Pre anong size ng sa'yo?

Last Saturday sobrang busy ako.. as in... gumising ako ng maaga para kumanta sa kasal.. (grabe na ito, wedding singer ang dating ko... hehehe) pero don't worry di naman ako mag-isang kumanta.. marami kami... di kasi uso dito sa singapore, yung tulad sa pinas na kasal na may nagso-solo... hehehe.. dito choir ang kumakanta at take note: hindi love songs ang kinakanta, puro pang-simbahan lang ang kanta... hehehe... kaya di pa din ako tulad ni Adam Sandler ng The Wedding Singer... hehehe...

Anyways, after ng kasal I need to attend pa ng SFC presentation... (Ahemm.. I'm a new member ng CFC-SFC Singapore... hehehe) astig... ang kukulit talaga ng mga Singles sabi nga: NOT MARRIED YET! hehehe.. it shows naman di ba.. kaya nga Singles eh... hahaha.. nakatapos ata kami 7pm na...

Pero ewan ko ba kung bakit ako inaatake ng SHOPPING mode last saturday... ewan ko parang di ata ako matutulog kung di ako makakapag-shopping... promise.. yun ang feeling ko that day... So I decided na magpunta sa Orchard.. First stop: Takashimaya-Ngee Ann City... lumabas ako na may dalang dalawang G2 na pants... hehehe.. eh Great Singapore Sale naman ngayon eh, kaya 32 dollars lang ang 2 pants... hehehe.. After ng Ngee Ann, I decided to walk papuntang Somerset along the way nakita ko ang malaking shop ng ESPRIT.. hehehe.. so pasok ako... pili dito, pili doon... na-notice ko yung mga maong pants ko galing pang divisoria.. [totoo yan dakilang dvsoria shopper ako sa pinas] so I decided to buy new pants... I asked yung sales man to help me.. sabi ko gusto ko yung jeans na medyo fit sa akin. Bigla nya akong tinanong ng anong size daw ng sa akin!! WHHATTT???? Hhhmm... sounds naughty pero he's asking kung anong size ng waist line ko...you ha, you so naughty na!! hahaha... sabi ko 32-33... sabi nya hindi daw.. he gave me the pants and he told me to fit it... Shaaraannnnn... aba fit na fit nga.. hehehe.. :) and ang waist line...hhmmm... size 30 na ako... hahaha... i can't imagine na makakasuot ako ng ganun size ng pants.. hahaha... :)

So ngayon pag tinanong ako kung anong size ng sa akin: "30 inches pre! hehehe"

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin