Healing

Napansin ko lang na puro kalokohan ang sinusulat ko sa blog ko kaya siguro iniisip ng ibang tao puro katarantaduhan lang ang alam ko. hahaha.. Today, i-try kong sumulat ng medyo matinong bagay tungkol sa aking buhay.

Noong nagdaang Sabado, sobrang sakit ng ulo ko bago kami pumunta sa bday ng anak ng isang kaibigan namin. Siguro dahil medyo mainit sa labas kaya sumakit ang ulo ko. Ako kasi yung taong kahit sobrang sakit na pinipilit ko pa din kayanin kaya sometimes akala ng iba okay pa ako pero in reality sobrang bad na ng aking pakiramdam. Isa lang ang aking reason kung bakit: Kung nasasaktan ako, kailangan ko din saktan ang sakit ko… LOL!!! na-gets nyo ba? hahaha… For example mayroon akong singaw, dahil sobrang sakit minsan lalo kong kinakagat util dumugo. LOL!!! MASOKISTA ba ang tawag doon? hahaha..  Eh bakit!? ako lang ba ang may karapatang masaktan? Dapat pati yung sakit ko masaktan para patas kami. LOL!!! **Weird pero totoo!**

Anyway, noong sa bahay na kami ng kaibigan namin super sakit pa din ng ulo ko kya humingi ako ng gamot sa kaibigan namin. Pero instead na mawala, lalo lang sumakit ang ulo ko.  

After ng Bday party, derecho kami ni Nali sa service namin sa Couples For Christ (CFC) pero masama pa din ang pakiramdam ko. During the Praise & Worship sabi ko Lord heal me kasi kumakanta pa kami that time. And God was really amazing that time, after the Praise & Worship, I felt the grace of God and immediately I received his healing grace.

Sa buhay natin ngayon, sometimes mahirap paniwalan ang mga ganitong kwento siguro dahil na din sa mga teknolohiyang nakapaligid sa atin. Pero ganun pa man, muling ipinakita sa akin ng Diyos na ang kahalagaan ng pagtitiwala sa Kanya. Sometimes hindi natin kailangan ng extravagant na miracles para sabihin nating buhay Diyos, sometimes sa maliit na bahay na nangyayari sa buhay natin pwede nating sabihin na nandyan lang siya sa ating tabi at handang tumulong at makinig sa ating mga panalagin. Ang Diyos kailan man ay hindi naging bingi sa ating mga panalagin at mga kahilingan at kailan hindi siya nahuhuli sa pagsagot sa mga ito. Ang Diyos ay dumarating sa saktong oras na ating kailangan, hindi siya huli at hindi nauuna…He’s always on time sa mga sagot sa ating panalagin. If you are asking for His healing grace right now, trust Him and he will grant your heart desire.

Prayer: Father in Heaven, forgive us for being a stubborn for most of the time. We know we are not worthy even carrying your sandals or getting closer to you; but Lord thank you for Cross, thank you for Your forgiveness and accept us as your own. Lord, continue to heal our brokenness, continue to heal our sickness whether it’s physical, emotional or spiritual. In Your name I claim the healing! Amen.

#healing
#CFC
#CLP
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin