Ang aking paaralan


Wala akong magawa at nagsusumenti lang naman ako sa bahay so I decided to visit my Alma Mater noong elementary ako... hehehe... actually malapit lang naman sa amin kaya no problemo...

Maraming masasayang ala-ala ang biglaang dumapo sa akin... Naalala ko kung paano namin araw-araw tinatapas ang damo sa school... Ang mga kwentong mumo kasi daw libingan ang school namin during World War 2... I remember din yung mga young love sweet love moments naming magkakaklase.. hehehe... (puppy love sa English..) tambalang Pedro & Chona, Lorena & Felino, Antonio & Jennielene, Marites & Gener, Benjamin & Lucia... hahaha.. nakakatuwa noh! imagine naalala ko pa ang mga kalokohan namin... :) Although malaki na ang ipinagbago ang school namin, andun pa din ang kampana na tinatalon namin para tumunog ito... andun pa din ang flagpole na inaayat pag sumasabit ang tali ng watawat ng republika ng pilipinas, andun pa din ang pangalan ng aming school na ilang beses ng nilipad ng bagyo... andun pa din ang lagayan ng tubig na ginamit ko matapos akong matadyakan ng baka noong grade 5 ako... Andun pa din ang puno ng talisay na aming pinaglalaruan kaso ngayon wala ng dahon...haaayyy... sarap balikan ng mga panahon na yun....

O cya tama na ang senti... hehehe...

By the way I met Elvira, isa cya sa kaklase ko noon & guess what may grade 4 na cyang anak.. grabe na ito... tapos nagkwentuhan kami tungkol sa mga kaklase namin... wwwhhhaaaaaaaaaaaa.... ilan na lang kaming walang asawa... most of them ay may asawa at anak na... I been thinking paano kaya sila nakakasurvive??? Anyways bakit ba ako nakiki-alam diskarte nila yun... hehehe...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin