textmate

na-experienced mo na bang magkaroon ng textmate? or chatmate? na serious... ako I think twice na... hehehe...

During my 1st job at Insular Savings Bank, nagkaroon ako ng chatmate that time actually pwede pa ang YM sa office namin... hehehe... and since meron akong graveyard na sched kaya ka-chat ko noon mga taga ibang bansa... isa sa naging serious kong chatmate ay si Chercil..(not sure kung tama pa ang spelling) actually small but super pretty siya... :) dumating sa point na naging kami though di kami nagkikita in person... imagine she kept calling me from Vienna,Austria almost everyday kasi maliit lang naman ang sweldo ko that time... :D So sya ang caller ko... I think she's 24 that time and I'm 21... she wanted na magpakasal na kami... hahaha.. kaso wala pa sa isip ko yun eh.. (ngayon nga eh wala pa din sa isip ko... hahaha... ) anyways, we ended our love story by saying goodbye... :( So sad... cguro nga long distance relationship ay di para sa akin...

Noong nagwo-work na ako sa Ctbank sa Makati before... nagkaroon ako ng txtmate... wala lang.. fling fling... hanggang naging kami... hahaha... ganun nga siguro ako... malakas ang loob pag di ko nakikita... =) kaso masyado namang aggressive itong babaeng ito... hehehe... parang di nya alam na di makabasag pinggan kaya ako... hahaha.. (as if... ) anyways, she wanted na samahan ko cya somewhere in North na kaming dalawa lang... WOW... ambisyosa itong babaeng ito... di ba nya alam na maraming nagkakadarapa sa aking "MURANG" katawan... hahaha.. =) tapos isang tulad lang nya ang gagalaw sa akin... hahaha... =) Anyways, di kami nagtaggal at end ang love story namin... :D

O heto malufet... check my old post regarding sa paghahanap ng haus... actually i posted it sa PINOYIT... kaloka... noong isang araw me nag-text sa akin: "Hi nabasa ko ad mo s pinoyITdotSG la lang naaliw lng ako. Lam ko ayaw m txtmate pero nagbbkaskali lng naman." Ilang araw kong puyat that time kc nga meron kaming planning sa Music Ministry... pero before I closed my eyes I reply back sa kanya na di naman ako SUPLADO kaya okay lang... hahaha... =) Heto malufet... sabi nya sa akin... LALAKI k? hahaha.. =) natigalgal ang lolo mo... ano sa palagay nya? babae ako??? jusko meron bang babaeng nalalagas ang buhok... hahahaha... =) except merong sakit siguro.... pero sobrang rare nun ha... :D anyways, after sabihin kong KOYA LALAKE po ako... di na siya nagreply... hahaha.. =) Isang ambisyoso at kalahati pa itong mokong na ito... hehehe.. anyways, sa may gustong ka-textmate bigay ko number nya sa inyo... sabihin nyo lang... :D

Yun lang po... I THANK YOU!! BOW!!

Mga Komento

Sinabi ni henyong tamad
whaaa! you are funny! wheee....

hope to see you soon! aha! kung sang lupalop ng mundo man tayo magkita.

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin