Ang Pagtatagpo...


Hayyy.. nakatakas din ako sa mga buwitre ng Customs at yun nakita ko sina Mudra at Sisterette na kumakaway-kaway.. as in artistang artista ang dating ko ah... Ang dami-daming fans na naghihintay sa akin... Hinihintay ko pa nga si PGMA na biglang lalabas sa crowd tapos sabay sabit sa aking sampaguita at sasabihin: "Mabuhay ka bayaning Filipino.." O di ba nakaka-iyak yun, habang habol ang mga PRESS sa akin para makunan ako ng interview... hehehe... Aba sino ba naman ang mag-aakalang ang isang taga tanim ng palay at mais noon ay makakatuntong ng S'gapore... Ang dating batang uhugin na mahilig mamulot ng mangga at santol ay makakasakay ng erplen... :) Well, sabi nga ni Kuya Kim ang buhay ay Weather Weather lang... hehehe... O siya tama na ang illusion di ako artista... hehehe...

Grabe akala ko kailangan ko pang umarkila ng Victory Liner para mga susundo sa akin... hehehe... good thing di na kailangan... hehehe... sina nanay lang sumundo sa akin pati dalawa kong pinsan..

Medyo na lost in space ang aking memory sa daan.. hehehe... yun pala sa may paranaque lang kami... and take note "traffic" harharhar... at mausok... hehehe...

Gabi na ako nakarating sa amin... well, di naman well, celebrated ang pagdating ko.. nagulat pa nga ang iba kong pinsan kasi walang nakakaalam na uuwi ako... hehehe... kaya noong pumunta ako sa bahay nila.. nagulat sila.. taka sila kung sinong artista ang dumating... *KAPAL*... hahaha...

Syempre isa lang naman ang tanong sa aming mga artista lagi: KUMUSTA KA NA? kulang na lang i-record ang sagot ko sa tuwing magsasalita ako...hehehe.. kasi ba naman isa lang ang sagot: MABUTI po ako, heto payat na po... hehehe... daig ko pa ang may PRESS Interview sa mga kapitbahay... hehehe...

Pagbalik ko ng house namin.. yun na nag-ayos na me ng pasalubong... hehehe.. hirap palang umuwi ng pinas.. as in... magastos... pero carry lang naman... ganun naman talaga tayong mga pinoy eh... bahagi na ng ating kultura ang magbigay... kung pwede nga lang ibigay ang pustiso cguro may magbibigay pa din nun... YUUKKKIIEE.. hahaha...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin