Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [Chapter 8]
Chapter 8
Isang araw habang naglalakad si Ding palabas ng kanilang school may biglang may tumawag sa kanya na kanyang ikinagulat.
“Ding!”
Si Isabel, habang kumakaway sa kanya sa may kainan sa labas ng kanilang school. Dahil ayaw namang mapahiya ni Ding si Isabel kaya lumapit ito sa babae.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ding
“Dito kasi nagaaral ang kapatid ko sa school nyo. Andito kasi lahat ang barkada niya kaya kahit ayaw nina mommy eh di na naming pinilit pa. May pagka-spoiled brat kasi.”
“Ganun ba? Teka bakit kailangan puntahan mo pa siya dito?”
“Freshman kasi siya at sabi ni mommy daanan ko daw kasi mala-late umuwi dahil may practice ng cheering squad.”
“Ah! Isa pala siya sa mga cheerer ng school namin.”
“Oo! Teka bakit ngayon ka lang uuwi? Asan ang barkada mo?”
“Nauna na sila kanina. Umattend kasi ako ng Student Council na meeting kaya late na ako nakalabas.”
“Ganun ba? Ang sipag-sipag mo talaga.”
“Di naman, kailangan lang kasi.”
“Hmm.. ito naman pa-humble pa... Anyways heto na pala ang aking butihing kapatid.”
Buhat sa gate ng school lumabas ang kapatid ni Isabel kasama angbarkada nito. Samantalang sa likuran naman nito ay palabas din si Antonio.
Buhat sa malayo nakita na ni Antonio sina Ding at Isabel na nagpakirot sa kanyang puso. Samantalang mabilis na lumapit ang kapatid ni Isabel kasunod si Antonio.
“Hi Ding! I’m Maribel... Di ba pareho kaming BEL.” Sabay smile kay Isabel. “Kasi parehong December ang birthday namin ni Ate.”
“Hi nice to meet you...”
“Uyy andyan pala kayo?” wika ni Tonio habang papalapit sa kanila.
“Hi Tonio, akala ko umuwi ka na? Sabi kasi ni Ding umuwi na daw kayo? By the way kapatid ko pala si Maribel”
“Hi!!” sabay kamay sa kapatid ni Isabel.”Naiwan ako kasi naglaro ako ng basketball sa gym. Kapatid mo pala siya? I used to see her tuwing may cheering practice sa gym.”
“Oo, mahilig kasing sumigaw yan eh... hehehe.. Anyways, una na kami, it’s getting late na naghihintay na si manong kanina pa.” sabay turo sa kotseng nakaparada sa kabilang side ng school.
“Sige, ingat kayo.” Wika ni Ding.
“Ingat” pahabol naman ni Tonio.
“Kayo din ingat!” wika ni Isabel sabay ngiti.
“Uyy, akala ko ba uuwi na kayo kanina?” tanong ni Ding habang naglalakad sila ni Tonio.
“Eh nagaya yung mga ka-team ko sa basketball kaya nakilaro ako at saka naisip ko mag-stay ka naman kaya sabi ko daanan kita sa meeting room ninyo, kaso pagdating ko dun wala na kayo.”
“Aba talaga lang ha... ang sweet naman ng kaibigan ko... “
“Asus, nambola pa ito. Pero kanina nakita ko ikaw kasama mo si Isabel! Akala ko ba sa akin na siya?”
“Hahaha! Di ba nga sa’yo na siya. Nagkataon lang nahinihintay niya kapatid nya ng magkita kami sa labas ng school.”
“Ganun? Eh bakit parang masayang-masaya siya ng kasama ka niya?”
“Teka? Nagseselos ka ba? Aba di hamak na mas gwapo ka kaysa sa akin para mag-selos ka at mas ma-appeal ka kaysa sa akin.”
“Eh.. wala lang parang gusto ka niya eh...” sabay kamot sa kanyang ulo si Tonio.
“Ano ka ba? Bakit di mo ligawan? Wala namang masama di ba?”
“Hmm.. May punto ka dyan. Pero Ding mas okay kung si Divha ang aking magiging syota. Ganda pare. Seksi pa! hhmmm.. nakakapangigil!”
“Ha? Are you in drugs? Okay ka lang ba? Alam mo naman di tao yun.”
“Eh ano, malay mo pag nagkababy kami, eh di astig ang family namin.”
“Ay sus.. Nangarap ka na naman ng gising.” Sabay akbay sa kaibigan.
Gabi na ngunit di pa din dinadalaw ng antok si Ding kaya nagpasya itong bumamaba sa kanilang bahay para magtimpla ng gatas. Saka siya umupo sa labas ng kanilang bahay habang pinagmamasdan ang mga madilim na langit ngunit puno ng bituin.
Tahimik lang niyang pinagmamasdan ang mga bituin ng biglamg lumabas si Ninang sa kanyang tabihan.
“’Neng musta ka naman daw at parang binasang isda ka dyan?” bungad niya kay Ding sabay upo sa tabi nito.
“Wala naman po? Di lang ako matulog.”
“Aba at nag-u-ume-emote pa ang loka! Batukan kaya kita dyan para naman matauhan ka?”
“Si ninang talaga! Lagi na lang akong inaalaska.”
“Naku di ka na nasanay sa akin. Naglalambing lang. Teka at ano bang gumugulo sa inyong isipan?”
“Ninang di ba ako pwedeng maging si Divha forever?” seryosong tanong ni Ding.
“Aba teka anong tingin mo sa akin genie in the bottle na bigla na lang nag pop and granting your three wishes?”
“Wala lang naisip ko lang.”
“Si Tonio ba ang dahilan?”
“Oo” simple tugon ni Ding.
“Now you’re talking.” Wika ng ninang. “Ano ka ba? Ilang beses ko ba sasabihin sa’yo na hindi ka pwedeng ma-in-love! Tandaan mo iyan ang magpapabagsak sayo. Gamitin mo ang isip mo at wag ang puso.”
“Eh, naisip ko lang naman eh.”
“Tandaan mo ito, ang dahilan kung bakit ka andito ay hindi para mainlove kay Tonio o kahit kaninong lalake, andito ka para tumulong sa ibang tao at hindi para ikaw ang tulungan.”
“Ang bigat naman ng role ko? Parang ako ang lead actress sa movie... Pwede bang maging supporting actress na lang ako?”
“Aba feeling mo ACTRESS ka talaga?”
“Bakit di po ba?” wika ni Ding sabay tawa sa kanyang ninang. “Ninang salamat ha... Tandaan ko yang sinabi mo.”
“Naku naglambing na ang bwisit...” sabay tawa ng malakas.
“Aba at ako pa ang bwisit ngayon ninang. Akala ko ba ako ang hero?”
“Gaga ka talaga kaya love na love ka ni ninang mo eh.”
“Ninang wag mong sabihin na-tomboy ka sa akin.”
Ilang malalakas na tawanan bago tuluyang pumasok si Ding sa loob ng bahay para matulog.
itutuloy...
#ding
#divha
#darna
#kwen2niernie
Mga Komento