I-shoot mo na ang ball


Remember noong adolescence years, yung tipong halos malaglag ang underware ng mga girls sa mga lalaking magaling mag baskeball... Tipong papanoorin mo na lang ang iyong crush habang nahuhumaling sa mga magagaling magbasketball mong classmates... :( Samantalang ikaw nasa isang sulok habang naghihintay ng tatakbong player at hihingi ng tubig... haayyy... hirap talagang maging water boy... Tapos makikita mong kinikilig ang crush mo sa hindi naman kagwapuhan pero malupit sa larong basketball... Ewan ko kung ano ang meron sa larong basketball, samantalang soccer ang kilalang laro sa buong mundo... (sounds bitter ba?? hehehe..)

Noong Elementary ako, naglalaro din ako ng basketball kasama ng mga pinsan ko... 3 points, 2 points, free throw, dunk (ooppsss bansot pala ako during that time kaya di ako pwede dito... hehehe!!!), foul.. etc... lahat din ng mga terms na yan alam ko... At ang naka-invent ng larong basketball ay si James Naismith. (o yan libre trivia pa.. hehehe..)

Dahil sabi ko nga laki ako sa bukid, kaya what do you expect sa basketball court namin... Nakatayo lang sa mga gilid-gilid tapos puro batuhan, yung mga naglalaro puro naka step-in lang at kung minsan mga apak pa... hehehe...

Isang araw, habang naglalaro kami ng mga pinsan ko.. syempre dapat mala-PBA ang dating.. knowing die hard fan ito ng GINEBRA ever since.. hehehe.. :) dribble dito, dribble doon, takbo dito, takbo doon... at isang malakas na: "ARAAYY!!!" at yun na ang huling career ko sa basketball... Nabalitaan lang naman ako ng paa dahil sa pagmamayabang... Di na ako dinala sa doctor, hinilot na lang ni Tatay... Simula noon, takot na ako sa larong basketball... hehehe... humahawak pa din ako ng bola, pero once in a while na lang... :( Kasi until now pag malamig nararamdaman ko pa din yung sakit sa paa ko... :(

Kaya pagsinabi sa akin na: "Renie i-shoot mo na ang ball!!!" heto ang sagot ko: "I-shoot mo mukha mo..." hahaha joke laang... hahaha..

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin