Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [Chapter 10]

Chapter 10

Ilang buwan din na walang gumagambala sa katahimikan ng bayan nina Ding buhat ng makalaban niya si Sajidha, maliban sa mangilan-ngilang sakuna tulad ng holdap, at ilang gulo sa karatig na bayan. Mabilis naman siyang nakakasaklolo para mabilis na aksyon hingil sa mga pangyayarin sakuna.

“Ninang, natatakot ako ngayon. Parang hindi nagpaparamdan si Sajidha mula ng nakalaban ko siya. Parang pinaghahandaan niya talaga ang pagbalik niya dito.”
“Gawin mo lang ang sa palagay mo ay nararapat.”
“Paano ninang kung matalo ako? Sinong lalaban sa kanila. Mukhang hindi konti ang kanilang kampon sa kung saan man sila nanggaling..”
“Eh dead on arrival ang drama mo…” patawang wika ng kanyang Ninang.
“Si ninang talaga, puro kalokohan...”
“Ano ka ba.. ang serious-serious mo dyan… Kaloka ka naman mag-isip ngayon.”
“Ninang ano pa bang kapangyarihan meron ako? Nagugulat na lang ako sa mga nasasabi ko tuwing nakikipaglaban ako… Kung anik anik ang lumalabas sa aking katawan… May apoy, may kidlat.. jusko di ko alam kung angel ba talaga ang role ko dito or isa akong ipaktita..”
“Basta rely ka lang sa tungkod mo.. Di ka niyan pababayaan.”
“Ang laki-laki nga ninang nito… Ang hirap mag-fly, feeling ko Ermitanyo ako na may dalang tungkod everytime na super fly ako…”
“Gaga, kaganda mo namang ermitanyo ‘neng. Jusko kaloka ka talaga… O siya go muna ang beauty ko… Basta call me if you need my help… Babush!” 

Mula sa ilalim ng puno na kinauupuan ni Ding naglahong parang bula ang ninang niya.

“Ding!!!” sigaw ni Tonio habang papalapit ito sa kanya.
“Uy Tonio ikaw pala!” wika ni Ding habang patayo siya sa kanyang kinauupuan.
“Ano bang ginagawa mo dito? Kanina ka pa hinahanap ng barkada.”
“Nagpapahangin lang! Sarap kayang pagmasdan ang dagat mula dito.”
“Aba at nagsu-sumenti ka pa dyan, eh ikaw na nga ang First Honor sa klase natin.”
“Ekk… compliment ba yan or insult?”
“Aba ma-drama nga ito. Masyadong serious ang kaibigan ko ngayon ah.”
“Anong serious?” hehehe “Hindi noh!”
“Oh! Di nga?”
“Promise!”
“O kung di ka nga serious, habulin mo ako…”  wika ni Tonio..
“O sige takbo ka…”

Tila mga batang paslit silang naghahabulan sa may gulod hanggang tuluyang mapagod.

“Grabe ka, ang bilis-bilis mo pa ding tumakbo.” Wika ni Tonio habang hinggal na hinggal. “Alam mo dapat nag basketball ka na lang pwede ka dun.”
“Naku di naman track and field ang laban dun noh!”

Nanatili silang nakaupo sa may ilalim ng puno habang pinagmamasdan ang mga nagliliparang mga ibon sa papawirin.

“Ding, may sasabihin ako sa’yo?”
“Ha?” Tila nagulat si Ding sa nadinig. “Ano naman yun?”
“Actually hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa’yo o kahit kanino. Pero nitong mga nagdaang buwan parang iba ang aking pakiramdam.”
“Tonio may sakit ka ba?”
“Wala, pero iba talaga. Gusto kong sabihin sa mga barkada ko sa basketball pero alam kong pagtatawan lang nila ako pagsinabi ko sa kanila itong nararamdaman ko. Siguro nakatadhana talaga itong araw na ito para masabi ko sa’yo ito. Alam ko namang kahit anong mangyari di mo naman ako kayang iwan di ba?”
“Ano ka ba Tonio? Ano ba yang pinagsasabi mo?” Ayaw ipahalata ni Ding ang kaba at tuwa na kanyang nararamdaman. (Sheyt!!! In love sa akin ang aking loviedudes…) mga naglalarong bagay sa kanyang isipan habang pinagmamasdan niya si Tonio.
“Ding, alam ko mahalaga ako sa’yo… May bagay na nangyari sa akin ng mga daang araw na di ko kayang ipaliwanag…” Kinuha ni Tonio ang kamay ni Ding saka ipinatong sa kanyang dibdib. “Nararamdaman mo ba?”
“Tonio, hindi ko alam ang sasabihin ko… Hindi ako handa…” nanginginig na sagot ni Ding.
“Ha? Anong hindi pa handa?”
“Yung ano!”
“Ang alin?”

Hindi pa nakakatapos mag-salita si Ding ng biglang dahan-dahang nabalot ng maitim na ulap ang buong paligid…

“Tonio, mamaya na tayo ma-usap. Bilisan mo, baba na tayo.”

Mabilis na bumama sina Ding buhat sa tuktok ng burol patungo sa cottage ng mag-babakarda.

“Ding! Saan ba kayo nanggaling? Tingnan nyo at mukhang uulan pa ata.” Wika ni Chuchie
“Mamaya na tayo magtalo… Hindi ulan yan…Alam mong summer paano uulan.. Tingnan nyo!” sabay turo sa ulap na tila may nag-niningas na apoy sa langit. “Bilisan nyo at mag-silikas tayo dito.”

Mabilis nagtakbuhan ang mga tao sa beach kung saan sila nagswu-swimming. Nagkakanya-kanya na sila ng takbo para makalayo sa lugar. Samantalang si Ding at patakas na kumubli sa likod ng isang cottage..

“DIVHA DING!!!”

Mula sa likod ng cottage mabilis siyang lumipad pataas kung saan tila nagniningas na apoy ang langit. Sa simula tila apoy ngunit habang papalapit si Divha, kitang-kita niya kung paano naging mga tila taong apoy ang nasa kanyang harapan. Hindi lang sampu ngunit tila daan-daang mga nagbabagang taong apoy ang naghihintay sa kanya. 

Habang nakalutang sa ere si Divha, walang pasintabing nilusob siya ng ilang mga taong apoy. At mabilis silang lumikha na tila isang dabuhalang sunog sa langit. Nilusob nila si Divha mula sa kanyang kinatayuan. Isang malakas na sigaw na: “Shield!!!” ang wika ni Divha. Tila hirap na pinipigil ni Divha ang malakas na apoy sa kanyang harapan. 

Mula sa lupa kitang-kita ng mga tao kung gaano pinipilit ni Divhang ang dambuhalang apoy. Tila isang eksena sa isang fight scene ng isang cartoon na palabas ang nangyayari. Ilang minuto pa at tuluyang bumigay si Divha. Ngunit bago pa man siya masunog ng malakas na apoy, mabilis itong lumipad pataas para maiwasan ito. Ngunit ganun pa man, patuloy pa din ang paghabol sa kanya ng mga ito. Habang lumilipad si Divha, idinipa niya ang kanyang dalawang kamay saka nagwikang: “Aqua-dragon!” Unti-unting umangat ang tubig sa dagat hanggang tuluyan itong maging isang malaking dragon. 

Divha: “Tingnan ko ang galing nyo! Mga pesteng apoy kayo… Ewan ko lang kung sino ang pupulutin sa atin sa kangkongan… Humanda kayo!!!”
Lumipad ang dragon papalapit sa mga apoy na tao. At mabilis nitong nilamon ang ilan sa mga ito. Ngunit laking gulat ni Divha ng biglang naging yelo ang kanyang dragon. Mula sa pagiging yelo ay bigla itong sumabog ng at nagpira-piraso itong yelo na bumagsak sa dagat. Hindi pa halos napapatay ang lahat ng taong apoy ng unti-unting magbago ang anyo ng mga ito. Mula sa pagiging apoy ay nabalot ang mga ito ng yelo na siyang lalong ikinagulat ni Divha.

Mabilis na sinugod si Divha ng mga natitirang kaaway. Palipad siya mula sa kanyang kinatatayuan ng maramdaman niyang malamig na nakakapit sa kanyang paa. Huli na ng makita niyang isa sa kanyang kalaban ay nakakapit sa kanyang paa. Mabilis na nabalot ng yelo ang paa ni Divha kaya hindi ito agad nakalipad papalayo. Mabilis siyang napapalibutan ng kanyang kalaban. At mabilis silang kumapit kay Divha na naging sanhi para balutin ng yelo ang buong katawaan niya.

Isang malakas na tawa ang umalingawngaw mula sa kawalan. Habang nakalutang sa ere ang balot na yelong katawan ni Divha,  lumabas si Sajidha sa ibabaw nito. At mabilis na nagbigay pugay ang kampon nito sa pamamagitan ng pagtungo ng kanilang ulo.

Sajidha: “ Well done mga Grimets, alam kong di ninyo ako bibiguin.” Isa muling malakas na halakhak ang binitawan ni Sajidha bago nito tiningnan si Divha… “Kumusta na Divha? Masyado bang malamig dyan? Ang tagal nating di nagkita tapos sa simpleng yelo lang pala ikaw babagsak! Pimihado akong isang malaking selebrasyon ito sa aming imperyo pagnakataon, ang makitang malamig na bangkay ang huling mandirigma ng Morta. Ngayon magsama kayo ng tusong si Santino sa naglalawang apoy ng pagdurusa. Walang hanggang sakit ang idinulot ninyo sa akin at dahil doon, sa aking mga kamay kayong dalawa bumagsak. Hahaha!!! Walang kapantay na sakit ang ibinigay ninyo sa akin, ng panahong patakas kayong nagkikita ni Santino, ganung alam niyang siya ang aking mahal… Ako si Sajidha, ang natatanging taga pagmana ng ikadalampu’t-pitong Imperyo ay tahasan ninyong nilapastangan kaya nararapat lang ang kamatayan sa inyong dalawa at sa buong Imperyo ng Morta. Ngayon mga Grimets, ihanda ninyo ang inyong sarili para patayin ang mga tao sa lugar na ito.”

Isang nakakabinging sigawan ng mga Grimets ang madidinig ng mga oras na yun na nangangahulugan ng pagsangayon sa sinabi ni Sajidha. Mabilis na nagbabaan ang mga ito sa lupa para sundin ang sinabi ni Sajidha. Halos mabalot ng yelo ang buong lugar at maraming tao ang makikita mong pawang balot din ng yelo ng mga oras na yun. Samantalang si Sajidha ay nakatayo lang ibabaw ng balot na yelong katawan ni Divha habang pinagmamasdan ang ginagawa ng mga Grimets.

Isang nagbabagang ibon ang biglang lumabas mula sa ulap. 

"Itigil yan!" Sigaw ng lalaking ibon. Wala siyang suot na damit-pangtaas kaya kitang-kita ang kakisigan at ganda ng katawan nito. Mga pakpak na sobrang liwanag na tila sikat ng araw. Tanging hapit na short na kulay puti ang suot nito at sapatos na na may pak-pak din.  Nakatali sa bewang nito ang lasong kulay pula at hawak nito ang tila isang malaking baril na pandigma.

Nagulat si Sajidha sa kanyang nakita. Halos di siya makapaniwala sa kanyang nakita. Poot at galit and nanaig sa kanya ng mga oras na yun.

"Hayup ka Santino! Sinong mag-aakalang buhay pa pala ang katulad mong tuso? Akala ng lahat ay kasama ka nang namatay ng huling digmaan pero heto ka sa aking harapan. Hindi matatawaran ng kahit ano pa ang sakit na dala mo sa akin!" poot na wika ni Sajidha.

"Itigil na natin ang hidwaang ito Sajidha. Alam mong kahit kailan man ay hindi kita minahal. Tanging ikaw lamang ang nagpupumilit para mahalin kita, ngunit alam mong hindi ikaw ang mahal ko. Pinili kong lumayo para tumahimik na ang lahat kahit masakit sa akin na iwan ko ang aking mahal. Pero hanggang ngayon patuloy pa din ang galit mo sa iyong puso at idinamay mo pa ang maraming tao sa daigdig na ito."
"Hindi matatawaran ang sakit na dulot mo sa akin! Heto ang sa'yo! JAITSUI KERIE BOA KARAMBA!!!" Biglang nag-ning-ning ang buong katawan ni Sajidha at mula sa kanyang dalawang kamay lumabas ang isang higanting halimaw na may labing dalawang dulo ng dragon! "Sugod mga Grimets!"  Libong mga nilalang ang  pumalibot kay Santino.

Ikinasa ni Santino ang kanyang hawak na baril sabay lipad at pinaulanan niya ng bala ang mag Grimlets. Tila umuulan ng maningning na shooting stars ang lumalabas sa dulo ng armas ni Santino. Walang inaksayang panahon si Santino, habang pina-uulanan niya ng bala ang mag Grimlets, itinuwid niya ang kanyang kanang kamay  kung nasaan ang katawan ni Divha na balot ng yelo.

"BLUE RAY CANON BALL!!!" sigaw ni Santino. Mula sa kanyang kamay lumabas ang tila bolang apoy na kulay asul at mabilis itong tumama bloke ng yelo na bumabalot kay Divha! Mabilis na lumipad si Santino upang sagipin ang pabagsak na si Divha habang patuloy siyang sinusundan ng mga Grimlets.

"Hindiiiii!!!" Sigaw ni Sajidha habang kitang-kita niya kung paano sinagip ni Santino si Divha.

Hindi alam ni Divha ang gagawin habang ibinababa siya ni Santino sa lupa. Tanging ang katanungan na ito ang namutawi sa kanyang mga labi: "Sino ka?" Nagulat si Santino sa kanyang nadinig ngunit wala ng panahon para mag-usap pa: "Hindi ito ang tamang oras, itaas mo ang ang iyong tungkod para muli kang gumaling."

"Luntiang ipo-ipo!" ang wika ni Divha. Mula sa pagkakatayo niya sa lupa dahan-dahan siyang ini-angat ng malakas na hangin pataas kasama ng mangilan-ngilang dahon na bumalot sa kanyang katawan. 

Isang malakas na Divha ang muling lumabas pagkatapos ng malakas na hangin at sabay tingin kay Santino: "Kung sino ka man Ginoo, maraming salamat sa pagligtas mo sa akin."

Santino: "Divha, tulad mo, isa din akong mandirigma. Kaya wag na nating sayangin ang oras at patayin na natin si Sajidha." Isang simpleng ngiti lang ang iginanti ni Divha kay Santino at sabay silang lumipad pataas patungo sa kalaban.

Walang tigil si Santino sa pag-baril sa mga Grimlets na papalapit sa kanila. Samantalang si Divha naman ay tumigil sa kanyang paglipad at tila wari'y gumuhit siya ng mga titik sa hangin habang siya ay nagdarasal. Biglang bumuka ang kanyang pakapak sabay sa pagmulat ng kanyang mga mata at saka siya nag-wika: "Tinatawag ang ikasampung kapangyarihan ng Morta, tulungan mo akong lipunin ang mga kaaway sa aking kaharan." Umihip ang malakas na hangin at kasabay nito nag nagliparan ang  libu-libong mga petals ng rosas na kulay pula at tumatak ang mga titik na iginuhit ni Divha. "DESTRUCTION!!!" ang malakas na sigaw ni Divha. Mabilis na lumipad ang mga petals patungo sa Grimlets at dumikit ang mga ito sa ulo ng bawat isa sabay ng malakas na pag-sabog ng sino mang Grimlets na dapuan ng petals.

Huli na at walang nagawa si Sajidha sa bilis ng mga pangyayari. Namatay lahat ang Grimlets sa kanyang harapan. Tanging ang higanteng halimaw na mag labing dalawang ulo ng dragon ang natira.

"Mahusay ka pa din Divha! Pero hindi lahat ng pagkakataon mananalo ka sa akin." wika ni Sajidha. "HALO IMPERNO!" sigaw ni niya at mabilis lumabas ang apoy sa bawat ulo ng mga dragon na siyang humabol kina Santino at Divha.

Naghiwalay sila ng lipad pero patuloy pa din ang pagsunod ng mga bolang apoy. 

"WALL of ICE!!!" malakas na sigaw ni Santino at lumabas ang isang malaking bloke ng yelo sa harapan ni Santino na siyang pumigil sa bawat paparating na bolang apoy sa kanya. 
"HERDS of WINTER BEAR!!" isang dosenang bear na mabilis na tumakbo sa harapan ni Divha upang salubungin ang mga bolang apoy na papalapit sa kanya.

"Sajidha, itigil na natin ang hidwaang ito. Kung ano man ang nagawa ko sa'yo kalimutan na natin." wika ni Divha.
"Buhay ko'y hindi sapat para mawala ang galit dito sa aking puso. Wala kayong karapatang mabuhay mga lapastangan! Kaya heto ang inyo: "IMMORTAL SPIKES!!!" mula sa bibig ng mga dragon lumabas ang libu-libong mag spikes patungo kina Divha at Santino.  Mabilis na gumalaw si Santino sa harap ni Divha na tila nag-wu-wushu. Ang kanang kamay niya ay nakaturo sa lupa mula sa ibabaw ng kanyang ulo samantalang ang kaliwa naman ay nakaturo sa taas na nasa tapat ng kanyang dibdib. Isang malakas na sigaw ang binitiwan ni Santino: "Aaaahhh!!"  Mula sa lupa kitang-kita ng mga tao kung paano nahawi ang lahat ng spikes na galing sa mga dragon.

Mabilis na tinanggal ni Santino ang lasong nakatali sa kanyang bewang at ibigay niya ito kay Divha. "Divha, itali mo ito sa iyong tungkod." utos ni Santino. Bagamat hindi alam ni Divha kung bakit, sumunod na lang ito sa utos ng lalaki. Pagkatali ni Divha sa laso bigla itong nagliwag na tila isang bolang apoy. "Divha, hawakan mo ang aking kamay." Mabilis na lumipad sa tabi ni Santino si Divha upang hawakan ang kamay nito. "Mga ninuno ng kapayapaan, tinatawag namin kayo upang kami'y iligtas sa bangis ng kaaway. Manumbalik ang kapayapaan sa lupain na ito sa tulong ng bawat isa sa inyo." wika ni Santino. Matapos wikain ni Santino ang mga katagang ito, biglang nagliwag sila ni Divha sabay sambit: "BUTTERFLY OF PEACE!"

Ganun pa man, hindi tumigil si Sajidha: "Mga espiritong ligaw na dala'y galit at himagsik, tinawag ko ngayon upang ako'y tulungan sa mga sa isang digmaang lubhang mapanganib. Hiniling ko ang iyong lakas at patnubay upang puksain ang kaaway ay aking harapan." Isa-isang gumalaw ang ulo ng dragon at gumawa ito ng isang malaking hugis bilog. Bawat ulo ng dragon ay naglabas ng kulay itim na tila ulap na may halong kidlat. Parang isang malaking black hole ang nilikha nito sabay sigaw ni Sajidha: "ENDLESS DEATH OF DARKNESS"

Libu-libong nagni-ning-ning na mga paru-paro ang mabilis na lumipad papunta kay Sajidha, samantalang sinalubong naman ito ng maitim na tila ulap kasama ang kidlat. 

"Hindi ninyo ako matatalong dalawa. Itataya ko ang buhay ko kapalit ng kamatayan ninyo." Hirap na pinipigil nina Santino at Divha ang malakas na pwersa ng kapangyarihan ni Sajidha. 

Mula sa taas, isang tungkod na may globo ang dumikit sa tungkod ni Divha at nagwikang: "Kadiliman, ika'y di kalian man maghahari. Kasamaan mo'y aming lilipunin kaya heto ang sa'yo: "FIREFLIES OF PURITY!". Halos di nila nakita ang mga pangyayari sa sobrang liwanag. Kasabay ng paglamon sa halimaw ni Sajidha. 

itutuloy...

#ding
#divha
#darna
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin