Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [Chapter 11]

Chapter 11

Nakangiti si Ninang kay Divha habang hawak nito ang tungkod na nakapatong kay Divha. 

"Ninang, salamat sa pagtulong! Isa ka talagang major-major kaboggera pagdating sa mga bagay na ganito." wika ni Divha habang naka-umis.
"Gandara ka 'neng, kinabog mo si Manny Pacquio sa iyong mga stunts kanina. At ang major-major as in bonggang-bongga sa lahat, haller me fafable ka pang nabingwit.  Nalingat lang ako ng ilang sandali me kasama ka na. Ang hitad!!! Pero winner! Parang Purefoods corned beef-y!" ang malanding wika ni Ninang.
"Anovha Ninang hindi siya coned beef-y, isa siyang santol." sabay turo ni Divha sa maselang bahagi ng katawan ni Santino habang nakatawa.
"Jusme, hitad na hitad ka talaga bakla!" sabay tawa ng malakas.
"Oist, joke-joke lang itech baka madala at di na ako balikan dito ni fafable." ang makulet na wika ni Divha.
"Akala ko kanina dead on arrival ang dating mo sa loob ng yelo. Para kang frozen fresh chicken. HAHAHA!!!" ang makalas na tawa ni Ninang!
"Ganda kong ito ninang muntik na akong maging paninda sa palengke. Pero buti na lang dumating itong si Mr. Felix-Bakat!" 
"Santino po!" ang magalang na wika ng lalaki.
"Ha? Ano kamo Saturnino?" Ang pabirong tanong ni Ninang.
"Santino po." ang ulet na sagot ng binata.

Biglang natigilan si Ninang sa kanyang nadinig.

"Santino, pamilyar ang pangalan mo sa akin." wika ng naguguluhang si Ninang. "Santino! Santino! Santino!" ang paulit-ulit na wika nito.
"Ninang, kaloka ka ha.. para kang sirang plaka. paulet-ulet, paulet-ulet!" ang patawang wika ni Divha.
Biglang natigilan si Ninang.
"Santino, ang nawawalang kasintahan ni Divha bago tuluyang mawasak ang Morta ng lipunin ito ng mga kaaway." 
Hindi makapaniwala si Divha sa kanyang narinig na wari'y naguguluhan.
"Anong kasintahan? Anong nawawala?" ang mga tanong ni Divha na tila walang kasagutan.
"Ipagumanhin po ninyo Diyosa ng kagandahan, maari ko po bang makausap muna si Divha ng sarilinan?" ang mahinahong tanong ni Santino.

Tahimik na naglahong parang bula si Ninang sa harapan nina Divha at Santino.

Hinawakan ni Santino ang kamay ni Divha saka sila lumipad sa mataas na bato baybaying dagat.
Tahimik nilang pinagmamasdan ang bawat hampas ng malakas na alon sa bato sa dagat.

"Santino, sino ka bang talaga?" munting tanong ni Divha.
"Maaring di mo na ako maalala dahil sa tagal ng panahong tayong dalawa ay nawalay sa isa't-isa. Isa akong mandirigmang tulad mo sa aming imperyo. Magkasama ang ating imperyo sa bawat laban upang puksain ang mga kampon ng kasamaan. Nabighani ako sa'yo noong una tayong nagkita at sa kabutihang palad ika'y aking naging kasintahan. Ngunit bago pa man tyong dalawa nagkita, alam kong may pagtingin si Sajidha sa akin. Paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na hindi ko siya gusto ngunit paulit-ulit niyang sinasabing mahal niya ako. Bilang isang ka-alyansang imperyo natin ang kina Sajidha lubha siyang nasaktan ng malaman niyang naging tayo. Poot at galit ang itinanim niya sa kanya kaya sumanib siya sa mga kaaway. Alam niya lahat ang bawat plano ng ating imperyo kaya ng lumusob ang kalaban mabilis nilang napabagsak ang ating imperyo. Sugatan ako sa huling laban namin ni Sajidha na halos aking ikamatay. Kitang-kita ko kung paano ka muntik ng patayin ni Sajidha habang pinipigil mo siya. Isang paraan lang ang alam ko para tayo makatakas sa galit niya ngunit ang katumbas noon ay malayo at matagal nating pagkakahiwalay. Gamit ang makalumang majika mula sa aming imperyo na mula sa aral ng aming ninuno, ginawa kong bato tyo dalawa at sabay nalaho sa digmaan na ikinamatay ng lahat ng tao sa ating imperyo." Ang mahabang salaysalay ni Santino habang nakatingin ito sa malayo.

Unti-unting nanumbalik kay Divha ang mga pangyayari at tuluyang pumatak ang kanyang luha ng ma-ala-ala nya ang nangyari sa kanilang imperyo. 

"Hindi ko man lang naipagtanggol ang aming imperyo." wika ni Divha habang patuloy na umiiyak.
"Wag ka ng umiyak." At marahang inakap ni Santino si Divha para pawiin ang lungkot nito.

Ilang oras din bago tuluyang napawi ang lungkot ni Divha.

"Paano na tayo Santino? Hindi mo pa ako lubusang kilala. Ang Divha na nasa harapan mo ngayon ay nasa loob pa din ng bato. Ang katawan na nasa harapan mo ay hiram lamang." 
"Hindi mahalaga sa akin kung hiram lang ang katawan mo ngayon, ang mahalaga sa akin kahit ilang saglit ay maakap at muling dumampi ang ating mga labi sa isa't-isa at malaman natin kung gaaano natin kamahal ang bawa't isa. Sapat na iyon para muling manumbalik ang pag-asa at pag-ibig natin. Libong taon bago tayo muling mag-kita kaya hindi ako makakapayag namakawala kang muli."
"Oh!Santino."  ang munting wika ni Divha!
"Divha! maaring naubos ang tao sa ating imperyo pero pwede naman tayong muling mag-simula ng ating buhay. Muli natin itayo ang ating imperyo." ang panunuyong wika ni Santino.
"Pero paano?"

Itinaas ni Santino ang mukha ni Divha saka niya ito ginawaran ng isang halik na siyang halos ikabaliw ni Divha!

"Wag po! Wag po! maliwanag pa!" Wika ni Divha habang pilit na itatago ang kanyang katawan sa kanyang mga palad. "Pero sige na nga!!!" Sabay halik ng walang humpay ang loka.

"Jusko Santino, kinabog mo ako sa inyong kiss, halos ikabaliw ko neng! pero in fairview quezon city, yummy galore ka!" pabirong wika ni Divha.
"Wala ka pa ding ipinagbago Divha, ikaw pa din ang pinakamamahal si Divha." wika ni Santino sabay ngiti nito at pisil sa pisngi ni Divha.
"Kaloka ka naman at talagang may ganun factorization? Pakurot-kurot sa pisngi? Gawin kitang ulam dyan makita mo!" Pabirong wika ni Divha!

Halos magtatakip silim na ng magpasya silang lisanin ang lugar.

"Santino, kailangan ko ng bumalik sa tunay kong katauhan."
"Divha, maari ko bang makilala ang taong nag-ma-may-ari sa'yo upang sa ganun kahit hindi kita makita sa iyong katauhan sapat na sa aking makitang ligtas ang nag-ma-may-ari sa'yo?" pakiusap ni Santino.

Halos parang binuhusan ng malamig na yelo ang buong katawan ni Divha sa kanyang nadinig.

"Kaloka naman ang wish mo! Baka mag-sara ang Wish ko lang na programa sa tindi ng hiling mo sa akin." Pabirong wika ni Divha at para maiba ang usapan.
"Hindi ako nagbibiro Divha. Ano pa man ang hitsura ng taong nag-ma-may-ari sa'yo, ipinapangakong aalagan ko siya sa abot ng aking makakaya." ang seryosong wika ni Santino.
"Pero Santino?" pag-a-alinlangang wika ni Divha.
Marahang idinampi ni Santino ang kanyang daliri sa bibig ni Divha na nagsasabing wag mag-alala.
"Pangako!"

Wala ng nagawa si Divha sa kahilingan ni Santino. Lumayo siya sa tabihan ni Santino at tuluyang sumigaw ng:

"DING!!!" 

Mula sa kanyang pagkakatayo nabalot ang buong katawan niya ng usok at tumambad si Ding sa harap ni Santino. Halos manlumo si Santino sa kanyang nakita.

"NNNNOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!" Sigaw ni Santino.
"Oist ano ka ba? At nag-uumarte ka dyan? Anong-NO-NO-NO ka dyan? Akala ko ba kahit ano ako ipagtatanggol mo pa din aketch?"
"Tangina naman oh! Akala ko mala-Venus Raj ang makikita ko yun pala Venus na tinamaan ng Asteroid."  maktol ni Santino.
"Ah ganun. okrayin ba daw ako? At isa pa di mukhang tinamaan ng asteroid ang fez ko. Hitsura nito! Tingnan mo nga parang gawang BELO ito neng. At kung ano mang hitsura ko nasa akin pa din si Divha at kailanman wala ka ng magagawa dun. Bwisit!!! Diyan ka na nga!" Reklamo ni Ding sabay talikod kay Santino.
"Uyy!! nagbibiro lang ako. Pasensiya na kung nasaktan kita. Siguro dala ng lang ng pagkabigla!" pagsuyo ni Santino.
"Ikaw eh, ano bang magagawa ko kung sa akin napunta ang bato ng isinumpa mo? At heto ako.. ako ang nag-ma-may-ari sa jowa mo. Diyan ka na nga!" wika ni Ding sabay lakad paalis.
"Ding! Sandali!" sambit ni Santino.

Tumigil sa pagkakalad si Ding at lumipad naman si Santino sa kanyang harapan.

"Tulad mo'y hiram ko din lang ang katawan na ito kaya wala akong dapat ipagyabang sa'yo." wika ni Santino.

itutuloy...

#ding
#divha
#darna
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin