Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [ENDING]

Chapter 12

Itinaas nya ang kanyang dalawang kamay saka nasumigaw ng: "TONIO!!!" 

Nabalot ng kaba si Ding sa kanyang nadinig at halos himatayin siya ng tumambad sa kanyang harapan ang kanyang pinakamamahal na si Tonio.

"Shit!" ang tanging namutawi sa bibig ni Ding habang pinagmamasdan si Tonio. "Kailan pa ito? Paano nangyari?" Halos litong tanong ni Ding kay Tonio.
"Naalala mo pa ba ng sasabihin ko sa'yo na may iba akong nararamdaman ng mga nag-daang araw? Noong huling araw tayong gumawa ng assignment sa inyo? Nang pauwi ako sa amin, nakita ko ang isang bulalakaw na pabagsak sa may bukid kaya dali-dali kong sinundan. Isang maliit na bato na kulay asul ang aking nakita at dahil sa pagiging makulit ng iyong kaibigan kaya kinuha ko. Nang aking hinawakan, parang sinasabi niyang isubo ko ito at wala akong nagawa kundi lulunin ang bato. Mabilis ang mga pangyayari tumatakbo ang isip ko at alam niya ang dapat gawin. Sinasabing sumigaw lang ako ng SANTINO at yun na. Gusto ko itong sabihin sa'yo pero lagi tayong walang panahon." ang mahabang salaysay ni Tonio. "Pero teka paano ka naging si Divha?" ang siyang tanong naman ni Tonio.

Inabot pa sila ng ilang oras sa lugar bago natapos ni Ding ang kanyang kwento kay Tonio.

"So ibig sabihin? Bakla ka?" Tanong ni Tonio.
"Malamang, anong tingin mo? TOMBOY?"  masungit na wika ni Ding ngunit nakangiti ito sa kaibigan.
"Well, ano pa man ikaw Ding. Kahit anong imperfections meron ka mahal pa din kita bilang matalik na kaibigan. Eh ikaw lang naman ang aking kinukuwentuhan ng mga kabobohan ko sa buhay. Actually mas kilala mo pa nga ako kesa sa pamilya ko kaya kahit ano pa man ikaw tandaan mo mahal pa din kita Ding." wika ni Tonio sabay akap sa kaibigan.
"Salamat Tonio, akala ko pag nalaman mong ganito ako iiwan mo ako."
"'Kaw pa, malakas ka sa akin in English You're stronger than me."
"Ha? Ano kamo?"
"Ito naman, joke lang."

Mula sa kanilang harapan biglang nagliwanag at biglang lumabas si Ninang.

"Syet!! Ano itech! Kalurkey!! Malingat lang ako me hugga-bear na drama? As in MGF – Me Ganung Factorization?"
"Jusme Ninang, out of the blue bigla kang mag-pa-pop. Parang jutot na di makapigil sa pang-gi-gi-gil."
"Aba! Aba! Aba! at ang hitad naglulumandi na? Ganun?" wika ni Ninang habang nakangiti. "Well, happy ako sa mga pangyayari, sino bang mag-aakala na ang love of your life ay siya ding love of her life ng alter-ego mo? Kalurkey itech!! pwedeng pang Cinema One ang drama."
"Ninang!!!?? Anovha!"
"Jusme wag ka ng maarte dyan!"
"Anong love of his life?" tanong ni Tonio.
"Ay ganun? sa haba ng chikka-galore nyo walang nasabi si Ding na ganetch? Jusko pa-demure ang lola natin? Pero I like that pa-virgin ang drama ng aking inaanak. Ang taray!"
"Ninang nakakahiya ka talaga kahit kailan!"
"Haller anong taon na para mag-pa-demure? Gorah lang ng gorah."
"Hmpf! Sabi mo sa akin datin bawal ang jowa galore pag super hero davha!!"
"Ay ganun ba?? ahihihihi!! O Zsa Zsa Padilla forget it na mga iho at half-iha! hahaha!! Heto lang ang masasabi ko. Masaya akong magkakasama na ulet sina Santino at Divha at naniniwala akong nasa mabuting kamay silang dalawa. Tandaan nyo hanggat may mga taong tulad nyo naniniwala akong walang kasamang kayang maghari. Pagkailangan niyo ako isang tawag lang ako." at tuluyang naglaho si Ninang.

"Tonio, maaring nagulat ka sa nadinig mo kay Ninang kanina. Oo humahanga ako sayo pero hindi ibig sabihin nun kailangan mo akong iwasan." wika ni Ding habang pilit na inilalayo ang tingin nya kay Tonio.
"Ding ano ka ba? humahanga lang naman ah! At kahit ano pa man tandaan mo kaibigan pa din kita. Bakit humahanga din ako sayo dahil magaling ka at saka kilala kita. At kung ang tinutukoy mo ay humahanga at mahal mo ako higit pa sa kaibigan, alam kong balang araw matutuwid mo din ang pag-iisip na yan. Sa ngayon let's enjoy our company bilang magkaibigan at sa ibang dimension naman ikaw pala ang aking syota. HAHAHA!!" wika ni Tonio sabay tawa ng malakas.

Takipsilim ng tuluyan nilang iwan ang lugar dala ang pangakong patuloy na pakikipaglaban sa mga kasamaan at ang pananatili ng pagiging magkaibigan sa isa't-isa.


-END- 

#ding
#divha
#darna
#kwen2niernie

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin