THE NEXT day!

Sabi ko nga wagi ang aking acting award dahil sa aking MC... hehehe... though halos mag-hapon din akong nasa phone... okay lang atleast wala ako sa office... :)

Heto pagpasok sa office... grabe ang dami-dami kong email na halos tumigalgal sa aking ulirat... "SEE ME TOMORROW MORNING.." "YOU NO LONGER ALLOWED TO HELP OTHER TEAM.. etc.. etc.. etc..." Halos ma-lost in translation ang inyong abang lingkod... Grabe lahat ng tao nakatingin sa akin.. lahat sila nagtatanong... so totally wala akong idea... at yun na at tsinugi ako sa aking kinauupuan sa tabi nina Raquel at Stan... grabe isang araw lang po akong nag-MC at ang dami-daming nangyari... at take note nag-away po ang mga boss dahil wala ako... WOW.. feeling ko kagalingan ko... eh jusko kahit PREP kaya ang ginagawa ko dito sa office... as in sobrang napaka-immature talaga ng aming panginoon dito.. sobrang laki talaga ng politika dito... as in katakot talaga...

Sorry, I cannot describe it in details kasi ako man hanggang ngayon ay hilo pa din kung ano bang nangyari... Ang alam ko lang di ko na pwedeng tulungan sina Stan sa kanilang mga Production/UAT cut-overs (as if naman malalaman nila na di ko tinutulungan... hahaha... haller!!! eh close friends ko kaya ang mga yun dito.. mas mahalaga sila kesa sa boss noh... hahaha..)

Minsan iniisip ko.. di ba talaga ako pwedeng mag-kasakit... :( Tao naman po ako... kahit mukha akong dragon minsan... :(

This coming June 8, dapat uuwi ako ng pinas to surprise my family before they move to US (as in wala na po ang family ko dun.. sina Cha-cha at Hercules na lang ang matitira sa bahay... yng dalawang makulet naming aso... wawa naman sila... sabi ni nanay manganganak pa naman daw si chacha ngayon...) Yun dahil di ako pinayagang mag-leave sa office ko maihahatid sina nanay sa airport going to US...

So far mainit dito sa opisina.. anytime feeling ko me magpapaalam... hahaha... :) Basta ako I'm waiting for something before I resign.. after that something... pusposang paghahanap na talaga ako ng trabaho... sukdulang i-give-up ko ang Naruto marathon ko gagawin... hahaha... :)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin