Katulad ko si Cyclops...


Isinilang akong tulad ng isang ordinaryong tao, ngunit habang tumatagal napapansin ako ang aking pagbabagong anyo... Dahan-dahan ang aking genes ay nagiging ganap ng iba sa mga nakakarami, ito ang tinatawag na: MUTATION. eekkk!!! teka muna, nasobrahan ata ako ng X-MEN fever ah.. hehehe... magsho-showing na ang Superman Return heto at may hang-over pa ako ng X-Men 3. hehehe..

Maniniwala ka bang may insicurity si cyclops sa sarili nya... promise... maniwala ka sa akin... hehehe... kahit sabihin pa nating super laser ek! ek! ek! ang kanyang mapupungay na mata may itinatagong inggit pa din yan... hehehe.. Hayaan mo ng i-kwento ko ang aking sarili with related kay cylops. :) [ feeling mutant talaga... pero wag ka... mukha namang teenage mutant ninja turtles. hehehe ]

Noon laging sinasabi ng mga ate ko na kung manunuod daw ng tv dapat malayo sa screen.. (haller kailan ba kami nagka-TV? high school na ata ako.. hehehe) Anyways, wala man kaming tv nakikinuod ako sa bahay ng pinsan ko... kaya wala pa ding lusot. hehehe.. sabi kasi nila pagsobrang lapit daw sa screen ng tv, ang result lalabo ang iyong paningin... Dahil bata ako at nag-aadict pa ako sa mga cartoons, kaya walang pakialaman pagdating sa ganung bagay.. hehehe.. Nag graduate ako ng elementary na normal naman ang paningin ko, hanggang dumating ang araw ng pagtutuos..

Noon ang akala ko pag ang dating mo ay tulad ni Cyclops ng X-men, at Hero Bautista ng Dayuhan ay astig na astig ka... yung tipong nerdie, nerdie ang dating mo... hehehe... 2nd year high school ako ng una akong mag-suot ng salamin sa mata... maniniwala ka bang bargain pa ito na nabili ni nanay... hehehe.. syempre poor lang kami kaya wala kaming pambili ng magarang salamin sa mata... (sound senti ba.. hehehe...) I will describe ang hitsura ko nuon.. payat na bata na sobrang laki ang salamin, at one sided ang buhok na parang si JOERIZAL (Jose Rizal).. hehehe.. o di ba.. super nerd ang dating ko that time.. hehehe... unang vision: 50/75 with astigmatism... sabi ni doktora gagaling pa daw... parang si bro.eddie ito ah... "MANIWALA KA!!! GAGALING!!!" hahaha... Ngayon konti na lang ang grado ng mata ko... konti na lang para sa 400... haayyy!!! I'm wearing 375/350 with super magnetic power astigmatism... huhuhu.. kaya pagwala akong salamin.. baka kumanta ako ng mala-Willie Garte na: "Nasaan ang Liwanag!!!" hahaha...

O heto ang insecurities namin ni Cyclops... Simple lang naman eh... Ako di pwedeng mag shades ng walang eyeglasses... alam mo yun... minsan gusto mo ng pumorma at magsuot ka ng eyeglasses, kaso how??? as in how how the carabao?? sabi nila magsuot daw ako ng contacts... i tried... yun nagtapon lang ako ng libo at iniwan ko sa pilipinas ang lenses ko..hehehe... :) I really hate contact lenses.. sakit sa mata... hahaha.. Si Cyclops on the other hand.. pwede nga cyang mag-shades pero di naman pwedeng tanggalin... Imagine mo gabi na naka-shades ka pa.. di ba pang-asar yun... haaayyy... bakit ba naman kaming mga mutant at special child ay isinilang na may kagandahan ang paningin... di tuloy kami maka-japorms...

Ipa-laser ko kaya ang aking mata??? hhmmm... at least sa akin may remedyo pa, paano na si Cyclops??? wag na lang kaya... para at least feeling ko may resemblance kami ni kuya cyclopse.. hehehe... :)

Mga Komento

Sinabi ni dHanZ
Pare meron na yung transition lens yung salamin na mutant din kasi nagtatransform siya into the dark side pag nasisikatan ng araw. Astig di ba? O kaya meron naman mga eyeglasses na meron detachable shades...yun ang gamit ko para makajaporms naman kahit paano sa liwanag ng araw.
Sinabi ni ReN!e
uu nga.. kaso ang mahal.. hahaha.. pero i really wanted ng transition optical.. hehehe.. mukhang astig...

yung dating kong eyeglasses may detacable na sunglass kaso di na pwede kasi mababa na ang grado at hindi na in ang style.. hehehe.. :) (masyado bang ma-arte) hehehe...
Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
ayos sa pix ah....di kayo nagkakalayo ... sa kagandahang eyeglasses...hehe...akala mo kagandahang lalaki noh..:p
Sinabi ni ReN!e
Hi anonymous..

salamat sa pagvisit ng blog ko.. :)

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin