TAYTAY

Alam ba ninyo ba kung saan ang Taytay? Sa mga hindi pa nakakaalam sa Rizal province po ito. hehehe.. Ang susunod kong kwento ay hindi tungkol sa lugar na Taytay pero medyo malapit na ng konti. hahahaha..!

Noong nag-aaral ako sa Maynila, pagumuuwi ako ng Batangas sumasakay lang ako ng bus sa Kamuning kasi wala naman kaming sasakyan noh.. jusme! pambayad nga sa tuition hirap na hirap kung saan kukunin… nangangarap pang magkaroon ng sasakyan? umaambisyon ang lolo mo? wag ganun! wag masyadong etchochera. LOL! 

Pagbalik ng Maynila, pumapara lang bus sa kanto-kanto ng Tanauan. hahahaha… di uso ang bus stop neng… keri lang ikaway ang kamay tapos stop agad ang bus… hehehe.. pero ang mahirap lang dahil wala namang terminal ng bus sa Tanauan kaya pagdumaan ang bus from Batangas… jusme halos pagumuuwi kami… kapit lagi kami sa istribo. hahaha… imagine Tanauan-Manila… standing oblation (ovation) lang peg… parang UP lang!! ganun? Jusme kaya siguro malalaki ang aking binti kasi sanay sa mahabang standing lalo na kung traffic… kaloka… na-memorize ko na nga ang art of sleeping while standing eh. hahaha.. 

Isang araw nang umuwi ako sa Batangas tapos nagkataong fiesta sa kabilang barangay… neng talaga namang wagas ang pagkain… Pag-fiesta sa amin, kahit sino invited, kahit sino pwedeng maki-kain at higit sa lahat halos ng bahay na puntahan mo may padalang pagkain, kaya nga pagkatapos ng fiesta sa kabilang barangay.. jusme isang buwan na baboy pa din na galing sa pistahan ang ulam namin. hahaha… kaloka!!! daig pa namin ang nagpatay ng isang baboy after ng fiesta sa kabilang barangay. 

Dahil fiesta nga, bawal ang hindi kakain pag-inimbita kang pumasok ng bahay kasi magtatapo ang may-ari nito, kaya naman bawat invite pasok kami ni nanay at lafang galore… kung mga 20 na bahay ang pupuntahan ninyo kumusta naman ang small intestine neng? lumelevel sa laki ng large intestine sa sobrang dami ng laman. hahaha… 

After naming na-miesta, sabi ko kay nanay aalis na ako kasi may service pa ako sa simbahan ng St.Vincent de Paul (Ermita Manila). Pagdating ko ng Tanauan, wave wave lang peg ko then viola.. nakasakay agad ako sa bus going Lawton pero wagas ang tao kya Standing Oblation ang peg ng lolo mo. Kaloka sa atin pag sinabing standing sa bus hindi basta-basta ang dating… as in minsan OA na sa dami ng tao pero pasakay pa din ang driver ng bus… kulang na lang isiksik ang ilang pasahero sa likod… tapos ang ibang bus nakalagay ay AIRCON, yun pala AIR-CORN as in ga-MAIS na butil ng pawis ang lalabas sa iyo jusmeyo! ang sakit sa bangs minsan. hahahaha.. (infairness me hair pa ano nyan.. kaya pwede pang sumakit ang bangs ko… hahaha)

Nasa Sto.Tomas pa lang ang bus namin, umaariba letran na ang haba ng traffic kasi may fiesta pa along the way. kaloka!!! So ako naman dahil wala pa akong  ipad, iphone or khit nga nokia or talk & text man lang… so kumusta naman ang pagiging bored to death ko… kya dyan ko natutunan ang art of sleeping while standing.. hahaha… Makalipas ang dalawang oras, 'neng nsa Makiling pa lang kami as in yung susunod na town pa lang. Kumusta naman ang legs ko? Lumi-Lydia de Vega na sa laki sa sobrang pagod katatayo. LOL!

Makalipas ang tatlong oras nakarating din kami sa South Super Highway at mala-Don Mariano or Marikina AutoBus ang peg na ng aming sinasakyan… (Don Mariano at Marikina Auto Bus - umaariba sa bilis ng takbo ito… hehehehe… parang wala ng bukas pagtumakbo).. Super bilis pero pagdating namin sa Alabang… hellow na ulit ang traffic at dito ko naramdaman na dahan-dahang may bumubukol sa aking pwet tapos yung pakiramdam mong ang lamig-lamig pero ga-MAIS ang iyong pawis. Yung namumutla ka na parang nakakita ng kaluluwang ligaw pero tirik na tirik ang araw. hahahaha!!! Tapos pilit mong kino-cross ang iyong legs sabay kulo ng inyong tiyan. hahahaha!!! Punyemas super sakit ng aking tyan that time; hindi ko alam ang gagawin ko kasi nasa gitna kami ng South Super Highway. Pagtinitingnan ko ang mga tao sa labas ng bus parang ang saya-saya nilang lahat samantalang ako halos mawalan na ng malay sa sobrang sakit. Gusto kong basagin ang windshield ng bus at tumakbo papunta sa malapit na toilet or sabi ko nga kahit sa tabi lang ng south superhighway papatusin ko na mairaos ko lang ang sakit ng tyan. Ang nakakairita pa, the more mong nararamdaman ang sakit ng tyan yung bus parang hindi na tumatakbo as in gusto ko ng kumuha kahit plastic bag tapos sa loob ako ng bus mag-perform ng Miracle. hahahaha… as in feeling na super kapal na ng iyong mukha na kahit pukpukin ka ng martilyo hindi ka na tatablan ng sakit kasi yung sakit ng tyan mo ang iniisip mo. hahahaha.

Almost an hour nsa may Sucat exit pa lang ata kami at yung timebomb any moment sasabog na na parang nagsasabing: TIK TAK TIK TAK. hahaha!!! Sabi ko Lord, maawa na po kayo sa akin… kahit ano gagawin ko.. magpapakabit na po ako basta tanggalin nyo lang ang sakit ng tyan ko. hahaha.. Ganun talaga yung moment na lahat na ng Santo na pwede mong matawag.. tatawagin mo.. kahit si Santa Claus kahit hindi pa pasko tatawagin mo ng hindi oras. hahahaha.. 

Anyway, malayo pa lang sa Sucat exit na-spot ko itong isang parang maliit na vacant na toilet malapit sa Toll Plaza. hahahaha.. Keber ako sa sasabihin ng driver pero determine ako that time na bumaba kahit bawal… Sabi ko sa driver..

Renie: “Kuya bababa na po ako!”
Driver: “Naku iho, bawal magbaba dito, mahuhuli tyo nga pulis.”

Sa loob-loob ko lang… ngayon ka concern sa pulis eh kanina kung makatigil ka kahit saan… wagas.. tapos ngayon bawal.. ano yan may favouritism ng lugar??? Kaya hindi ako pumayag.

Renie: “Eh, kuya dyan na lang po ako baba sa may Toll.”
Driver: “Hindi nga pwede!”
Renie: “Anong hindi pwede, eh TAYTAY na po ako!!’ pasigaw pa ako nyan ha!
Driver: “Anong taytay ka dyan eh Sucat pa lang?”
Renie: “As inTay-ing Tay na po ako…”

Kaloka!!! sabay bukas ng bus ni kuya at ariba-ariba ang drama ko.. Wala akong pakialam sa mga bumubusinang sasakyan that time kasi ang goal ko lang makapasok sa loob ng vacant na toilet… Jusme pagpasok ko neng… wala akong pakiaalam kung gaano yan padumi, ganoong kabaho, walang lock ang door… at pag-upo ko pa lang… Praise the Lord talaga sa saya… Alam mo yung pakiramdam mo ng nawalan ka ng dinadala sa iyong buhay… Yung isang malaking tinik na nawala sa inyong dibdib. hahahaha…

Pagkatapos kong mag-perform… ah eh.. nasaan ang toilet paper??? hahahahaha… Umarte pa ako? hahahahaha.  aanhin mo ang panyo at brief? #alam_na. hahahaha!!!

Nang lumabas ako sa vacant na toilet… yung ngiti ko sa labi… wagas na wagas… hahahaha.. para lang nanalo sa Lotto ang drama… hahaha… Sabi ko sa sarili ko.. Goodbye Sucat… Goodbye Vacant Toilet… Goodbye TayTay.. hahaha

#taytay
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin