Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2016

Pasko na! Pasko na!

OMG! Pasko na nga! Kaloka parang noong isang araw lang ako nag-iisip na anong gagawin sa Pasko, pero jusme ngayon ilang kembot na lang at hello Christmas at nganga pa din ako. hahahaha... Ang bilis-bilis ng panahon, bukas-makalawa bagong taon naman... Juicecolored!!! Anyway, bago mag-bagong taon; ano nga ba ang naghihintay ngayong Pasko? Ilang araw na akong nagiisip ng kung anong aking susulatin this Christmas pero parang walang pumapasok sa aking isipan. Kasi minsan feeling ko OA ang aking susulatin kaya in the end wala akong natatapos. So ngayon, regarless kung OA o hindi ang aking susulatin pipilitin ko pa ding sumulat. hahahaha.. :D walang pakialaman blog ko ito at nakikibasa ka lang. LOL!!! (biatch mode) Minsan sa dami ng ating mga kaibigan, kakilala, kamag-anak, inaanak, at kapamilyang kailangang bigyan ng regalo hindi na natin alam kung paano natin hahatiin ang ating oras sa pagbili at pagbalot ng mga regalo. Bukod sa pagiisip ng regalo, nandyan pa din ang kaliwa't-kanan ...

Gamot sa bukol mayroon ka?

Sa panahon ngayon parang halos ata ng sakit mayroon nang gamot, except siguro sa mga terminal na mga karamdaman na wala pang nadi-discover na gamot. Pero alam ba ninyo sa panahon namin (jusme kung maka-panahon naman ako parang Ingkong na ang edad ko. hahaha..) anyway siguro sa aming lugar na lang para di halata ang edad.. hahahaha... hindi uso ang mga gamot na bibili sa botika noong bata pa kami at tanging mga kung anu-anong damo mo lang ang ipapainom sa'yo para gumaling ka... so ngayon ko lang naisip na baka sa amin nanggaling ang mga herbal na gamot. LOL! Ayaw ninyong maniwala heto ang ilan sa mga sakit at lunas sa karamdaman. 1.) Umaalog na ngipin - malulugi ang dentista sa amin kung magtatayo siya ng clinic sa lugar namin dahil pag-umalog ang ngipin noong bata pa kami, SINULID ang katapat nito. Tatalian ang ngipin na umaalog tapos ang other end ay itatali sa pinto; pagbilang ng tatlo sabay sara ng pinto... BOOM!!! tanggal ang ngipin na umaalog. hahahahaha... alam mo yun...

Ang Disyembre sa aming school

Sa dami ng aking kwento dito ng aking kabataan, minsan nagiisip ako kung ano pa kaya ang aking ikukwento. Feeling ko minsan para na akong 711 na bukas bente-quatro oras. LOL!!! Alam mo yung feeling na alam na ng tao lahat ng kwento ng iyong buhay. (me ganung factor?) #artista #feelignimportante  Wow!!! arte-arte pa dyan eh ginusto mo yan... lol! kwento ka ng kwento tapos ngyon reklamo ka ng reklamo. hahaha.. #monologue sa sarili. Anyway, dahil malapit na ang pasko ito ang kwento ko sa inyo: Ang Disyembre sa aming paalaran. hehehe... Madami ang activities noong bata kami tuwing sasapit ang Disyembre at excited na excited ako kasi ibig sabihin malapit na ang bakasyon. LOL! Isa sa inaabangan ko ay aming Field Day. Ito yung panahon na lahat ng estudyante from Grade 1 to 6 ay may kani-kanilang exercise. Tapos may uniform pa na pang-PE. Ito din ang panahon na ang Muse at Escort ng klase ay paparada sa buong Barangay. Kaloka talaga.. as in buong Barangay... tapos na sa likod lahat ang ...

Saan ka nag-aral?

Dahil may aftershock pa ako ng UAAP at naka-2nd runner ang school namin sa Cheer Dance Competion (dapat 1st runner-up... aminin nyo malinis ang executions ng Adamson.. hehehe. #superproud), kaya naman ang kwento ko ngayon ay tungkol sa mga schools. Noong college pa lang ako talagang ramdam mo ang mga labanan ng mga schools and for sure until now ganun pa din. Nauso pa ang mga joke dating LaSalle vs Ateneo. Yung tipong sasabihin ng Ateneo sa La Salle... Tuition nyo baon pa lang namin. hahahaha.. ganung level ang mga bangayan ng mga schools dati. hehehehe... Pero bukod pa doon hit na hit din ang mga acronyms ng mga schools. (hit na hit ang potacha... LOL!!! dapat pak na pak na ngayon. hahahaha!!! juske dekada nubenta ang bwisit!!!) Anyway heto ang ilan sa mga na-alala kong mga acronyms ng mga schools... I hope di ako patayin ng mga kilala kong nag-aral sa mga schools na ito. LOL!!! 1. FEATI - Filipinong Estudyanteng Aanga-anga sa Tabi ng Ilog. hahahaha.. literally na tabi ng ilog P...

Undas

Ilang tulog na lang at undas na naman. Aba at kabilis ng panahon. Panahon na naman para gunitain ang ating mga mahal sa buhay na nahimlay sa kabilang buhay. Tuwing sumasapit ang panahon na ito ang dami-daming kong naaalala noong aming kabataan at heto ang ilan sa kanila. 1.) Paglilinis ng nitso - isang linggo bago mag-undas pumununta kaming magpipinsan sa sementeryo. Dahil medyo malayo kami sa sementeryo sa owner ng Tiyo kami lahat sakay. Siksikan kaming magpipinsan tapos ang November panahon ng tag-ulan sa Pinas kaloka ang lubak sa kalsada papuntang Brgy.Malaking Pulo (andoon ang sementeryo), mas malaki pa sa jeep ang lubak.. bwwwhhahaha... kaya naman pagtumirik ang sinasakyan namin hindi uso ang pasosyal, bababa ka sa gitna ng putikan tapos magsisimula ka ng magtulak. LOL!!! jusme di pa nakakadating sa sementeryo amoy paksiw ka na sa katutulak ng sasakyan. hahaha.. Anyway, masayang maglinis ng nitso kasi nandoon lahat kyong magpipinsan, pagkatapos magpipintura nandyan ang minsan ...

Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [ENDING]

Chapter 12 Itinaas nya ang kanyang dalawang kamay saka nasumigaw ng: "TONIO!!!"  Nabalot ng kaba si Ding sa kanyang nadinig at halos himatayin siya ng tumambad sa kanyang harapan ang kanyang pinakamamahal na si Tonio. "Shit!" ang tanging namutawi sa bibig ni Ding habang pinagmamasdan si Tonio. "Kailan pa ito? Paano nangyari?" Halos litong tanong ni Ding kay Tonio. "Naalala mo pa ba ng sasabihin ko sa'yo na may iba akong nararamdaman ng mga nag-daang araw? Noong huling araw tayong gumawa ng assignment sa inyo? Nang pauwi ako sa amin, nakita ko ang isang bulalakaw na pabagsak sa may bukid kaya dali-dali kong sinundan. Isang maliit na bato na kulay asul ang aking nakita at dahil sa pagiging makulit ng iyong kaibigan kaya kinuha ko. Nang aking hinawakan, parang sinasabi niyang isubo ko ito at wala akong nagawa kundi lulunin ang bato. Mabilis ang mga pangyayari tumatakbo ang isip ko at alam niya ang dapat gawin. Sinasabing sumigaw lang ...

Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [Chapter 11]

Chapter 11 Nakangiti si Ninang kay Divha habang hawak nito ang tungkod na nakapatong kay Divha.  "Ninang, salamat sa pagtulong! Isa ka talagang major-major kaboggera pagdating sa mga bagay na ganito." wika ni Divha habang naka-umis. "Gandara ka 'neng, kinabog mo si Manny Pacquio sa iyong mga stunts kanina. At ang major-major as in bonggang-bongga sa lahat, haller me fafable ka pang nabingwit.   Nalingat lang ako ng ilang sandali me kasama ka na.  Ang hitad!!! Pero winner! Parang Purefoods corned beef-y!" ang malanding wika ni Ninang. "Anovha Ninang hindi siya coned beef-y, isa siyang santol." sabay turo ni Divha sa maselang bahagi ng katawan ni Santino habang nakatawa. "Jusme, hitad na hitad ka talaga bakla!" sabay tawa ng malakas. "Oist, joke-joke lang itech baka madala at di na ako balikan dito ni fafable." ang makulet na wika ni Divha. "Akala ko kanina dead on arrival ang dating mo sa loob ng yelo.  Para kang fro...

Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [Chapter 10]

Chapter 10 Ilang buwan din na walang gumagambala sa katahimikan ng bayan nina Ding buhat ng makalaban niya si Sajidha, maliban sa mangilan-ngilang sakuna tulad ng holdap, at ilang gulo sa karatig na bayan. Mabilis naman siyang nakakasaklolo para mabilis na aksyon hingil sa mga pangyayarin sakuna. “Ninang, natatakot ako ngayon. Parang hindi nagpaparamdan si Sajidha mula ng nakalaban ko siya. Parang pinaghahandaan niya talaga ang pagbalik niya dito.” “Gawin mo lang ang sa palagay mo ay nararapat.” “Paano ninang kung matalo ako? Sinong lalaban sa kanila. Mukhang hindi konti ang kanilang kampon sa kung saan man sila nanggaling..” “Eh dead on arrival ang drama mo…” patawang wika ng kanyang Ninang. “Si ninang talaga, puro kalokohan...” “Ano ka ba..  ang serious-serious mo dyan…  Kaloka ka naman mag-isip ngayon.” “Ninang ano pa bang kapangyarihan meron ako? Nagugulat na lang ako sa mga nasasabi ko tuwing nakikipaglaban ako… Kung anik anik ang lumalabas sa aking katawan… Ma...

Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [Chapter 9]

Chapter 9 Madaling araw ng gisingin si Ding ng tila totoong panaginip: Lumilipad siya sa kawalan ng bigla siyang makakita ng isang lalaking naka-damit ng tulad ng suot niya. Nakatingin ito sa kanya habang nakalutang sa kawalan. Mabilis na lumipad si Divha papalapit sa lalaki ngunit mabilis na lumipad ang lalaki papalayo sa kanya. Isang tila nakakasilaw na liwanag ang gumising kay Ding sa kanyang pagkakahiga. Pawisan at tila hirap huminga. Ilang minuto bago siya nahimasmasan sa kanyang panaginip.  Hindi na dalawin ng antok si Ding kaya nagpasya na lang itong bumaba sa kanilang bahay para uminom ng mainit na kape. Di pa halos nakakainom si Ding ng kanyang tinimplang kape ng biglang uminit ang bato sa kanyang bulsa kaya dali-dali itong tumakbo sa likod ng bahay nila saka niya nilulon ang bato at sigaw ng: “DIVHA DING!” Mabilis na lumipad si Divha sa madilim at malawak na papawirin na tanging mga liwanag lang ng mga bituin at malamlam na liwanag ng buwan ang kanyang gab...

Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [Chapter 8]

Chapter 8 Isang araw habang naglalakad si Ding palabas ng kanilang school may biglang may tumawag sa kanya na kanyang ikinagulat.   “Ding!”   Si Isabel, habang kumakaway sa kanya sa may kainan sa labas ng kanilang school. Dahil ayaw namang mapahiya ni Ding si Isabel kaya lumapit ito sa babae.   “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ding “Dito kasi nagaaral ang kapatid ko sa school nyo. Andito kasi lahat ang barkada niya kaya kahit ayaw nina mommy eh di na naming pinilit pa. May pagka-spoiled brat kasi.” “Ganun ba? Teka bakit kailangan puntahan mo pa siya dito?” “Freshman kasi siya at sabi ni mommy daanan ko daw kasi mala-late umuwi dahil may practice ng cheering squad.” “Ah! Isa pala siya sa mga cheerer ng school namin.” “Oo!  Teka bakit ngayon ka lang uuwi?  Asan ang barkada mo?” “Nauna na sila kanina.  Umattend kasi ako ng Student Council na meeting kaya late na ako nakalabas.” “Ganun ba? Ang sipag-sipag mo talaga.” “Di naman, ka...

Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [Chapter 7]

Chapter 7 Akay ni Ding ang matandang babae na naiwan sa loob ng barong-barong habang nasa kalakasan ng lindol. “Tonio, tulungan niyo ako. May matandang naiwan dito sa lumang bahay.” Sigaw ni Ding. Hindi halos napansin ng mga kaklase na umalis sa tabi nila si Ding habang nagaganap ang malakas na lindol. “Uyy! Mga classmates si Ding tulungan natin.” Nasa kalsada na sila ng may babaing umiiyak ang lumapit sa kanila. “Salamat sa inyo at naligtas ninyo si nanay namin.” Wika ng babae na bakas ang pagkabahala sa kanyang boses. “Naku Adora, tingnan mo nga ang ginawa mo kay nanay. Hinayaan mong maiwan sa loob ng bahay, samantalang ikaw ay tumakbo palabas.” Wika ng lalaking papalapit sa kanila. “Eh, ikaw tingnan mo nga kung saan ka galing? Galing ka na naman kina Carding at naglaro ng tong-its.” “Aba at sasagot ka pa…” “Naku, tama na po yan. Ang mahalaga ay pare-pareho tayong ligtas” wika ni Ding sa nagaaway na mag-asawa samantalang ang matandang babae ay nasa...