Ding ang Bato! (Ang pakikidigma ng bagong super hero?) [Chapter 9]
Chapter 9
“Luntiang ipu-ipo!” muling nabalot ang buong katawan ni Divha ng malakas na hangin at mangilan-ngilang dahon... Ilang sandali pa at muling nanumbalik ang lakas ni Divha. Magbubukang liwayway na ng bumalik siya sa kanilang bahay.
Madaling araw ng gisingin si Ding ng tila totoong panaginip: Lumilipad siya sa kawalan ng bigla siyang makakita ng isang lalaking naka-damit ng tulad ng suot niya. Nakatingin ito sa kanya habang nakalutang sa kawalan. Mabilis na lumipad si Divha papalapit sa lalaki ngunit mabilis na lumipad ang lalaki papalayo sa kanya. Isang tila nakakasilaw na liwanag ang gumising kay Ding sa kanyang pagkakahiga. Pawisan at tila hirap huminga. Ilang minuto bago siya nahimasmasan sa kanyang panaginip.
Hindi na dalawin ng antok si Ding kaya nagpasya na lang itong bumaba sa kanilang bahay para uminom ng mainit na kape.
Di pa halos nakakainom si Ding ng kanyang tinimplang kape ng biglang uminit ang bato sa kanyang bulsa kaya dali-dali itong tumakbo sa likod ng bahay nila saka niya nilulon ang bato at sigaw ng: “DIVHA DING!”
Mabilis na lumipad si Divha sa madilim at malawak na papawirin na tanging mga liwanag lang ng mga bituin at malamlam na liwanag ng buwan ang kanyang gabay.
Sa di kalayuan natanaw niya ang isang tao nakaupo habang nakalutang sa hangin. Nagliliyab ang buong katawan nito na tila isang bolang apoy. Tahimik na tila nagdarasal lang ito.
“Sino ka?” Sigaw ni Divha habang pinagmamasdan ang nagdarasal na nilalang sa kanyang harapan.
Ilang minuto bago tuluyang tumayo ang babae sa kanyang harapan. Pulang damit at puting sapatos ang suot nito at may pakpak na mas malaki at mas mahaba kumpara sa pakpak ni Divha. Maganda ang babae na nakalugay ang buhok. Mula sa kanyang leeg ay may nakataling mga beads na tila rosaryo. Wala siyang dalang tungkod na tulad ng kay Divha ngunit dala niya ay espada na nakalagay sa kanyang likuran.
“Kumusta na Divha. Di mo ba ako natatandaan? Sinong magaakalang dito ka namin matatagpuan. Ang alam ng lahat patay ka na, ngunit heto ka sa aking harapan at buhay na buhay. Bakit nga ba namin masyadong minaliit ang kakayahan mo? Pero sisiguraduhin kong ito na ang katapusan mo.” Wika ng babae sabay tawa ng malalakas...
“Sino ka ba? At bakit ninyo ginugulo ang lugar na ito? Bakit ninyo ako kilala ganung di ko kayo matandaan?” tanong ni Divha.
“Ako si Sajidha, ang magandang mandirigma mula sa ika-dalampu’t-pitong Imperyo. Narito ako para patayin ang nahuhuling mandirigma ng ikadalapung imperyo ng Morta, at ikaw yun Divha.”
Nagulat si Divha sa kanyang mga narinig, di man niya lubos maunawaan ang mga sinasabi ni Sajidha sapat na yun para ipagtanggol ang sarili.
“Kung sino ka man di ako papayag na mapatay mo ako. At lalong di ako papayag na guluhin ang bayang ito o kahit alin man sa mundong ito. Narito ako para ipagtanggol ang mga tao.”
“Siya nga? Subukan natin.”
Mabilis na lumipad si Divha papalapit kay Sajidha. Mula sa kamay ni Sajidha lumabas ang nagaalimpuyong bolang apoy. Mabilis nitong ibinato sa papalapit na si Divha. Huli na para makaiwas si Divha sa papalapit na apoy, mabuti na lang naharang ng kanyang isang kamay kaya hindi siya masyadong nasugatan.
Buhat sa pagkaktayo ni Sajidha, mabilis itong lumikha ng tila ipo-ipong apoy na mabilis lumapit kay Divha. Isang malakas na sigaw: “SHIELD!” ang wika ni Divha para maharang niya ang nagbabagang apoy. Tila isang dambuhalang apoy ang pilit na pinipigil ni Divha. Hirap man siya pero pilit niyang hinaharang ang malakas na apoy. Mula sa lupa tila isang napakalaking sunog mula sa langit ang nagaganap. Madaling araw man, ngunit may mga ilang taong kitang-kita ang nangyayari kina Divha at Sajidha.
Habang pilit na pinipigil ni Divha ang malakas ang apoy tila nanlilibak na mga tawa ang binitiwan ni Sajidha.
“Ano Divha... Kaya mo ba? Huwag mong sabihing di mo na kaya. Ikaw pa naman ang natitirang pag-asa ng Imperyo ng Morta.” Wika ni Sajidha sabay tawa ng malakas.
Pilit na hina-harang ni Divha ang nagbabagang apoy na dulot ni Sajidha.
Ilang minuto bago itinigil ni Sajidha ang ipo-ipong apoy kay Divha. Hirap man siya pero pilit niyang ipinakitang hindi siya patatalo. “LIGHTNING AND THUNDER!!!” tila nabalot ng kidlat ang buong katawan ni Divha saka niya ibinato sa kalaban. Mabilis na naharang ni Sajidha ang ibinato ni Divha sa kanya.
“Yan ba ang ipinagmamalaki mo? Heto ang sa’yo.” Mula sa kanyang kamay ay naglabasan ang mga spike na siyang ikinagulat ni Divha. Naiwasan man niya ibang ngunit may isang tumama sa kanyang tagiliran na nagpadugo kay Divha. “Ano na? Simpleng sugat di ka na makalaban? Wag mong sabihin sa simpleng sugat na yan di ka na lalaban sa akin? Ayaw ko namang maging unfair ang laban natin. Sige hahayaan muna kitang gumaling bago kita balikan.” Mula sa kinatatayuan ni Sajidha bigla itong naglahong parang bula tanging mga huling halakhak na lang ang narinig ni Divha.
“Luntiang ipu-ipo!” muling nabalot ang buong katawan ni Divha ng malakas na hangin at mangilan-ngilang dahon... Ilang sandali pa at muling nanumbalik ang lakas ni Divha. Magbubukang liwayway na ng bumalik siya sa kanilang bahay.
itutuloy...
#ding
#divha
#darna
#kwen2niernie
Mga Komento