May BAGYO daw!

I supposed to visit Philippines sa September pa para makaipon at the same time maka-attend ng kasal nina Mr & Mrs. Aljie & Ivy Mendiola Garcia... kaso may nakapagsabi sa akin na September daw ang maraming bagyo sa Pinas... so I decided na i-moved ng June ang aking bakasyon... kasi takot ako sa bagyo... grabe ang hirap-hirap kaya nun.. ang galaw-galaw ng eroplano tapos mahirap na pag bumagsak ang eroplano ayaw ko namang maglaho sa kawalaan pag sumabog ang eroplano or di kaya malunod ako kung sa
dagat bumagsak ang eroplano... Ang pangit-pangit kaya ng mga nalulunod... sobrang walang poise... pawis ang puhunan ko para pumayat tapos pagnamatay akong malulunod instant taba? aba ibang usapan na yan... hehehe...

So balik sa kwento.. Ilang araw ng maulan sa Singapore, although wala namang rainy at summer season d2 kaya normal lang dito... Kaso heto na, kung ano yung kinatatakutan ko yun naman ang naghihintay sa akin... May BAGYO sa pinas... HAHAHA... gusto kong tumawa... Di ba astig.. yun ang aking pinakakaiwasan paguwi sa pinas at yun ang naghihintay sa akin...

Heto na lang ang aking panalangin: Lord kung ang aking eroplanong sasakyan ay babagsak wag po sana sa tubig, ayaw ko pong maging maging pangit ang hitsura ko pagnagkita tayo... :) Okay lang po sa aking sumabog na lang sa taas at least forever kasama ko na agad kayo... :) AMEN

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin