Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2015

Bigas Bigas Paano Ka Ginawa

Tayong mga Pilipino hindi tayo mabubuhay kung walang kanin sa ating lamesa, aminin nyo yan! Kesehodang walang tubig o ulam basta't may kanin naku solb na solb na tayo.. as in talo-talo na #taobkaldero #ubostutong. Kahit kanin na may toyo lang o asin.. PAK na PAK na! pag sinamahan mo pa ng hawot (tuyo) at kamatis... spell HEAVEN. hahaha... ang sarap eh! lalo na yung kanin na sinabawan ng mantika ng baboy pag fiesta!!! ika-pitong gloria ang sarap. hahaha!!! (kumusta naman ang FATNESS!!! hahaha!! #putokbatok sa high blood).   Marami sa atin na hindi na naranasan ang hirap kung paano nagkakaroon ng masarap na kanin sa kanilang lamesa. Ngayon kasi punta lang sa grocery o palengke tapos bibili na lang ng bigas. Ganun na lang... walang effort kung paano ito inaani.  Pero alam nyo ba noong bata pa kami bago ka makakain ng kanin eh talaga namang... hello #slavery, #childlabor ang labanan... hahahaha... Hindi mo pwedeng sabihing bata ka at hindi ka sasama sa bukid or else makakatikim ka...

Buhay sa Probinsya 101: Maglaba sa ilog (The Vargas River Edition)

Masasabi kong napaka-swerte ng mga bata ngayon lalo na kung paguusapan ang paglalaba ng damit. Ngayon may mga washing machine na. Ilalagay mo lang ang maduming damit at viola!!! pagkatapos ng ilang minuto o isang oras tapos na ang labada at isasampay mo na lang... at kung talagang bonggagious ka... may mga dryer na din ngayon na pagkatapos ng labada.. tuyo na at pwede ng isuot kung ayaw mong plantsahin. hehehe.. pero sa akin... kailangan kong plantsahin... hahaha... takot ilagay sa cabinet ang lukot na damit. LOL!   Anyway, noong bata pa kami di uso ang washing machine. haller!!! welcome ko ilog o poso ang beauty namin. hahaha... Pero pinaka-bet ko ang ilog...hahaha!!! as in inaabangan ko ito noong bata pa kami.    Isang beses isang linggo ang paglaba ng mga damit kaya naman pagdating ng Sabado naghuhumiyaw ang labada sa bahay. hahaha... Jusme ang mga damit pa noon ay suot sa pag-aani sa bukid kaya naman ang tubal (dumi) sa damit ay wagas na wagas... hahaha.. kahit si Mr....

Manunupot

Bawat bata sa mundo, mahirap man o mayaman siguradong lumaking may kinatatakutan. Yung iba takot sa multo, yung iba takot sa magulang, yung iba takot sa ahas o insekto, pero noong bata pa kami ang kinatatakutan naming lahat ay ang MANUNUPOT (Oh! davah... tawag pa lang di mo alam kung matatakot ka or matatawa.. hahaha!)   Naalala ko pa noon, isa pa lang ata ang may jeep sa aming lugar kaya alam na alam namin pag may naligaw na bagong sasakyan sa lugar namin. Jusme imagine mo naman, pag nakasakay sa jeep at nakadating ka ng bayan... haller!!! ikaw ang pinaka-sikat sa mga kalaro mo. hahaha... kaya nga noon sabi ng kaklase sana daw magkasakit siya para dalhin siya sa bayan at makasakay ng jeep. hahaha!!! Oh di ba.. ang dasal namin noon magkasakit at ma-confine sa ospital. hahahaha!!! Feeling namin noon sosyal na sosyal na pag nakadating ka ng bayan. hahahaha!!! kaloka talaga ang mga bata... kung ano-ano ang mga naiisip... Mas sosyal kung na-confine ka sa Ospital... ang lambot ng higaan...

Tiyo

Magandang gabi po sa inyong lahat. Siguro sa mga hindi pa nakakilala sa akin: ako po ay anak ni Esing. Si Esing po ay ang natitirang buhay sa magkakapatid nina Fiscal na kasalukuyan pong nasa Estados Unidos. Sa kasamaang palad po ay hindi siya makauwi dahil patuloy po ang dialysis niya sa kanyang kidney. Parang kailan lang sa ganitong pagkakataon din tumayo ako sa harapan ng maraming tao para magbahagi tungkol sa buhay ng tatay noong Pebrero ng siya sa pumanaw. Heto na naman ako matapos ng halos pitong buwan magbabahagi na naman ako ng buhay ng isang taong naging malaking bahagi ng aking buhay at umaasa akong huli na ito sa panahon na ito dahil parang hindi ko na ata kakayanin pang magsalita sa harap ng maraming tao para magbigay ng huling paalam sa taong mahal ko. Sa tuwing iniisip ko ang Tiyo ito ang ilan sa mga alaala na hinding-hindi makakalimutan. - Owner jeep na stainless - puting buhok - New Years Eve (Bagong Taon)   Halina't samahan ninyo akong balikan ang mga alaala ko tun...

Nang Bangungutin ang Superhero

Naranasan nyo na bang managinip ng sobrang weird? Kaloka di ba? Minsan pagnatulog ka sa bus/jeep/train tapos bigla kang mananaginip na tumalon ka sa bangin, di ba bonggang-bongga kang tatalon sa kinauupuan mo? hahaha... jusme!!! minsan para hindi masyadong nakakahiya pagbigla kang tumalon sabay pikit ulet para hindi halata pero deep inside sabi mo sa sarili mo: shxxt ang tanga-tanga ko.hahaha! minsan gusto mo na lang mawala sa kinauupuan mo. hahaha... O di kya minsan ang panginip mo may sinuntok ka! as in nangyari ito sa akin... hahahaha... mega long sleeves at todo porma pa naman ako pero nanaginip ako na may sinuntok...LOL!!! yung katabi ko sa train nagulat... hahaha!!! pero ako balik tulog ulet. LOL!!! pero deep inside feeling ko ang tanga-tanga ko. hahaha.. Oh well, hindi ako perfecto may mga kahinaan din ako. hahahahaha!!! Pero minsan sa sobrang sarap ng tulog ay kaloka yung tumutulo ang laway. hahahaha!!! level-up talaga ito. jusme!!! parang sauce lang na lumalabas sa botelya pag...

Tigang na pagiisip

Anong petsa na wala pa din akong nasusulat dito. LOL! Ilang beses ko na naman pinilit sumulat kaso talagang wala ng lumalabas sa aking utak. LOL! Oh well as if naman may utak talaga.  Kaloka paulit-ulit ko ng gumawa ng kwento kaso parang walang patutunguhan kaya di ko na lang ginagawa. hahaha... Jusme feeling ko nga ang buhay ko ay 711... bukas bente quatro oras...hahaha... Minsan nga may nasabi sa akin, kumusta na si ganito.. kumusta na si ganyan... sabi ko paano mo laman? sabi ba naman sa akin sa Blog mo! LOL!!! Oh di ba minsan di ko na alam ang mga ikinukwento ko sa blog ko... hahaha... sukdulang ibenta ko na ang sarili ko at maka-relate lang kyo. hahaha..  Mahirap din pala ang masyadong sikat ang daming nag-e-expect. hahahaha... Feeling Forevermore lang peg? Me ganun level? hahaha... Kidding aside minsan may magsasabi sa akin Bakit wala ka pang entry sa blog mo? KALOKA!!! Ganun kasikat??? nag-aabang ang mga readers? hahaha.. Pero mahirap din infairness kasi kailangan...

Ang babae na kumuha ng aking buhay

Habang pinagmamasdan kita ng mga oras na iyon, pakiramdam ko ay dahan-dahang tumutigil ang pagikot ng mundo kasabay ng paghimpil ng bawat segundo ng orasan. Mga dalawang tao ang nasa pagitan natin ng mga oras na iyon pero bawat galaw mo ay aking pinagmamasdan. Ang bawat ngiti mo na namumutawi sa iyong mga labi at ang bawat himig at liriko na iyong sinasambit ay pawang tumatak sa aking isipan. Hindi ko malilimutan ang bawat patak ng iyong mga luha na dumadaloy sa banayad mong mukha. Ramdam ko ang ang bawat sakit na iyong dinaramdam ng mga oras na iyon. Wala man akong lakas ng loob na lumapit sa’yo para akapin ka at pawiin ang bawat hapdi na iyong nararamdaman, minabuti ko na lamang mag-alay ng aking panalangin para sa’yo. Hindi ko inaasahang ang simpleng panalangin na iyon ang magbibigay ng bagong kulay sa aking buhay.  Parang kailan lang ng tayo ay nangako sa bawat isa sa harap ng dambada. Nakakatuwang isipin na limang taon na tayong nagsasama; limang taon na masasabi kong pun...

Hinog vs Luto - The dialect barrier tragedy.

Nosebleed, duguan ang utak, nganga; ilan ito sa mga salitang nadidinig ko sa mga pinoy kapag may kausap silang puti na hindi nila ma-express ang sarili. Yung tipong Ah, Eh, Uhm, Ah na lang ang lumalabas sa bibig tapos kitang-kita mo na kulang na lang sabihin na: EARTH OPEN, RENIE JUMP, EARTH CLOSE. hahaha!!! Di ba may mga ganun moment tayo lalo na sa mga nag-ta-trabaho sa ibang bansa na tulad ko. Jusme minsan parang naligo na ako sa sarili kong dugo pag ang hirap ng kausap... as in kulang na lang magdala ako ng salbabida tapos floating floating na lang ako sa sarili kong dugo. hahaha.. NGANGA galore!!! Pwede ng lagyan ng bangaw ang bibig. LOL! Ngunit hindi lang pala ang mga foreigner ang makakapag-pa-NGANGA sa akin. LOL! Noong una ako sa Bacolod may mga time na para akong tanga. hahaha!! Yung hitsura ng mukha mo na naka-smile habang nakikinig ka sa naguusap pero wala kang naiintindihan. Tapos lahat ng mga tao seryoso ikaw naka-smile pa at bigla kang matitigilan sabay serious mode ...

Ang labaha ni Mamay

Semana Santa na naman at bakasyon na ang mga bata sa Pilipinas. Nakakamiss ang ganitong panahon yung tipong higit dalawang buwang kang walang gagawin kundi maglaro at magpaka-nognog sa ilalim na araw. Jusme naaalala ko pa dati ang sinasabi ng mga ate ko sa akin: "Ireneo* ang leeg mo pwede ng taniman ng gabi sa sobrang itim at dami ng libag!" Kaloka ang kapatid ko kung maka-pintas parang wala ng bukas eh! hahaha! Magtaka sila kung kutis ko mala-kamatis sa kinis davah?! Pero paginiisip ko and hitsura ko noon: DUGYOT na DUGYOT eh! hahaha!!  Pero alam nyo ba pagdumating ka sa edad na sampu or Grade 4, ito yung kinakatakutan ng mga batang lalaki sa amin. Ang summer na dating masaya at araw-araw na laro magiging araw ito ng kaba at takot sa bawat batang lalaki. Ito ang panahon ang mga batang SUPOT ay magiging ganap ng binata (kaloka ng intro parang iaalay lang ang mga lalaki sa kulto. LOL!) Anyway, hindi ko maisip kung bakit nagaganap ito tuwing  Sabado de Gloria pero ayon sa ...