Ulirang Ina
Well... to be honest I'm a certified Mama's Boy... parang I can't live without my mom... Anyways, though late na ang entry na ito dahil sa sobrang daming ginagawa recently pero allow me to honor my mom thru this entry...
During Mother's day, my mom got this wonderful award that I think most of mom should be proud of and even her children should be proud as well... :) My mom awarded as ULIRANG INA ng taon.. Jusko natigalgal ako ng tawagan ko si inay at sabihing meron ng siyang award.. I just teased her ng sabihin ko sa kanyang ano namang kalokohan yan... hahaha... (well, ganun ko niloloko si nanay.. sometimes I used to called her as Kumareng Ising [mom's nickname].. hehehe.. O di ba ang kulet... hahaha...) Pero deep inside I'm so proud to my mom... sayang late na nasabi ni nanay sa akin or else kahit over the weekend lang sana umuwi ako...
Teka paano nga ba naging Uliran si Nanay??? Well, prepare your tissue papers at baka maiyak kayo dito... Let's assume this entry as my MMK letter to Ate Charo para naman waging-wagi di ba?
Here we go!!!
================
Dear Ate Charo,
Itago na lang ninyo ako sa pangalang Renie, bunso sa limang magkakapatid... Apat ang kapatid kong babae at ako lang ang magiisang anak na lalaki. Ang liham ko pong ito ay hango sa buhay ng aking aming mahal na ina... Di ko man tuwirang inabot ang lahat ng bagay na nangyari sa kanyang buhay, ngunit para sa akin sapat na ang mga bagay na naranasan ko sa piling niya para masabi kong mapalad akong naging bahagi ako ng buhay niya.
Mula sa pamilya ng mga magbubukid ang aking ina at dahil dala ng kahirapan, ayon sa aming lolo... sapat na ang konting karunungan para mabuhay... at isa pa, naniniwala silang ang babae ay para sa gawaing bahay lamang... Grade 2 lang ang natapos ng inay... di man siya mahusay magbasa at sumulat ngunit di ito naging dahilan para mawalan ng pag-asa.
Nakapag-asawa siya ng lalaking taga bayan.. at dahil hindi na rin naman siya ka-bataan ng mga panahon na iyon, kaya di naman niya lubusang kakilala ang lalaki nag-isang dibdib sila.
At dahil pareho namang walang natapos silang mag-asawa, nauwi na lang sa pananahi ang kanilang trabaho... naging security guard din ang aking ama... at ang huli nauwi na lang sa kinagisnang trabaho si nanay... ang bubungkal ng lupa...
Mahirap naman kami... wala mang masarap na pagkain.. minsan tubig na nilagyan lang ng asin... sapat na para pantawid gutom..
Di naging sapat ang mga kinikita sa bukid at pawang mga nagaaral ang aking mga kapatid ng mga panahon na iyon kaya kahit halos dalawang taon pa lang ako noon, pinilit ni nanay na makapagtinda ng mga gulay sa palengke tuwing gabi... samantalang ang aking ama naman ay dinapuan ng kapansanan, sapat para di na siya muling makabalik sa trabaho.
Naaalala ko pa noon, isinasama kami ni nanay sa palengke ng Binan para magtinda din sa palengke tuwing gabi... mahirap tuwing tag-ulan kasi puro putik ang bangketang nilalagakan ng paninda nina nanay... kailangang medyo malakas ka din dahil kailangan mong magbuhat ng saku-sakong mga gulay...
Bata pa lang ako noon, alam ko na yung hirap ng buhay namin... naalala ko pa noon... namumulot kami ng butil ng bawang tuwing tagulan para meron kaming pambili ng notebook para sa darating na pasukan... Naalala ko pa noon, nagbebenta ako sa school ng mga kung anik-anik and one of them yung "PALABUNUTAN" yng bubunot tapos i-match mo kung merong price yung nabunot mo....
Anyways, i can compare our life as Rug-Riches, though di naman kami ganun ka-rich pero i can say na we can eat enough food now and we can buy yung mga bagay na gusto namin... hindi na ako nakatingin sa mga kaklase kong magagara ang sapatos samantalang sa akin buong ning-ning ang ngiti ng aking sapatos sa kanyang pagkasira at di na kaya ng rugby para dumikit ulet..
To my loving nanay... I always tell you this how much I love so much... Thanks for all the things na ibinigay mo sa amin... di man material na bagay but enough na yung mga bagay na itinuro mo sa amin para masabi naming we're happy that you're our mom... and I know my siblings are happy as well for having you...
yun lang po Ate Charo... nawa maibigan po ninyo ang kwento ng aking nanay...
Lubos na gumagalang,
Renie
===========
Ano sa palagay nyo??? karapatdapat bang magkaroon ng award si Nanay??? hehehe... To all mom out there... HAPPY MOM's DAY...

Mga Komento