Ay Pilipinas game ka na ga?

Dumating ako sa pinas na sobrang lakas ng ulan... Pero okay lang, cute pa din ako... hehehe... at heto na waiting galore ako sa aking maleta... grabe isang oras ata akong naghintay sa aking maleta... ewan ko ba kung bakit sobrang tagal ng maleta cguro naiwan ng bihaye.. mukhang delayed flight ang aking gamit.. hehehe...

O heto natatanaw ko na ang aking maleta. hehehe.. sobrang excited na ang mokong... Ng makuha ko ang maleta palabas na ako ng Airport, aba at hinarang pa ako ng Custom.. O heto ang senaryo:

Custom Officer (CO): Sir, saan po kayo galing?
Renie: Singapore po.
CO: Gaano po kayo katagal dun?
Renie: Doon ako nagta-trabaho.. (Medyo asar na ako, kasi anong pakialam niya kung gaano ako katagal dun di ba?)
CO: Buksan natin ang maleta ninyo..
Renie: (Anak ng pitong gatang.. nag-pagting ang tainga ko...) Bakit natin bubuksan?
CO: Para makita natin ang laman..
Renie: (Aba aba at intrimitida pa ang LOLA) Bakit nga? eh gamit ko lang naman yan eh... Wala yang ginto... at wala yang electonics kung iniisip ninyo... (D ba ang tapang ko... hahaha..)
CO: Ganun ba.. O cge (sabay kamot)

Haayyy... as in gusto kong paduguin ang nguso ng Lola na yun... Di ba nakakaasar... bakit kailangang buksan samantalang sa ibang bansang pinuntahan ko di naman kailangang buksan... and to think hirap kayang mag-ayos ng gamit... At isa pa, ganun sila mahilig ang mga taga Customs na mangikil... as in... totoo yan.. kaya mga kababayan wag masyadong mabait ang hitsura pag-uwi sa pinas... dapat medyo palaban ang dating mo... Akala ni Manang mauutakan niya ako... Nek Nek nya... hehehe.. Anak ata ito ni TALINO ARCEGA... :)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin