Mga Post

JAPOPO con yelo

Babala: Ang susunod na akda ay hindi magandang basahin habang ikaw ay kumakain dahil ito ay magdudulot sa iyo ng pagkawala ng gana sa pagkain... Pero kung mapilit ka…walang makakapigil sa'yo.. (PABEBE lang peg?!)   Noong bata pa kami wala naman kaming mga laruan na masasabi mong hitech. Hindi tulad ngayon ang mga bata naka-ipad o naka-tablet na. Noon kami, lata tapos lalagyan ng tsinelas na binilog sa tabihan instant truck na... saha ng saging na-finold o kahoy na-nicurve may instant baril... plastic bag na lalagyan ng tinapay na tinalian ng sinulid sa apat na sulok instant parachute na... foil ng sigarilyo ilagay mo sa ngipin instant braces.. hahahaha!!! Pero sa dami-dami ng mga kalokohan noong bata kami, itong susunod kong kwento ang pinaka-weird sa lahat.   Iilan lang ang bahay noon sa lugar namin (likod ng school ng Laurel). Siguro mga sampu lang ata kung hindi ako nagkakamali (Tiya Cely, Kakang Juana, Ate Tore, Kakang Atang, Nanay Osay, sa mga Nanay, sa amin, Tiya Iska, a...

Mga lihim sa likod ng iyong panaginip.

Minsan hindi ka ba nagtatanong kung ano ang ibig ng iyong mga panaginip? Yung magigising ka sa madaling araw at mapapaisip ka ng: Sh!+ ano kayang ibig sabihin ng aking panaginip. Ngayong araw sisilipin natin ang mga lihim sa likod sa iyong panaginip. Sa pamamagitan ng aking makintab na bunbunan sisikapin kong hulaan ang mga lihim sa likod ng inyong panaginip.   1. Yung lumilipad ka pero may humihila ng iyong paa. O wag mong i-deny pak na pak ito. Halos ata ng kakilala ko may ganitong panaginip and for sure ikaw din. Wag mong sabihin na espesyal ka at di mo ito naranasan. Di ba kaloka, ready to fly ka na pero may mga taong pilit kang hinihila pababa. Yung kahit anong pilit mong tadyak sa mga hayuff hindi pa din sila bumibitaw sayo... mga linta ng lipunan lang ang peg? hahaha!  Analysis: Ayon sa aking mahiwagang bolang krystal tandaan mo ang mukha ng mga taong humihila sayong paa dahil sila ang mga taong humihila sa'yo pababa para di mo ma-achieve ang mga pangarap sa buhay. Kung...

Kasal-Kasalan

Noong hindi pa ako nag-aasawa, napaka-simple ng aking idea ng pagpapakasal. Kailangan mo lang ng damit, pari, simbahan, food, singsing at syempre mapapangasawa. LOL! Siguro dahil ito ang aking nakalakihan. Hindi ko narealized na sobrang daming dapat asikasuhin pag ikaw na ang ikakasal until sa pinaka maliit na details na kasal (example: font na gagamitin sa mga invitations, ang kulay na isusuot, etc.) I'm glad super OC-OC si misis. hahaha... she nailed it.  Hehehe!  **good job Boo. #proudhusband**   Para sa mga hindi pa nakaka-dalo sa kasalan sa nayon/probinsya, itong kwento kong ito ay para sa inyo. Ito ang mga karaniwang makikita sa kasalan sa bukid.    1.) Pamumulong - ito yung pumupunta ang pamilya ng lalaki sa bahay ng babae para pag-usapan ang araw ng kasal. Jusme buong angkan ng lalaki ang pumupunta sa bahay ng babae dala ang maraming pagkain, may malagkit, baboy, pancit, at kung anu-ano pa. Sabi nila kaya daw may malagkit nakakanin (eg: biko, suman etc) ...

Bigas Bigas Paano Ka Ginawa

Tayong mga Pilipino hindi tayo mabubuhay kung walang kanin sa ating lamesa, aminin nyo yan! Kesehodang walang tubig o ulam basta't may kanin naku solb na solb na tayo.. as in talo-talo na #taobkaldero #ubostutong. Kahit kanin na may toyo lang o asin.. PAK na PAK na! pag sinamahan mo pa ng hawot (tuyo) at kamatis... spell HEAVEN. hahaha... ang sarap eh! lalo na yung kanin na sinabawan ng mantika ng baboy pag fiesta!!! ika-pitong gloria ang sarap. hahaha!!! (kumusta naman ang FATNESS!!! hahaha!! #putokbatok sa high blood).   Marami sa atin na hindi na naranasan ang hirap kung paano nagkakaroon ng masarap na kanin sa kanilang lamesa. Ngayon kasi punta lang sa grocery o palengke tapos bibili na lang ng bigas. Ganun na lang... walang effort kung paano ito inaani.  Pero alam nyo ba noong bata pa kami bago ka makakain ng kanin eh talaga namang... hello #slavery, #childlabor ang labanan... hahahaha... Hindi mo pwedeng sabihing bata ka at hindi ka sasama sa bukid or else makakatikim ka...

Buhay sa Probinsya 101: Maglaba sa ilog (The Vargas River Edition)

Masasabi kong napaka-swerte ng mga bata ngayon lalo na kung paguusapan ang paglalaba ng damit. Ngayon may mga washing machine na. Ilalagay mo lang ang maduming damit at viola!!! pagkatapos ng ilang minuto o isang oras tapos na ang labada at isasampay mo na lang... at kung talagang bonggagious ka... may mga dryer na din ngayon na pagkatapos ng labada.. tuyo na at pwede ng isuot kung ayaw mong plantsahin. hehehe.. pero sa akin... kailangan kong plantsahin... hahaha... takot ilagay sa cabinet ang lukot na damit. LOL!   Anyway, noong bata pa kami di uso ang washing machine. haller!!! welcome ko ilog o poso ang beauty namin. hahaha... Pero pinaka-bet ko ang ilog...hahaha!!! as in inaabangan ko ito noong bata pa kami.    Isang beses isang linggo ang paglaba ng mga damit kaya naman pagdating ng Sabado naghuhumiyaw ang labada sa bahay. hahaha... Jusme ang mga damit pa noon ay suot sa pag-aani sa bukid kaya naman ang tubal (dumi) sa damit ay wagas na wagas... hahaha.. kahit si Mr....

Manunupot

Bawat bata sa mundo, mahirap man o mayaman siguradong lumaking may kinatatakutan. Yung iba takot sa multo, yung iba takot sa magulang, yung iba takot sa ahas o insekto, pero noong bata pa kami ang kinatatakutan naming lahat ay ang MANUNUPOT (Oh! davah... tawag pa lang di mo alam kung matatakot ka or matatawa.. hahaha!)   Naalala ko pa noon, isa pa lang ata ang may jeep sa aming lugar kaya alam na alam namin pag may naligaw na bagong sasakyan sa lugar namin. Jusme imagine mo naman, pag nakasakay sa jeep at nakadating ka ng bayan... haller!!! ikaw ang pinaka-sikat sa mga kalaro mo. hahaha... kaya nga noon sabi ng kaklase sana daw magkasakit siya para dalhin siya sa bayan at makasakay ng jeep. hahaha!!! Oh di ba.. ang dasal namin noon magkasakit at ma-confine sa ospital. hahahaha!!! Feeling namin noon sosyal na sosyal na pag nakadating ka ng bayan. hahahaha!!! kaloka talaga ang mga bata... kung ano-ano ang mga naiisip... Mas sosyal kung na-confine ka sa Ospital... ang lambot ng higaan...

Tiyo

Magandang gabi po sa inyong lahat. Siguro sa mga hindi pa nakakilala sa akin: ako po ay anak ni Esing. Si Esing po ay ang natitirang buhay sa magkakapatid nina Fiscal na kasalukuyan pong nasa Estados Unidos. Sa kasamaang palad po ay hindi siya makauwi dahil patuloy po ang dialysis niya sa kanyang kidney. Parang kailan lang sa ganitong pagkakataon din tumayo ako sa harapan ng maraming tao para magbahagi tungkol sa buhay ng tatay noong Pebrero ng siya sa pumanaw. Heto na naman ako matapos ng halos pitong buwan magbabahagi na naman ako ng buhay ng isang taong naging malaking bahagi ng aking buhay at umaasa akong huli na ito sa panahon na ito dahil parang hindi ko na ata kakayanin pang magsalita sa harap ng maraming tao para magbigay ng huling paalam sa taong mahal ko. Sa tuwing iniisip ko ang Tiyo ito ang ilan sa mga alaala na hinding-hindi makakalimutan. - Owner jeep na stainless - puting buhok - New Years Eve (Bagong Taon)   Halina't samahan ninyo akong balikan ang mga alaala ko tun...

Nang Bangungutin ang Superhero

Naranasan nyo na bang managinip ng sobrang weird? Kaloka di ba? Minsan pagnatulog ka sa bus/jeep/train tapos bigla kang mananaginip na tumalon ka sa bangin, di ba bonggang-bongga kang tatalon sa kinauupuan mo? hahaha... jusme!!! minsan para hindi masyadong nakakahiya pagbigla kang tumalon sabay pikit ulet para hindi halata pero deep inside sabi mo sa sarili mo: shxxt ang tanga-tanga ko.hahaha! minsan gusto mo na lang mawala sa kinauupuan mo. hahaha... O di kya minsan ang panginip mo may sinuntok ka! as in nangyari ito sa akin... hahahaha... mega long sleeves at todo porma pa naman ako pero nanaginip ako na may sinuntok...LOL!!! yung katabi ko sa train nagulat... hahaha!!! pero ako balik tulog ulet. LOL!!! pero deep inside feeling ko ang tanga-tanga ko. hahaha.. Oh well, hindi ako perfecto may mga kahinaan din ako. hahahahaha!!! Pero minsan sa sobrang sarap ng tulog ay kaloka yung tumutulo ang laway. hahahaha!!! level-up talaga ito. jusme!!! parang sauce lang na lumalabas sa botelya pag...

Tigang na pagiisip

Anong petsa na wala pa din akong nasusulat dito. LOL! Ilang beses ko na naman pinilit sumulat kaso talagang wala ng lumalabas sa aking utak. LOL! Oh well as if naman may utak talaga.  Kaloka paulit-ulit ko ng gumawa ng kwento kaso parang walang patutunguhan kaya di ko na lang ginagawa. hahaha... Jusme feeling ko nga ang buhay ko ay 711... bukas bente quatro oras...hahaha... Minsan nga may nasabi sa akin, kumusta na si ganito.. kumusta na si ganyan... sabi ko paano mo laman? sabi ba naman sa akin sa Blog mo! LOL!!! Oh di ba minsan di ko na alam ang mga ikinukwento ko sa blog ko... hahaha... sukdulang ibenta ko na ang sarili ko at maka-relate lang kyo. hahaha..  Mahirap din pala ang masyadong sikat ang daming nag-e-expect. hahahaha... Feeling Forevermore lang peg? Me ganun level? hahaha... Kidding aside minsan may magsasabi sa akin Bakit wala ka pang entry sa blog mo? KALOKA!!! Ganun kasikat??? nag-aabang ang mga readers? hahaha.. Pero mahirap din infairness kasi kailangan...