Ikalawang Kabobohan


O heto at super lakas nga ng ulan ng araw ng liggo... ewan ko ba kung ko ba kung kailan ako aalis saka naman sobrang lakas ng ulan.. pwede namang mainit sa umaga tapos sa afternoon saka umulan di ba? Talagang ayaw ata akong pauwiin ng mga forces of evil sa pinas... hehehe...

Ilang minuto din kaming naghintay ng taxi... at presto dumating si Mamong driver... So dali-dali kaming nagbuhat ng aking maleta and take note super ulan ang drama namin... para kaming palabas sa channel 2 saliw sa kantang SUKOB NA! hehehe...

Dahil malakas ang ulan nagmamadali kaming pumasok sa taxi.. kaandar pa lang ng taxi at naghahanap na ako ng plane tickets ko... wwwwhhhaaaaaa... Nawawala... sabay para sa taxi... hehehe... good thing di pa kami nakakalayo at nakita ko ang aking Tickets na BASANG-BASA sa ulan... wwwhhhaaaaaaaaa... Nalaglag po ang tickets ko... as in nasa baha po siya... Jusko pag di ka nga naman himatayin sa mga kalokohang nangyari di ba?

Pagbalik ko sa Taxi yun na at sinimulan na naming patuyuin ang aking tickets na back & forth sa pinas at s'gapore... Di ba ang ganda?! Saan ka pa... di pa nakakalayo ng bahay talagang kaakibat ko na ang kamalasan... hahaha...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin