Let's Get Physical


I remember noong bata pa ako, the best talaga ang Recess time tuwing may pasok sa school. As in feeling ko noon para akong kabayong nakawala ako sa kwadra na takbo ng takbo na walang kapaguran. Ngayon nga iniisip ko bakit nga takbo ng takbo ang mga bata eh pwede namang lumakad lang. LOL!

Pero bukod sa Recess like na like as in bet na bet ko ang PE. hahaha.. (wag kayong echochera, for sure paborito din ninyo ang PE classes). Pero dumating ba sa inyo yung panahon na ang PE ang kinatatakutan ninyong klase? Aba aba aba.. Let's Get Physical na!!! hahaha..

Noong High School ako mayroon kaming kinatatakutang PE Teacher. 'Neng, sa tindig pa lang ni ma'am talagang tatayo ang balahibo mo sa kaba. First year pa lang ako takot na ako sa kanya at umaasa akong hindi ko na siya magiging teacher sa mga susunod na taon. hahaha.. Hindi naman mukhang halimaw si ma'am, actually mukha siyang Kastila. Yung tipong masusungit na Kastila na pagnilalamig bigla na lang sisigaw: "SIMANG!!! giniginaw ako.. magsunog ng sampung alipin!!! pronto!!! hahahahaha.. Parang ganun ang hitsura ni ma'am. LOL! Yung tipong mahihiya kang lumapit kasi parang putik na putik at mukha kang dugyot sa tabi nya. LOL!

Anyway, ng mag-second year ako.. jusme minalas-malas ako at siya ang teacher namin sa PE. Feeling ko laging maiihi ako sa klase ni ma'am. Yung tipong kung college ka magiging major subject mo ang PE. hahaha.. Super strict si ma'am, I remember pagnagsulat kami ng outline tapos pagdating ng time at hindi ka pa tapos sumulat sa notebook mo.. neng wala check ang notebook mo.. hahahaha... **pero madaling gayanin ang pirma ni ma'am.. LOL!! isang check tapos nasa top ang malaking letter C for Caballes**  hahahaha!!! Pagsinabi nyang NO.. as in NO... wag ka nag umaasa...kaihit lumuha ka pa dyan ng dugo. LOL!

Pero okay lang naman yun ang pinaka-worst sa lahat pag oras na ng mga games like basketball or volleyball. Tapos pupunta kaming lahat sa gym at halos lahat ng mga estudyante naka-tambay sa gym.

Napaka-simple ng uniform namin:
1. white t-shirt
2. SHOCKING Red na cycling short
3. at number mo sa class na nakalagay sa cardboard tapos nakasabit sa iyong leeg para di ID. Take note ang number ay dapat kasing laki ng FOLDER!!! kaloka!!!

Imagine nyo hitsura namin noon:  naka-red na cycling short nafit na fit tapos naka-tackin with matching gigantic na number sa harapan mo para kang jupokpok na pipiliin ng customer.. hahahahaha... =)) at ang pinaka-worst... KUMUSTA NAMAN si FELIX BAKAT? hahahaha!!!

Siguro habang tinitingan kami ng mapanuring mata ni ma'am noon sinasabi nya sa sarili nya:

- ito taga-SANTOLAN Quezon City
- ah taga-KAMIAS lang ito
- taga Manggahan Pasig
- 'neng Dakota Harrison Plaza #pak!

#PE
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin