PRETENDING

Sabi ko nga papasukin ako ng boss ko ng Saturday at Sunday pero knowing me.. hehehe.. dami ko kayang gagawin ng weekends at saka, why do I need to go to the office wherein that's the only time to rest and enjoy life, isn't it? hehehe... Okay! okay... most of people in our company pumapasok ng sabado at linggo... ewan ko ba kung bakit pero di maganda talaga ang kultura dito sa opisinang ito... :) parang di na makatao talaga... well, okay lang pumasok kung ma-o-offset mo yung araw na ipinasok mo or may OT pay... pero all of them are just a dream... hhaayyy!!!

Anyway, sabi ko nga me sakit ako... :) though I can go naman sa office pero di talaga ako pumasok... :) Imagine nakapunta pa ako ng Lucky Plaza at naka pag mall pa.. hahaha.. tapos noong afternoon punta me sa SFC... at heto ang malufet... saktong pagbaba ko ng MRT station, tumawag ang lola Rosa Rosal mo... :) syempre dapat medyo soft voice ka at tipong halos katapusan na dahil me sakit ka... :) O heto ang scenario:

Rosa: Renie ha.. I check with you ha... Can you come to the office?
Renie: Hmmm.. I cannot come... Actually I'm going to the clinic now.. (soft voice with paawa effect... hahaha)
Rosa: Because we have some cut-over today to finish... blah! blah!
Renie: Just ask someone to call this number and I will guide hime over the phone...

Ilang minuto tumawag ni Boy Ngongo (sorry yun na lang ang code name ko sa kanya..) Jusko, sa dami-dami tao sa office si Boy pa ang tumawag sa akin... Grabe, kung ikaw ang kakausap sa kanya mauubos ang pasencya mo... di kayo nagkaunawaan... Taga bansang Tsina po cya at talaga namang pagkatapos mo cyang kausapin for sure dugo ang dapat dumugo sayo.. [masama ang ugali ko... hehehe]

So dahil wala naman akong choice siya ang kinausap ko... sa simula mahina ang boses ko feeling me sakit... hahaha... aba after few minutes nagsisigawan na kami sa phone... hahaha... :) kasi ba naman ang kupal-kupal... sabi ko ng wait lang kung anu-ano na agad ang pinundot sa computer kaya puro error... yung simpleng mga 10minutes request umabot kaming dalawa mahigit isang oras sa telephone... promise... feeling mag-syota ng bwisit... kainis talaga... as in pulang-pula ang tainga ko after... :( Pero okay lang di na ako pinapasok hanggang Sunday.. bbwwwhhahahahaha... :) WINNER na naman ako... hahaha... :) [sobrang sama talaga ng ugali... hehehe]

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin