Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [Chapter 7]
Chapter 7
Akay ni Ding ang matandang babae na naiwan
sa loob ng barong-barong habang nasa kalakasan ng lindol.
“Tonio, tulungan niyo ako. May matandang
naiwan dito sa lumang bahay.” Sigaw ni Ding.
Hindi halos napansin ng mga kaklase na
umalis sa tabi nila si Ding habang nagaganap ang malakas na lindol.
“Uyy! Mga classmates si Ding tulungan
natin.”
Nasa kalsada na sila ng may babaing umiiyak
ang lumapit sa kanila.
“Salamat sa inyo at naligtas ninyo si nanay
namin.”
Wika ng babae na bakas ang pagkabahala sa
kanyang boses.
“Naku Adora, tingnan mo nga ang ginawa mo
kay nanay. Hinayaan mong maiwan sa loob ng bahay, samantalang ikaw ay tumakbo
palabas.” Wika ng lalaking papalapit sa kanila.
“Eh, ikaw tingnan mo nga kung saan ka
galing? Galing ka na naman kina Carding at naglaro ng tong-its.”
“Aba at sasagot ka pa…”
“Naku, tama na po yan. Ang mahalaga ay
pare-pareho tayong ligtas” wika ni Ding sa nagaaway na mag-asawa samantalang
ang matandang babae ay nasa stage of schock pa din.
Ilang araw na ang nakakalipas pero patuloy pa
din ang iba’t ibang kuro-kuro tungkol sa
mga nangyayari sa kanilang bayan. Naging alerto din ang mga pulis sa kanilang
bayan, maging ang mga karatig na siyudad. Ilang mga media people na din ang
paulit-ulit na gumagawa ng panayam sa mga taong nakasaksi sa mga sunod-sunod na
sakuna ngunit kahit isa man sa kanila ay walang makapagsabi kung saan
matatagpuan si Divha.
Isang araw inimbitahan si Ding ni Tonio para
manuod ng kanilang laro sa karatig na nayon kung saan nasa finals na sila.
Dahil tapos na naman ang kanilang midterm kaya nagpaunlak si Ding sa imbitasyon
ng kanyang kaibigan at ng kanyang mahal. Though, kasama nila ang iba nilang
kaibigan, iba pa din ang pakiramdam kung ang mahal mo ang nagimbita sa’yo lalo
na’t isa itong mahalagang araw para sa kanya.
Sa likod ng team nina Tonio naupo ang
magkakaibigan habang nag-che-cheer sa kanilang kaibigan. Sa di kalayuan
napansin ni Ding ang isang babaeng tinigin ng tingin sa kanya. Maganda ang
babae, mahaba ang buhok na straight, at medyo matangos ang ilong nito. Naka
t-shirt lang ito ng puti at naka short ng maiksi.
Sa simula di ito pinapansin ni Ding, ngunit habang tumatagal
naco-concious na siya sa kanyang hitsura dahil kahit malayo ang babae alam
niyang nakatitig ito sa kanya. Dahil hindi na halos makapg-concentrate siya sa
panunuod kaya tinanong niya ang kaibigan kung sino ang babae sa kabilan bench.
“Uyy, sino ba yung babaeng yun?” wika ni Ding sabay tingin sa babae.
“Ha? Sino?” wika ni Chuchi
“Yun!” sabay nguso sa babae.. “Yung babaeng
naka-puti sa kabilang bench.”
“OMG!!! Tama ba ako ng nakikita?”
“Bakit? Sino ba siya?”
“Ano ka ba? Si Isabel yan, ang crush ni
Tonio na taga kabilang school.”
“Ha?”
“Oo noh! At siya ang Ms. St.Francis Xavier… Ang guess what, 15 pa din
lang siya at ang height ay 5’7 na.
Marami nga ang kumukuha sa kanya para sumali sa Binibining Pilipinas.”
“Oh, di nga?”
“Oo, at tingnan mo naman at talagang pang Ms.Universe ang hitsura niya.”
Huli na para pigilan ni Ding ang kaibigan
para tawagin si Isabel. Maganda kung maganda si Isabel, pero para kay Ding si
Tonio pa din niya ang kanyang pipiliin kung sakaling tatlo na lang silang
natitira sa mundo. Sabi nga, my ONE and ONLY.
“Hi Isabel, meet Ding our super genius class president.” Wika ng
kaibigan.
“Ano ka ba Chuchi.” Pakli ni Ding.
“Kilala ko na siya. Domingo right? Most popular student sa school ninyo
dahil sa kanyang mga achievements. And younger brother of Narda.” Wika ni
Isabel habang naka-smile sa kanya.
Halos di makapaniwala si Ding sa kanyan mga narinig. Tila kilalang-kilala siya ni Isabel. Nagaalangan man siyang
makipagkilala pero wala na siyan nagawa.
“Hi, nice to meet you.” Wika ni Ding sabay smile.
“Ang cute mo pala pagnaka-smile.”
Tila binuhusan siya ng malamig na tubig ng mga oras na yun.
“Uy, thanks na-flattered naman ako.”
“It’s okay… I’m just telling the truth.”
Di na nila halos napansin na time-out na pala at si Tonio ay nasa kanila
ng tabihan para uminom ng tubig. Huli na para di makita ni Tonio ang matagal na
pagkakahawak ni Ding sa kamay ni Isabel, na siya namang mabilis na tinaggal ni
Ding.
“Ay Tonio si Isabel pala, yung taga
St.Fancis Xavier.”
Pakilala i Ding.
“Yha, I know her already.” Sabay shake hand kay Isabel.
Sa tabi ni Ding umupo si Isabel habang
tinatapos nila ang laban ni Tonio. Tuwing makaka-shoot ito ay kumakaway ito sa
kinaroroonan nina Ding. Samantalang si Isabel naman ay simpleng palakpak lang
habang nasa tabi ni Ding.
Natapos ang laban nina Tonio at tinanghal siyang MVP.
Dahil sa tuwa, inimbitahan ni Tonio ang mga kaibigan at si Isabel na
kumain sa isang malapit na fast food sa bayan para mag-celebrate.
“Okay lang bang invite kitang sumama sa aming kumain sa bayan?” wika ni
Tonio kay Isabel.
“Hmm, kung sasama ba si Ding eh, bakit hindi!”
Sabay-sabay nagtinginan ang mga magkakaibigan
kay Ding na halos di makapaniwala. Samantalang kulang na lang ay mawala si Ding
ng mga oras yun sa kanyang kinatatayuan dahil sa hiya.
“Ano Ding, sama ka ba?” wika ni Tonio na tila
may halong pagtatampo.
“Ha? Ewan ko? Teka ano bang balak nyo?”
“Sige na sama ka na para mas masaya tayo.”
Wika ni Honey.
Nasa gitna nina Tonio at Ding si Isabel
habang kumakain sa fast food. Alangan man si Ding ngunit wala siyang nagawa
dahil na rin sa kagustuhan ng mga kaibigan at ng kanyang mahal na si Tonio. Mga
palihim na sulyap ang ginagawad ni Tonio kay Isabel, samantalang si Ding naman
ay panakaw na sulyap sa mahal niyang kaibigan.
Naging masaya ang kanilang celebration para
kay Tonio. May mangilan-ngilang tuksuhan sa kanila ni Isabel pero ngiti lang
ang isinusukli ng dalaga sa kanila.
Naglalakad na sina Ding at Tonio pauwi sa
kanilang bahay ng bigla magtanong si Tonio.
“Ding crush mo ba si Isabel?” seryosong
tanong ni Tonio.
“Ha? Okay ka lang? Eh ngayon ko nga lang
nakita siya eh. Bakit mo naman naitanong”
“Wala lang nakita ko kasing masyadong
malagkit ang tingin sa’yo ni Isabel eh.”
“Ngeekk... Eh di ba yun daw ang crush mo?”
“Crush ko nga pero mukhang ikaw ang gusto
eh! Masyado ka kasing cute eh.” Sabay pisil sa magkabilang pisngi ni Ding na
tila nangigigil.
Di halos nakapagsalita si Ding sa inasal ng
kaibigan. Daig pa niya ang nasa ika-pitong gloria ng mga oras na yun at tila
tumigil ang ikot ng mundo ng ilang sandali.
“Hoy Ding! Ano na? Sigurado ka bang di mo
crush si Isabel?”
“Ha? Oo na...”
“Ang bait talaga ng kaibigan ko, kaya love
na love kita eh. Basta akin si Isabel ha.”
“Sige
sa’yo si Isabel basta akin ka lang...” wika
ni Ding sa kanyang isipan
itutuloy...
#ding
#divha
#darna
#kwen2niernie
Mga Komento