Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2006

Kwelang panaginip...

O heto di ito serious, something to share na I know na nangyari na din sa inyo... Kahapon, I went to Tiong Bahru sa bahay ng dati kong tinigilan.. dala-dala ko ang tulingan at ang kanyang mga pabili ng umuwi ako sa pinas... hehehe... Actually medyo antok ako kasi last Saturday around 2am na ako nakatulog (hmmm eh di sunday na yun... hehehe).. tapos I need pang gumising ng maaga kasi may practice pa kami choir.. (songer ang bwisettt..hahaha) Anyways, habang nasa train ako dahan-dahan kong naramdaman ang panawagan ng higaan... Ilang hikab at yun na at tuluyan ng nilamon ng antok ang aking biyahe.. Ilang station na lang para ako bumaba, pakiramdam ko nasa mataas na lugar ako yung tipong ang sarap-sarap tumalon... Walang pasintabing tumalon ako sa mataas na lugar... Kasabay noon ay ang aking pagtalon sa loob ng train... hahaha... Eh medyo japorms pa naman ako... so para di masyadong halatang eengot-engot ako... pumikit na lang ako pero buong diwa ay gising na gising na at gusto kong tumawa...

Ito ba talaga??

I remembered noong nasa Pinas ako I kept thinking kung kailan kaya ako makakapunta ng ibang bansa.. Yung tipong magwo-work ka at mag e-earn ako ng dollars... After few years heto na ako at nagwo-work na ako dito sa Singapore & earning dollars to sustain my life... Pero nakakatuwang isipin noong nasa Pinas ako nangangarap ako kung kailan ako makakarating ako ng ibang bansa, ngayon naman nangangarap ako kung kailan kaya ako makakalipat ng ibang bansa... haayyy!!! bakit ganun kaya ang tao walang contentment sa buhay... Ito ba talaga ang nature ng tao??? You keep asking for something more??? Noong isang araw nagpapagupit ako (kahit kalbo ako nagpapagupit pa din ako... hehehe), itong barberong ito sobrang chikka.. He mentioned na nagwork siya as Engineer for 15 years, pero look at him Barbero na siya... Sabi nya noong nagwo-work cya, kumikita cya ng malaki, good bonuses and alot of incentives pero there something lacking at him... yung freedom... lagi siyang busy at wala ng time for him...

BEERGIN

Last Friday nasa posisyon ako na di ko alam ang tama... hahaha.. kasi yung mga bros ko sa SFC they invited me sa household namin... to be honest di pa ako nakaka-attend ng household namin since ng mag-join me sa SFC... :) On the same day may invitation din ako sa officemates ko na mag-bar daw kami sa Chijmes [Malate Area ito sa pinas] kasi paalis na si Hermes despidida na niya yun... Matagal naming plan ito kaso laging di natutuloy kasi puro busy at halos lahat ay umuwi ng pinas kaya hirap mag set ng date... so noong friday lang kami available. :) In the end, I chose to be with NCS Officemates... Not because na-neglect ko ung duty ko sa SFC pero I thought na marami pang time para magkasama-sama ulit kami ng SFC... hehehe.. [tama bang i-justify ang kalokohan.. harharhar.. sowi LORD!!] Anyways, 10pm na sa Insomnia na kami (disco bar sa Chijmes)... Noong una konti pa lang ang tao.. ng dumating ang live band... wwwhhhaaa.. puno ang place... Okay ang band pero mas wagi ang sumunod na Band ...

The Rest of my Vacation

Imahe
After the contract signing etc etc... I went to SGS yung dati kong company.. kaso sa Export & Import ako nag stay... kasi nalost na yung Technology... hehehe... Imet Anne again.. I used to calle dher SUKA kasi TOYO daw ako.. hhhmmm... so sweet.. pero wag lagyan ng meaning friends po kami nyan... hehehe... Wala pa ding pagbabago sa SGS... Goro-san yung boss nila asked me again to HEAL HIS PC.. as in.. HEAL talga... minsan nga naka-lay na ang kamay ko sa pc nya while pray over.. harharhar... :) After that we ate sa isang Chinese Resto.. aliw cya ang nagbayad... hehehe.. galante si Itang in fairness... :) kaso after that sumakit ang tyan ko.. siguro di bukal sa loob ni itang napakaainin nya ako.. hahaha... joke lang.. actually, uminom kasi me ng alak which I'm not good on that.. yun kinabagan ata ako... :( ========= RIC's PLACE That night kina Ric na me natulog... na-miss daw me ni Nanay Alce.. hehehe... kaya anpon nila ako for one day... grabe dulo ng walang hanggan ang place...

At ng Ika Limang Araw...

Imahe
I decided na magsign na ng land contract sa unang importanteng tao na kinausap ko... hehehe... ang galing... nakabili na po ako ng sarili kong lupa... sa Sto. Tomas, Batangas po ang place... hehehe... sa may San Rafael Estates... ang ganda ng place na nakuha ko kasi nasa top cya ng hill.. hehehe... very relaxing ang place... :) Grabe hirap pala ng artista... ang dami-daming kailangang pirmahang kontrata.. niloloko ko nga si Tony kasi baka bukas makalawa ipakulong na lang nya ako bigla.. hehehe.. :) After ng contract signing I met kuya Daryl since sa Alabang yung meeting place namin ni Tony, I decided to call Kuya Daryl.. Praise God kasi available cya that time... :) We ate sa Wendys while kwento kwento...I think he will be leaving Philippines again one of this day going to Dubai... Aba improving ang body ni kuya da.. medyo may hugis ang katawan nya... hehehe... unlike before medyo kasing bilog ko cya ngayo.. may muscles na ang mokong at naka-fit na din cya.. I been thinking kung si Kuy...

ika-apat na araw... [4th DAY] :)

Imahe
A great day with God... kasi nagpunta kami ni nanay sa Our Lady of Mediatrix sa Lipa... hehehe... actually mas matagal pa ang biyahe namin sa itiniggil namin sa simbahan... hehehe.. wala kasing misa that time dahil alangang araw at oras... anyways.. we managed to thank God pa din through our simple prayers & thanks giving... :) ==================================== Ikalawang Importanteng tao... 1pm ang meeting ko sa kanya... grabe dami ko kayang dala papuntang manila... kasi I been thinking na mag-enroll ng JAVA class for 1 week course lang... :) kaya dala ko ang aking mga kadamitan sa Manila lahat... hehehe.. Dahil mabigat ang dala kong gamit I decided to bring it Cubao (yung boarding haus namin...) Aba at ng makita ako ni Ate Mila (yung anak ng may ari ng bahay).. nagulat siya.. si Boy daw ay dumating na... hehehe.. (she used to call me Boy.. di nya alam ang name ko.. hehehe...) Ilang minuto lang me sa Cubao tapos lipad na ulit sa glorietta... grabe daig ko pa ang nakalulon ng bat...

3rd Day

Imahe
Heto ang unang pagkakataon na makapunta ng bayan ulit... hehehe... :) May mi-neet lang akong mga tao para sa importanteng bagay...hehehe.. [feeling pa secret pa ang loko... hahaha] anyways after kong ma-meet sila... yun na ang pagkakataon kong kumain sa na-miss kong fast food... I LOVE YOU SABADO pati na rin Linggo... [singging mode] hehehe... o di ba may pagkanta pa akong nalalaman... hehehe... Sabi ko noon pag nakita ko siya babaliaan ko agad cya ng pakpak para di na cya makalipad pa... hahaha... pero syempre hirap na baka makasuhan pa ako ng paninira ng property ng ibang tao... hahaha... Order agad ako ng manok... hehehe... although maraming manok sa singapore pero iba pa din ang lasa nya... masarap at crispy... hehehe.. tapos isasawsaw mo sa gravvvyyy.. wwwhhaaaaaaa... SARAPPPP.... :) kaso ng makita ang prices ni JOBEEE ngayon... wwwhhaaaaa.... ang mahal naman... :( ginto na ang presyo ni jobeeeeee ngayon .. compare noong umalis me ng pinas.... pero in the end kumain pa din ako... ...

Ang pagbabalik sa IBAYO

Imahe
I managed to visit "IBAYO" again together with my makukulet na mga pinsan... hehehe... nakakatuwang isipin na makakabik muli ako sa IBAYO... sariwa ang hangin, walang tao, maraming puno, payapa ang bawat tanawin at higit sa lahat sobrang nakakarelax ang place.... (^_^) Sa tagal kong nawala sa amin, maniniwala ka bang walang mangahas na mga bata na pumunta sa IBAYO... ewan ko!!! maybe tama si Inay ako ang promotor ng kalokohan sa mga bata sa amin... hahaha... actually for me kasi ma experience ng mga bata ang ganun para paglaki nila they will remember yung place at may maikukuwento sila sa mga anak nila pagdating ng panahon... Baka after 10 years hindi na yun ang hitsura ng IBAYO or baka wala na ang IBAYO kasi palapit na sa place namin ang mga Industrial Parks na sumisira sa mga lugar tulad nito... :( Anyways, naka paglaro ulit kami sa IBAYO.. habulan, takutan at syempre ang manguha ng sariwang prutas tulad ng mangga at santol... hehehe Nakakita din ako ng PUNGAPONG... remembe...

Nagsimula sa patikim-tikim...

Imahe
Sabi nila ang drugs daw nagsisimula sa patikim-tikim and later on you get hook and getting addict na... kaya tinatawag itong addiction... (tama ba ang reasoning ko.. hehehe...) wag kumunot ang noo di ako tumikin ng drugs & i have no plan to try it... :) Na-addict ako sa palabas sa TV... sobrang na-miss ko ang mga tagalog na palabas... lalo na ang mga kadramahan sa gabi... not because i'm fanatic of them pero sobrang nakakamiss lang... hehehe.. lalo na sa katulad kong dukha na walang TFC (The Filipino Channel) sa aming telebisyon... eh talagang ma-mi-miss mo talaga... Okay ang Calla Lilly, pero mas wagi ang mga sumusunod: Bituing walang Chuva este Ningning pala, Sa Piling Mo at higit sa lahat ang aking na-miss ang Endless Koreanovela... Grabe na ito... May kilig factor ang My Girl at A Love to Kill... hahaha.. Cencya na na-miss ko lang talga ang ganitong palabas... hehehe... Ang cute nina Julian & Jasmin... para masaya heto at super plug ako: MY GIRL!!! MY GIRL!!! MY GIRL!!!...

Ang aking paaralan

Imahe
Wala akong magawa at nagsusumenti lang naman ako sa bahay so I decided to visit my Alma Mater noong elementary ako... hehehe... actually malapit lang naman sa amin kaya no problemo... Maraming masasayang ala-ala ang biglaang dumapo sa akin... Naalala ko kung paano namin araw-araw tinatapas ang damo sa school... Ang mga kwentong mumo kasi daw libingan ang school namin during World War 2... I remember din yung mga young love sweet love moments naming magkakaklase.. hehehe... (puppy love sa English..) tambalang Pedro & Chona, Lorena & Felino, Antonio & Jennielene, Marites & Gener, Benjamin & Lucia... hahaha.. nakakatuwa noh! imagine naalala ko pa ang mga kalokohan namin... :) Although malaki na ang ipinagbago ang school namin, andun pa din ang kampana na tinatalon namin para tumunog ito... andun pa din ang flagpole na inaayat pag sumasabit ang tali ng watawat ng republika ng pilipinas, andun pa din ang pangalan ng aming school na ilang beses ng nilipad ng bagyo... andu...

Nakain ka ga ng FISHBALL?

Imahe
Remember fishball?? yung you make tuhog tuhog sabay sasaw sa sauce? hahaha (feeling konyo ang bwisit.. harharhar) dahil wala namang activity sa amin kasi bukid naman so most of the time tambay ka sa bahay nina pinsan... most of the time nakina Pidoy ako... Habang kumakain kami ng manggang hilaw na sinasawsaw sa toyo biglang dumaan ang magfi-fishball... grabe iba talaga ang impact ng fishball sa akin... maniniwala ka bang umubos ata kami ng higit 40-50 pesos na fishball... kami lang dalawa ng pinsan ko... hahaha... kaya tiba-tiba ang tindero sa amin... hehehe... Grabe after that di na ako nakakain ng dinner... hahaha.. di nakinaya ng powers ko... as in busog na busog na ako... :)

Day 2

sa singapore normally gumigising ako around 8am, medyo bad mood pa ang lagay na yan kasi parang bitin pa sa tulog... hehehe... pero maniniwala ka bang parang may alarm clock ang aking katawan, 6am pa lang gising na ako... hahaha... grabe ang aga-aga as in liwanag na sa pinas ng 6am... hahaha... (feeling di sanay sa pinas..:p) actually sa singapore 7am pa lang halos nagbubukang liwayway... anyways, daming handa ni mudra... kaya agahan namin nagmamakaawa ang tyan ko sa aking kinain... I keep thinking ang aking weight everytime na sumusubo ako ng kanin.. hahaha... :) pero sabi nga minsan lang naman kaya indulge yourself... (I justify ba!!! hahaha) grabe.. feeling ko si santa ako that day... ikot ako sa mga kapitbahay at namigay ng regalo... kaya mga friendship cencya na kung wala kayong regalo... next time na lang babawi ako sa inyo... hehehe... :) 10am pa lang nagluluto na ng pagkain para sa lunch ang inay... aba grabe na ito.. hehehe... :) Pero in fairness na miss ko na ito.. hehehe...

Anak gumising ka tutulog na tayo!!!

At heto na... maniniwala ka bang 9:30pm pa lang tutulog na kami!!! as in.. Jusko, di kinaya ng powers ko ang mga tao sa amin.. paglabas ko ng bahay patay na lahat ang ilaw sa mga kapitbahay... tanging alulong na lang ng aso, tikatik ng ulan at huni ng mga kuliglig ang iyong madidinig... O di ba, unang gabi adventure agad... hahaha... So dahil isang bahag ang aking buntot, balik na ulit ako sa higaan... 12 Midnight na gising pa din ako... at ano ito??? parang ang daming mini space ships na lumilipad... grabe na ito mga kapatid sandamukal na lamok ang nagaabang sa akin... I forgot tag-ulan nga pala.. daming lamok sa probinsiya... (^_^) Kinabuksan... daig ko pa ang nakulam sa dami kong pantal at kamot sa paa at binti... hehehe.. mga bwisit na lamok na yan, parang ngayon lang nakatikim ng dugo ng isang balik bayan.... ilang bote ng body shop ang aking inuubos para maging makinis ang aking balat (d b halatang vain ang mokong) tapos sa loob lng ng isang araw gagawing parang kinulam dahil s...

Ang Pagtatagpo...

Imahe
Hayyy.. nakatakas din ako sa mga buwitre ng Customs at yun nakita ko sina Mudra at Sisterette na kumakaway-kaway.. as in artistang artista ang dating ko ah... Ang dami-daming fans na naghihintay sa akin... Hinihintay ko pa nga si PGMA na biglang lalabas sa crowd tapos sabay sabit sa aking sampaguita at sasabihin: "Mabuhay ka bayaning Filipino.." O di ba nakaka-iyak yun, habang habol ang mga PRESS sa akin para makunan ako ng interview... hehehe... Aba sino ba naman ang mag-aakalang ang isang taga tanim ng palay at mais noon ay makakatuntong ng S'gapore... Ang dating batang uhugin na mahilig mamulot ng mangga at santol ay makakasakay ng erplen... :) Well, sabi nga ni Kuya Kim ang buhay ay Weather Weather lang... hehehe... O siya tama na ang illusion di ako artista... hehehe... Grabe akala ko kailangan ko pang umarkila ng Victory Liner para mga susundo sa akin... hehehe... good thing di na kailangan... hehehe... sina nanay lang sumundo sa akin pati dalawa kong pinsan.. Med...

Ay Pilipinas game ka na ga?

Dumating ako sa pinas na sobrang lakas ng ulan... Pero okay lang, cute pa din ako... hehehe... at heto na waiting galore ako sa aking maleta... grabe isang oras ata akong naghintay sa aking maleta... ewan ko ba kung bakit sobrang tagal ng maleta cguro naiwan ng bihaye.. mukhang delayed flight ang aking gamit.. hehehe... O heto natatanaw ko na ang aking maleta. hehehe.. sobrang excited na ang mokong... Ng makuha ko ang maleta palabas na ako ng Airport, aba at hinarang pa ako ng Custom.. O heto ang senaryo: Custom Officer (CO): Sir, saan po kayo galing? Renie: Singapore po. CO: Gaano po kayo katagal dun? Renie: Doon ako nagta-trabaho.. (Medyo asar na ako, kasi anong pakialam niya kung gaano ako katagal dun di ba?) CO: Buksan natin ang maleta ninyo.. Renie: (Anak ng pitong gatang.. nag-pagting ang tainga ko...) Bakit natin bubuksan? CO: Para makita natin ang laman.. Renie: (Aba aba at intrimitida pa ang LOLA) Bakit nga? eh gamit ko lang naman yan eh... Wala yang ginto... at wala y...

Ang Eroplano!

Imahe
O heto ang naghatid sa aking eroplano sa pinas.. hehehe... Grabe ang torbelance turbulans torbulance ggrrrr!!! pa-english english pa... ah basta yun malakas galaw ng eroplano sa langit... kasi maulap... hehehe.. para kaming nasa circus... lagi na lang naka ilaw ang seat belt mode... noonguna lagi ko pang inaalis ang seat belt ko.. aba abuso na ang piloto paulit-ulit na patay sindi ang ilaw na parang sa Cubao kaya di ko na lang inalis, akala niya bobo ako... wais ata ito ineng!!! Sa awa ng Diyos noong nagserve ng pagkain nasa itaas na itaas na kami ng langit.. after naming pakainin nagsimula na naman ang nakakahilong takbo... ewan ko ba kung gusto kaming pasukahin ng piloto... mukhang nagtitipid at gustong i-recyle ang aming kinain... harharhar... Sa awa naman ng Diyos nakarating ako sa pinas ng maayos...

Ikalawang Kabobohan

Imahe
O heto at super lakas nga ng ulan ng araw ng liggo... ewan ko ba kung ko ba kung kailan ako aalis saka naman sobrang lakas ng ulan.. pwede namang mainit sa umaga tapos sa afternoon saka umulan di ba? Talagang ayaw ata akong pauwiin ng mga forces of evil sa pinas... hehehe... Ilang minuto din kaming naghintay ng taxi... at presto dumating si Mamong driver... So dali-dali kaming nagbuhat ng aking maleta and take note super ulan ang drama namin... para kaming palabas sa channel 2 saliw sa kantang SUKOB NA! hehehe... Dahil malakas ang ulan nagmamadali kaming pumasok sa taxi.. kaandar pa lang ng taxi at naghahanap na ako ng plane tickets ko... wwwwhhhaaaaaa... Nawawala... sabay para sa taxi... hehehe... good thing di pa kami nakakalayo at nakita ko ang aking Tickets na BASANG-BASA sa ulan... wwwhhhaaaaaaaaa... Nalaglag po ang tickets ko... as in nasa baha po siya... Jusko pag di ka nga naman himatayin sa mga kalokohang nangyari di ba? Pagbalik ko sa Taxi yun na at sinimulan na naming patuyu...

Unang kabobohan..

Kakambal ko na ata ang kabobohan sa aking buhay kaya heto ang aking unang kabobohan sa aking pag-uwi sa pinas... Syempre maulan, mahirap lumabas kasi mababasa ka. By the way, may taga hatid pala ako si Bobby at Hansel.. hehehe.. xie xie nih! as in thank you po... Balik sa kwento, dahil taga hatid lang ang role nila ako pa din ang taga buhat ng aking maleta na ang laman at pasalubong... hahaha... promise, isang bag lang ang aking damit the rest pasalubong na sa aking kamag-anak (mga friendship wag na kayo magtampo kung wala kayong gift... next time na lang) hahaha... Kay Hansel ko ibinigay ang aking bag at raketa ni Ric (take note kay Ric yan as in lagi na nya yang kinakantahan sa akin kaya sobrang PRECIOUS yan... mawala na lang daw ako wag lang ang raketa... tama ba yun??? ANSWER ME!!!) Anyways, pagdating namin sa taxi stand, biglang tumunog ang aking ginintuang mobile phone... Ekkk.. REGGIE ang tumatawag.. (sa mga di nakakakilala kay Reggie cya po ang housemate namin ni Hansel...) Ren...

May BAGYO daw!

I supposed to visit Philippines sa September pa para makaipon at the same time maka-attend ng kasal nina Mr & Mrs. Aljie & Ivy Mendiola Garcia... kaso may nakapagsabi sa akin na September daw ang maraming bagyo sa Pinas... so I decided na i-moved ng June ang aking bakasyon... kasi takot ako sa bagyo... grabe ang hirap-hirap kaya nun.. ang galaw-galaw ng eroplano tapos mahirap na pag bumagsak ang eroplano ayaw ko namang maglaho sa kawalaan pag sumabog ang eroplano or di kaya malunod ako kung sa dagat bumagsak ang eroplano... Ang pangit-pangit kaya ng mga nalulunod... sobrang walang poise... pawis ang puhunan ko para pumayat tapos pagnamatay akong malulunod instant taba? aba ibang usapan na yan... hehehe... So balik sa kwento.. Ilang araw ng maulan sa Singapore, although wala namang rainy at summer season d2 kaya normal lang dito... Kaso heto na, kung ano yung kinatatakutan ko yun naman ang naghihintay sa akin... May BAGYO sa pinas... HAHAHA... gusto kong tumawa... Di ba astig.. ...

Unang araw...

Sabi nila pag excited ka daw sobrang nagbabago ang takbo ng katawan mo at nag-re-react ang hormones mo. Nariyang di ka matutulog sa gabi at yung time na aalis ka na either ihi ka ng ihi or call of mother superiora ang iyong tyan.. hehehe... pero ako grabe tulog galore ako that night.. as in.. himbing ng tulog ko.. kasi ba naman noong Friday nakauwi na ako 3am na ng umaga ng Saturday galing sa trabaho.. as in super pagod na pagod ako kaya knock down ang mokong sa higaan... Nagluto pa ako ng agahan namin ng Sunday, habang ang lakas-lakas ng ulan at iyak ng bata sa labas ng bahay... hehehe.. O di ba alam ko kung ano ang nangyayari during that time... syempre para may pang-blog ako... hahaha.. Talagang pinaghandaan ko ang aking blog para sa inyo.. Ganun kayo kalakas sa akin in English: You're stonger than me... harharhar!!!

Return of the Come Back!

I'm back after my 2 weeks vacation sa pinas heto at nagbabalik na muli ako sa singapore... pero bakasyon nga ba ang aking inilagi sa pinas? grabe as in grabe ang aking pag-uwi... hahaha... well, basahin ang aking mga kwento para maligayahan kayo. wala pa ding nagbago sa akin... puno pa din ng kabobohan ang aking buhay... cencya na grade 2 lang ang natapos... no read no right write pa ang mokong...