Kulasa habang proud na proud sa anak.
Nakakarelate ba kayo sa scenario na ito? Yung tipong sapilitan kang pakakantahin sa harap ng mga kamag-anak nyo. Sasabihin sa'yo.. KANTA... SAYAW.. TULA.. TAMBLING.. CHARTWHEEL... jusme kahit anong talento ipapagawa sa'yo na para ka lang magic tricks o puppet. hahahaha.. Pero ikaw naman pabibo din naman... hahaha.. susunod ka din!! UTO-UTO!!! hahahaha!
Nang magsimula akong magtrabaho sa Singapore, dito ko napagtanto na ang tingin nila sa mga Pinoy ay walking Entertainment Showcase. "You Pinoy ah! Can sing and dance mah! so good leh! why ah?" (Tayo daw mga Pinoy, bakit daw tayo magaling kumanta at sumayaw). hahahaha... Parang pagkumanta ka sa simbahan.. woah! so good ah... hahaha.. Kahit itong taxi driver ko sabi nya noong kabataan niya yung sikat ng bar na pinupuntahan nilang magkakaibigan mga pinoy ang kumakanta. Gusto kong sabihin: "Naman! unang natututunan ng mga batang Pinoy ay ang pagkanta kesa sa pagbasa at pagsulat." hahaha!
Oh, intro pa lang yan ng tunay kong kwento.. heto na ang kasaysayan ng aking kabataan. hahahaha!
Tuwing sasapit ang Bagong Taon noong bata pa lang kami, hindi ang fireworks ang highlight ng selebrasyon kundi ang simpleng New Year's Eve na Program. Kapraning noon, mas marami pang lumilipad na ligaw na bala kaysa sa fireworks sa aming nayon. hahaha... And I'm telling you parang mga meteorites lang kasi di pa uso ang pagbabawal magpaputok ng baril. hehehehe.. kaya kung lasheng na ang mga tao... labas ang armalite at rumarapido pa ang iba.. hahahaha.. parang pelikula lang ang drama na biglang lalabas si Paquito Diaz habang hinihimas-himas ang kanyang balbas. hahaha..
Anyway, 7pm pa lang.. lahat ng mga bata doon sa amin excited na tapos yung mga nanay at tatay ng mga bata parang mas excited din. hahaha... Nakaupo lahat kami sa bahay nina Nanay Osay tapos kukunin ang papag at presto.. may instant Stage na kami. Dahil konti pa lang naman ang bata noon sa lugar namin kaya kahit anong gawin mo... matatawag ka sa Tanghalan ng Kampeon. hahahaha...
Nakakatuwang magbalik tanaw, imagine iisa-isahing papakantahin ang mga bata kahit ayaw mo, kahit sintunado at kahit malat na malat ka... pabibiritin ka ng walang humpay. At kung wala kang talent sa pagkanta.. pwedeng sayaw.. pwedeng tula... kahit ano pwede... Jusme... ang premyo... akala mo naman recording contract sa Star Magic.. hahahahah... 2 pesos lang at swerte mo kung umabot ng 5pesos ang premyo.. hahahahahaha... pero sobrang saya na kami noon pag nakakuha kami ng premyo... hahahaha.. Imagine if mayroon kang 2 pesos.. sikat ka na sa kaklase mo.. hahahaha... pwede mo ng i-treat ng plastic balloon ang buong klase nyo. hahahaha... at pag 5 pesos na... PARTY PARTY NA!!! hahahahahaha!!!
Masasabi kong isa ito sa magandang training ground na natutunan ko noong bata pa kami. Alam kong sapilitan lang kaming pinapakanta at pinasasayaw pero dahil sa kalokohang ito ng tiyuhin ko natuto akong magsalita sa harap ng tao na kahit halos mamatay-matay na ako sa kaba at ito din ang isang dahilan kung bakit ang tulad kong lumaki sa sapilitang pagpapakanta ng mga kamag-anak nahulma sa aking boses. JOKE!!! bbbwwwhahahahaha!!! **nangangarap lang!**
#birit_sa_magdamag
#kwen2niernie
Mga Komento