Kwelang panaginip...

O heto di ito serious, something to share na I know na nangyari na din sa inyo... Kahapon, I went to Tiong Bahru sa bahay ng dati kong tinigilan.. dala-dala ko ang tulingan at ang kanyang mga pabili ng umuwi ako sa pinas... hehehe...

Actually medyo antok ako kasi last Saturday around 2am na ako nakatulog (hmmm eh di sunday na yun... hehehe).. tapos I need pang gumising ng maaga kasi may practice pa kami choir.. (songer ang bwisettt..hahaha) Anyways, habang nasa train ako dahan-dahan kong naramdaman ang panawagan ng higaan... Ilang hikab at yun na at tuluyan ng nilamon ng antok ang aking biyahe.. Ilang station na lang para ako bumaba, pakiramdam ko nasa mataas na lugar ako yung tipong ang sarap-sarap tumalon... Walang pasintabing tumalon ako sa mataas na lugar... Kasabay noon ay ang aking pagtalon sa loob ng train... hahaha... Eh medyo japorms pa naman ako... so para di masyadong halatang eengot-engot ako... pumikit na lang ako pero buong diwa ay gising na gising na at gusto kong tumawa ng malakas... hahaha... :) Ang tsungak tsungak kasi... hahaha

==========
Katanungan:
Bakit pagnanaginip na tumalon ka, tumatalon ka din?

Sagot:
Aba, malay ko... ang alam ko lang puyat ako kaya ako natulog sa train... hehehe.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin