Ang Eroplano!


O heto ang naghatid sa aking eroplano sa pinas.. hehehe...

Grabe ang torbelance turbulans torbulance ggrrrr!!! pa-english english pa... ah basta yun malakas galaw ng eroplano sa langit... kasi maulap... hehehe.. para kaming nasa circus... lagi na lang naka ilaw ang seat belt mode... noonguna lagi ko pang inaalis ang seat belt ko.. aba abuso na ang piloto paulit-ulit na patay sindi ang ilaw na parang sa Cubao kaya di ko na lang inalis, akala niya bobo ako... wais ata ito ineng!!!

Sa awa ng Diyos noong nagserve ng pagkain nasa itaas na itaas na kami ng langit.. after naming pakainin nagsimula na naman ang nakakahilong takbo... ewan ko ba kung gusto kaming pasukahin ng piloto... mukhang nagtitipid at gustong i-recyle ang aming kinain... harharhar...

Sa awa naman ng Diyos nakarating ako sa pinas ng maayos...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin