Buhos ng Ulan..

Masaya na naman siguro ang mga bata sa aming nayon... Mga habulan, sigawan, at harutan sabay sa saliw ng malakas na buhos na ulan...

Naalala ko noong mga bata pa kami, pagsapit ng ganitong panahon kung kailan malakas ang ulan, naguunahan na kaming umuwi sa kani-kanilang barong-barong para magpaalam kina nanay at tatay. Nakakatuwang pagmasdan ang mga hitsura namin habang tumatakbo sa ilalim ng malakas na ulan, pawang mga naka-short at tila walang pakialam sa mundo..

Habulan na tila walang kapaguran. Paglumalaki na ang baha sa bukid, sabay-sabay kaming maglalangoy na tila nasa ilog o sapa. Madumi man ang tubig na kulay tsokolate, wala kaming pakialam ang mahalaga, makaligo kami sa ilalim ng malakas na ulan.

Minsan nagpupunta kami sa bukid kung saan pinag-anihan na ito ng bawang... marami pa kasing mga naiiwang mga bawang duon at saka namin ipapadala sa bayan para ibenta... Minsan naman nagpupunta kami sa ibayo para mamulot ng mga nalalaglag na hinog na bunga ng manga.

Hayy.. kay sarap magbalik tanaw sa mga panahon sa ilalim ng ulan. Maraming mga bagay ang patuloy na bumabalik sa aking alaala habang pinagmamasdan ko ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng bintana ng aming opisina.. Maaring hindi na ako muling makakaligo sa ilalim ng ulan, ganun pa man masaya na ako na minsan sa aking buhay naranasan ko ang maligo sa ilalim ng malakas na ulan.

========
Mga natutunan: Wala naman, nais ko lang magsumenti ngayon kasi malapit na akong umuwi ng pilipinas.. hahaha...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin