Mga Post

Lee Kuan Yew (1923-2015)

Noong ika 23-Marso sa ganap na  03:18  ng umaga (GMT), niyanig ng isang balita ang Singapore na nagbigay lungkot sa bawat taong naninirahan dito o maging dayuhan man na katulad ko. Ito ang araw na pumanaw ang nagbigay kahulugan sa salitang Kalayaan sa Singapore: ang pagpanaw ni Lee Kuan Yew (LKY). Sa mga hindi nakilala kay LKY, siya ang naging silbing AMA ng mga Singaporean noong panahon na humiwalay ang isla ng Singapore sa Malaysia. Siya ang nagbangon sa Singapore mula sa 3rd world country hanggang maging 1st world country. Kaya ganun na lang ang hinagpis ng bawat tao noong araw na siya ay lumisan. Malungkot si Uncle Eddie (ang aking taxi driver sa loob ng halos apat na taon) noong lunes nang sumakay ako sa kanyang taxi. Bakas sa kanyang boses ang lungkot habang ikinukwento niya ang buhay nila noong panahon na walang-wala ang Singapore kaya ganun na lang ang kanyang respekto kapag pinaguusapan namin si LKY. Hindi ko man tahasang kilala si LKY pero ang kanyang mga nagaw...

Halimuyak sa loob ng bus

Noong bata pa kami wala pa masyadong sasakyan sa bukid kundi kalabaw, baka, kariton, gabay, karitela, at paragos (oh! nose bleed na agad? simula pa lang ng kwento? hahaha!) I'm telling you kung exotic at exotic lang ang paguusapan sobrang exotic ang buhay sa amin noon. Anyway, dati kung gusto namin makakita ng sasakyan tulad ng bus ginagawa naming magpipinsan aakyat sa mataas na puno tapos doon kami maghahanap ng daraaan na bus sa may Calamba. LOL!!! Pag ngayon ko ito iniisip natatawa ako sa sarili ko, para kaming mga tribu na hindi pa naabot ng sibilisasyon. hahaha! Nakakatuwa pa dati kasi unahan kaming makakita ng bus habang nakaupo sa sanga ng puno ng mangga. Oh Di ba mga unggoy lang ang peg? hahaha! Kaya ng makatapos ako ng pagaaral ng High School at nag-moved ako sa Manila para ipagpatuloy ang aking koleyo.. ay neng!! sosyalan na! hahaha!! bonggahan galore.. hahaha! Hindi na basta-basta... ganung level!!! Pero heto ang hitsura ko dati: - naka-polo akong pumapasok sa sch...

Burol 101

Naranasan nyo na bang umattend ng burol sa probinsya? Ay neng kung hindi mo pa na-try I'm telling you gu-gustuhin mo na lang sumama sa sa naka-burol sa dami ng mga bawal.  Noong nakaburol si tatay dito ko nalaman na ang aking kaalaman tungkol sa burol ay WALA!!! as in ZERO!!! BOKYA!! BETLOG!!! Kaya samahan ninyo akong balikan ang BUROL 101 experience ko sa probinsya. Ang mga pamahiin na talagang hindi ko maisip kung bakit! hahaha! 1.) Bawal mauntog ang patay na nasa kabaog. - For example: Galing punerarya ang patay matapos embalsamo at bihisan, tapos ilalagay na sa bahay para sa burol...habang inaayos biglang maba-bump somewhere ang kabaog ng patay. it's a NO NO Policy. Ay jusme, hindi ko maisip kung bakit bawal. Bakit sensitive ang patay? Maselan at baka mabukulan? Me ganun? Kung kailan natigok saka naguumarte? paki explain! 2.) Bawal kumain ng pagkain na gumagapang. - For example: kalabasa, sitaw and alike. Ay! namatayan na nga choosy pa sa pagkain? Kalo...

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Magandang gabi po sa inyong lahat. Sa mga hindi po nakakakilala sa akin, ako po yung bunsong anak ng tatay na lalaki na nakatira sa Singapore. Sa totoo lamang po, mahirap magsalita sa harapan sa mga oras na ito, siguro marahil ganun po talaga pagdumating ang panahon na naiwan tayo ng mga taong mahalaga sa atin. Nawawalan tayo ng mga sasabihin. Pero ganun pa man, pipilitin kong magbigay ng huling salita para sa tatay mula sa amin ng mga inay, ate vangie, ate ellen, ate pilar at ate irene… kasama ang aming mga asawa at mga anak na maiiwan ng tatay. Dahil mahilig akong gumawa ng mga kwentong buhay sa facebook… siguro magandang gumawa din ako ng kwento para sa tatay. Bibigyan ko ito ng pamagat na: Si Pareng Talino sa mga mata ni Erniebol. Kapag niloloko ko ang tatay at ang inay tawag ko sa kanila ay Pareng Talino at Kumareng Esing at dahil kinalakhan ko din na tawag sa akin ng mga tao dito ay ERNIE kya Ernibol na sabi ng nanay ay Ernibol Pito ang bulbol. hahaha! Title: Si Pareng T...

Bakit tatanga-tanga?

Sa mga nagtra-travel palagi, alam na alam mo yung pers tym na nag-travel. Ang sarap-sarap pakinggan ng kanilang mga experiences. Ako naman bilang etchocherang froglet ay talaga namang wagas kung makinig sa mga kwento nila. hahaha!  Nakaupo sa mabahang upuan na pawang mga pinoy ang naka-upo at naghihintay para maka-board sa eroplano. Yung nasa dulo ay magasawang matanda, pagkatapos si ate, tapos ako, si kuyang may pagkamanyakis, at si ate na pa-flirt kay kuya. hahaha… Sa loob ng 30 mins na pagkakakupo ko sa tabi nila ay talaga namang wagas na wagas ang latest tsimis na aking nasagap. hahaha… sorry na lang sila dahil sila ang topic ng aking “NATULOG” na blog. LOL! Si ate na pa-flirt, mega accent ang bakla ng kanyang Aussie Aussie OI OI accent. kaloka!!! Mega chikka cya sa kanyang 3 months journey sa Melbourne, Sydney, at Tazmania. At ito naman si kuyang manyakis hindi nya mapigilan ang kanyang pang-gi-gigil kay ate at sumabat pa siya with his husky voice. LOL!!!  Kuy...

Mahina ang Signal

Makabago na ang panahon ngayon. Masasabi kong talagang hightech na tayo sa ngayon, pero alam kong darating ang panahon na mas magiging hightech pa ang pamumuhay natin. Malay mo balang araw lumilipad na talaga ang mga sasakyan! Oh! di ba! ang sosyal! Pagtinanong ka kaibigan mo kung saan ka pupunta. Sasabihin mo mag-fly lang ako sa North Pole bukas gamit ang new car ko... HONTARAY!!! sosyalan ang labanan!! bawal ang mga mahirap. hahaha.. well, atleast wala ng tatanga-tangang masasagasaan sa kalsada kasi lahat ng sasakyan ay lumilipad na. LOL! Kaso maraming magsasarang insurance company. LOL!!! (ito naman ay prediction ko lamang!) hehehe! Pero bago naging hightech ang panahon natin ngayon... dumaan tayo sa panahon na feeling natin super hightech na pero pagmagbabalik tanaw ka parang maiisip mo.. OhEMGee!!! Super BARRIO-tic ang panahon natin noon. LOL!!! Super LOW TECH galore! hahaha! Naalala ko pa ng panahon ng magkaroon kami ng TV sa aming bahay. Ay neng!! sosyalan may remote co...

Thanksgiving

Thanksgiving November na naman at syempre ito ang buwan ng Thanksgiving sa US. Infairness nakaka-miss ang Thanksgiving sa tate (US) kasi talagang pinaghahandaan ito ng lahat.. kesehodang wala ng handa sa pasko basta sa Thanksgiving dapat bongga talaga ang labanan. Kung sa amin yan sa Batangas, yun tipong halos mabaon na sa utang tuwing pista basta may maihanda lang sa lamesa para sa mga bisita... hehehe.. parang ganun ang drama ng Thanksgiving sa tate. "BONGGAHAN!!!"  Gusto-gusto ko yung BLACK FRIDAY natinatawag sa tate. Noon iniisip ko kung bakit Black Friday, dahil dapat ba naka-black ang lahat pagdating ng Friday? Ay neng noong nagpunta ako sa tate ng Black Friday doon ko na laman ang ibig sabihin... hehehehe... Jusme talagang MAGDIDILIM ang paningin mo pagdating ng Black Friday sa dami ng SALE. hahahaha!!! Kesehodang ma-excess baggage pagbalik sa SG basta makabili ng sobrang murang bilihin. hahahaha... kaskas dito, kaskas doon ng credit card... hahaha.. walang ...

Pamahiin

Title:Pamahiin Tayong mga Pinoy ang dami-dami nating mga pamahiin na talaga namang mapapaisip ka minsan kung tama ba ito o mali.  Jusme lumaki kmi sa bukid at talaga naman ang mga pamihiin pwede mo ng i-compile at gawing isang libro ng mga hokus-pokus sa sobrang dami.. Alam mo yung mga libro ng mga mangkukulam... parang ganun... pwede mo ng ilagay sa libro sa sobrang dami. Kulang na lang pagumutot ka talagang dapat mayroon na proper timing baka malas ayon sa pamahiin. kaloka!!! hahaha... Pero aminin man natin o hindi ang mga pamahiniin ay isa sa mga naghulma (mold) sa ating pagka-Pilipino. Halina't himay-himayin natin ang ilan sa mga pamahiniin na ating kinalakihan... 1.) Iwasan ng babaeng buntis na umupo sa pintuan o hagdanan dahil mahihirapan daw ito kapag manganganak. Komento: Jusme eh kung di ka talaga naglalakad-lakad at paupo-upo ka lang sa hagdaanan eh talaga namang mahihirapan kang manganak... kaloka!!! galaw-galaw neng!!! wag kang tamad ha! yan ba ang itutur...

Bully!

Ewan ko pero bakit ang mga bata lahat ng mga kalokohan sa buhay ay alam na alam nila. Ang galing magbigay ng mga codename sa mga kaklase, sa titser at sa lahat ng bagay. Halimbawa kung medyo hiwa-hiwalay ang ngipin mo (tulad ko) sasabihin.. “Exam araw-araw? one seat apart ang drama ng ngipin! bawal kumopya sa kaklase?” . Jusme bata pa lang talaga namang maagasan sa stress sa school sa mga kaklase mong bully… hehehe.. Pero ang hindi ko malilimutan sa lahat at talaga namang nagbigay buhay sa aking kabataan ang susunod kong kwento. hehehe. Halos lahat na ng pang-aalaska ng mga kaklase kayang kaya kong sakyan kaya parang boring akong alaskahin kasi wala naman makukuha sa akin. hehehe… haller knowing me numbero uno akong alaskador. Pero isang araw itong pinsan ko may natutunang kalokohan at dito ako hindi nakaligtas. Pinsan: “Oto, punta ka dine? bilisan mo.” **Oto ang tawag sa akin noong bata… pls wag nyong dagdagan ng T sa dulo OTOT na yun..** Dali-dali akong pumunta sa pinsan ...

Sando + Pekpek Shorts + Sandals = ???

Sabi nila ang mundo ay katulad ng isang malaking bukas na aklat, kaya kung hindi ka nagta-travel you will remain sa first page ng aklat ng iyong buhay. Noong panahon na nakatira pa ako sa Pilipinas pakiramdam ko noon okay na ako, sapat na ang pakakilala ko sa mundo na aking ginagalawan pero noong magsimula akong lumabas ng bansa at simulang libutin ang mundo nakita kong marami pa palang bagay ang hindi ko alam. Napakasarap maglakbay sa ibang bansa; iba’t ibang experience ang iyong mararanasan pero higit sa lahat gustong gusto ko yung kultura ng bawat bansa na aking napuntahan. Masasabi kong bawat bansa ay may kani-kanilang  kulay ang kultura. Anyway, bago patayo  pumunta sa Geography na class which is hindi yun ang topic ko ngayon ititigil ko muna ang pagsulat tungkol sa sibika at kultura. hahahaha… Hayaan ninyong ibahagi sa inyo ang kwento nakatawang kwento noong una akong mapadpad sa NY last 2012. hehehe.. It was November that year at nagsisimula ng lumamig ang panah...

Magbiro ka na sa lasing wag lang sa baliw!

Sabi nila (mga banyaga) ang Pilipinas daw ay bansa ng mga masayahing tao sa buong mundo, pero pansin ko lang parang ang daming baliw na nagkalat sa lansangan ng Maynila. hehehe.. mukhang nasobrahan ata ng saya hanggang tuluyan ng mabaliw. LOL! Noong college ako, marami akong nakikitang baliw sa kahabaan ng Taft Avenue lalo na sa may Luneta Park since katapat lang ito ng Adamson. Pero dati-rati wala naman silang pakialam sa mundo kasi may sarili naman silang mundo. LOL! Pero masasabi ko lang, ingat ka sa kanila dahil baka sa kanilang mundo isa kang halimaw at ikaw ang kanilang patayin. hahahahahaha! Isang araw matapos ang aming klase sa school sabay sabay kaming uuwi na mga taga Quezon City para masaya kami sa jeep. Di ba ganun naman talaga?! Pagmakakasama kayong magkakaibigan sa jeep for sure riot sa kwentuhan at tawanan... keber na kayo sa mga kasabay ninyo... hehhehe.. Anyway, kwentuhan kaming lahat habang naglalakad patawid sa opposite side ng Sta.Isabel na school since doon umi...

Mag-DO muna bago kumain ng saging (mga kwento sa likod ng EASTars

Wala ng cheering this year! Ito ang sabi amin. Nakakalungkot kasi ito ang nagbibigay buhay sa Sportfest. Amin man natin o hindi, ibang level ang pagiging competitive ng mga tao sa community at talagang kailangan mong i-stretch at pigain ang creative juices sa utak mo. Hindi kailangang basta-basta lang... they will push you more para mag-excel at you need to produce and di basta-basta. A month before the Sportsfest... They decided to have cheering competition again! YYeeeeeeeehhheeeyyy!!! And here is Toots the text brigade master. hahaha.. at talagang excited much!!! During our initial meeting we said na di na kami sasali if we have enough na tao since Hallerrrr!!! quota na ang age namin para mag-cheerdancer... di na kaya ng Anlene Milk para patatabayin ang aming mga maseselang buto. LOL!!! But after naming mangulit sa lahat ng pwedeng mahatak para mag-cheerdance... the usual scenario ng EAST... "Kulang sa tao!" So wala na naman choice ang mga Antiques (matatanda na!!!)...