Anak gumising ka tutulog na tayo!!!

At heto na... maniniwala ka bang 9:30pm pa lang tutulog na kami!!! as in.. Jusko, di kinaya ng powers ko ang mga tao sa amin.. paglabas ko ng bahay patay na lahat ang ilaw sa mga kapitbahay... tanging alulong na lang ng aso, tikatik ng ulan at huni ng mga kuliglig ang iyong madidinig... O di ba, unang gabi adventure agad... hahaha...

So dahil isang bahag ang aking buntot, balik na ulit ako sa higaan...

12 Midnight na gising pa din ako... at ano ito??? parang ang daming mini space ships na lumilipad... grabe na ito mga kapatid sandamukal na lamok ang nagaabang sa akin... I forgot tag-ulan nga pala.. daming lamok sa probinsiya... (^_^)

Kinabuksan... daig ko pa ang nakulam sa dami kong pantal at kamot sa paa at binti... hehehe.. mga bwisit na lamok na yan, parang ngayon lang nakatikim ng dugo ng isang balik bayan.... ilang bote ng body shop ang aking inuubos para maging makinis ang aking balat (d b halatang vain ang mokong) tapos sa loob lng ng isang araw gagawing parang kinulam dahil sakagat ng lamok??? ano ito libreng donation ng dugo para sa mga hampas lupang mga lamok... Di ako papayag magwewelga ako... harharhar

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin