Mga Post

Pamayanan sa paligid ng Mababang Paaralan ng Laurel (tanong 1985-1990)

Paalala: Ang inyo pong mababasa ay may konting kahabaan, maaring hindi inyo ito magustuhan pero yung mga taong naranasaan ito sa kanilang buhay alam ko matutuwa sila.  Pag-iniisip ang 1985, parang kailan lang, pero pag-binilang ko, OMG!!! 30-35 years ago na pala yun!!??? Ang bilis-bilis ng panahon. Matanda na talaga ako. hahahaha!! Anyway, ngayong araw na ito, iguguhit ko sa inyong isipan ang hitsura ng pamayanan sa paligid ng mababang paaralan ng Laurel (Tanauan, Batangas) noong taong 1985-1990 (higit-kumulang). Gusto kong ikwento ang lugar na ito dahil balang araw makakalimutan ng madaming tao ang hitsura ng lugar dahil sa lahat ng mga pagbabagong nagyayari sa paligid nito. Minsan iniisip ko kung ano ang hitsura ng lugar namin noon 1900, wala naman akong makitang larawan o kahit anong nailathala kaya sisimulan ko sa panahon na aking naaalala para pagdating ng panahon may babalikan ang mga tao. Halina't samahan ninyo akong magbalik tanaw sa baryo ng aking kinalakhan. Sis...

Ugat ng lahat ng kasamaan

Noong bata pa ako laging kong nadidinig na ang pera daw ang ugat ng lahat ng kasamaan sa mundo. Kasi pag may pera ka magagawa mo ang lahat ng gusto mo: ang luho, ang pagiging ganid o makasarili, mapagmataas, at kung anu-ano pa. Totoo naman di ba? Minsan ang tao pag naging mayaman o mapera nagbabago talaga ang ugali, marahil sumasabay sila sa agos ng buhay. Noong mga nag-daang buwan, ewan ko pa parang hindi ito mawala-wala sa isip ko. Pakiramdam ko kasi sa panahon natin ngayon hindi na pera ang ugat ng lahat ng kasamaan. Marami na tayong nakikita o kilala na mayaman na ginamit ang kanilang pera para makatulong sa mga mahihirap, tumutulong para sa komunidad, tumutulong para mapa-angat ang estado ng buhay ng ibang tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarships sa mga kabataang hindi makapag-aral dahil sa kakulangan ng pang-matrikula, pagbibigay ng mga aklat o computer para sa mga eskwelahan na hindi nabibigyang pansin ng gobyerno, may mga NGOs tayo para sa pagpapatayo ng mga bahay ...

Tiwala at Pag-asa

Ika-tatlo ng Agosto, araw ng Sabado ng lisanin ko ang bansang Singapore na naging tahanan ko sa loob ng higit labing apat na taon. Hindi ko malilimutan ang araw na iyon, kasama ang mga malalapit na mga taong naging bahagi ng aking paglalakbay kahit sa huling sandali ay hindi nila ako iniwan. Lungkot at takot ang bumabalot sa akin ng mga oras na iyon. Lungkot dahil iiwan ko ang madaming taong naging malaking bahagi ng aking buhay at higit sa lahat ang aking pamilya. Hindi ko maiwasang pumatak ang mainit luha mula sa aking mga mata pababa sa aking pisngi. Pero kailangan kong magpakatatag. Ito ang laban na hindi kailangang sumuko. Takot ako noong mga panahon na iyon dahil makiki pagsapalaran ako sa bansang hindi pa nakakatuntong ang aking mga paa at hindi ko alam kung ano ang naghihitan. Pero mabait ang Diyos dahil may mga kaibigan akong naghihintay sa aking pagdating.  Umaga ng ika-apat ng Agosto ako dumating sa New Zealand. Maulan at malamig ang klima. Ibang-iba sa Singapore n...

Silid Tulugan

Magisa lang ako sa bahay ngayon.  Habang ako ay nakahiga sa kama at pinagmamasdan ang apat na sulok ng kuwarto kung saan ako namamalagi ngayon, biglang bumalik ang aking ala-ala noong aking kabataan. Malilimutan ko ba ang hitsura ng aming higaan noong ako'y musmos pa lamang? Kahit baligtarin ko man ang mundong aking ginagalawan, hinding-hindi ko malilimutan ang panahong nakahiga ako sa aming mumunting bahay. Samahan ninyo akong silipin ang silid ng aking kamusmusan. Pagpasok mo sa loob ng aming tahanan, ang una mong mapapansin ay ang sahig na lupa at may konting semento na tumigas dahil sa pinaghaluan ng semento para sa dingding. Sa tuwing tag-araw, ang sahig namin ang aming laruan. Nakaupo sa alikabok na wala kaming pakialam na kahit gaano pa ito kadumi. Sa pagsapit ng tag-ulan ay putik naman ang naghihitay.  Dalawa hanggang tatlong hakbang at mahahawakan mo na ang hagdan paakyat ng bahay. Hindi ko ito malilumutan dahil sa hagdan na ito marami mga bagay ang na...

Kung ako'y isang halimaw gusto kong maging?

Lahat halos ng tao sa mundo gustong maging super hero or should I say may ina-idolized na super hero.  Kanina I watched Spiderman sa halagang NZD20.00. hahahaha.. Jusme ang mahal ah!! gusto kong sabihin na hindi po balcony ang gusto ko kaso walang teller eh.. machine lang lahat... hahahahaha.. Oh well siguro kaya ito ang entry ko today dahil sa inspiration ko kay Spiderman... inspiration daw oh... hahahahaha... LOL!!!  maisama lang sa entry ang Spiderman talagang i-nintro ko pa davah... to think ang kwento ko naman talaga ay tungkol sa halimaw. hahahahaha.. :D Anyway, forget the super heroes marami ng may gusto sa kanila. So today, kung ako'y magiging isang halimaw gusto kong maging isang.............. tsaran!!!!!! KABOOMM!!! POW!! ZAP!!! KABOOMM!!!!!!!! isang MANANANGGAL!!! hahahahahaha!!! wag kayong ano dyan for sure pag nalaman nyo ang mga reasons ko baka manananggal na din ang gusto nyo paglaki nyo! hahahaha. Heto ang ilan sa mga dahilan kung bakit gusto kong maging manan...

Isang Linggo sa Ilalim ng Mundo

Heto na! Heto na! at naka-isang linggo na ang inyong lingkod sa ilalim na mundo. Opo nasa ilalim ako ng mundo ngayon nakatira as in literal na nasa ilalim ng mundo. LOL! Nakakatuwa dahil sa loob ng isang linggo ang dami-dami ko ng nagawa or should I say na pasyalan. LOL!!! Salamat sa keneksyen (koneksyon lang yan.. umaarte ng kasing magsalita.. you know, i already have accent... charot!!! hahahaha...) Anyway, marami akong napansin sa loob ng aking isang linggo dito sa NZ.  Friendly ang mga tao. If bibigyan ng award ang mga tao dito (in general) Congeniality ang perfect sa kanila. Even naglalakad ka lang sa kalsada, they will say good morning or hey how are you. Oh syempre aarte pa ba ako? Syempre smile and wave ang peg ko. LOL!!! Or khit tatawid ka ng kalsada, they normally stop and ma-wave pa sila sa'yo for you to cross the street. hehehe!!! 4 seasons in one day. Yes it's true. Akala ko dati joke joke lang, totoo nga. hahahaha.. yung ang init-init, tapos biglang uulan o...

Mamasko po

Magpapasko na naman. Iba na ang simoy ng hangin sa paligid. Alam ko namang hindi umuulan ng nyebe dito sa kung saan ako nakatira ngayon, pero sa tuwing sasapit ang kapaskuhan nag-iiba ang simoy ng hangin. Ito nga siguro ang hiwaga ng pasko. Ang ngiti ng mga tao sa paligid na kahit hindi naman Kristiyano ay nandoon ang sigla sa kanilang mga mata na paparating na ang pasko. Habang ako ay naka-upo sa isang sulok at minamasdan ang paligid bigla akong natigilan: Kailan ba ako nagpasko kasama ang aking tatay, inay, at mga kapatid? Sa isang iglap bigla akong dinala sa panahon ng aking kamusmusan. Naalala ko pa dati noong bata pa kami na tuwing sasapit ang Disyembre araw-araw kaming nag-ka-karoling ng mga pinsan ko. Iisa-isahin namin ang mga bahay sa aming purok na pawang mga pinsan din naman namin. Hindi mahalaga kung tama o mali sa tono ang pagkanta basta ang importante kakanta kami ng walang humpay hanggang abutan kami ng piso o minsan pagsinusuwerte may limang piso. Uulitin namin ito...

Saan ba dapat ginagamit ang bunganga?

Heto na heto na! Alam kong maraming naghihintay ng aking mga kwento kaya ngayon i-try ko ulet magsulat matapos ang ilang dekada. LOL!!! Anyway, ang kwento ko ay hindi tungkol sa burol, ito ay tungkol sa isang Dental Clinic sa Tanauan na itago natin sa pangalang SILVA DENTAL CLINIC sa tapat ng palengke. :D Matapos akong magayos ng dapat kong ayusin sa bayan (Tanauan), sabi ko may time pa akong magpalinis ng ngipin. I remember yung last na naglinis ng ngipin ko sa Tanauan ay nsa loob ng palengke pero pagdating ko sa palengke.. WWWHHHHAAA!!!! nawawala na ang palengke ng Tanauan. hahahahaha.. as in Lost na Lost ako at hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang palengke. hahahaha... I think ang mga taga Tanauan mauunawaan nila ako kung bakit di ko na makita ang palengke. hahahaha.. Since hindi ko makita ang palengke at ang dating naglinis ng ngipin ko, so naglakad-lakad ako hanggang makita ko ang SILVA DENTAL CLINIC. I remember this place kasi known ito sa mga taga Tanauan na palini...

The COLD never bother me anyway.

Katatapos lang ng ColdPlay Concert sa Manila pero bukod sa ganda ng concert heto ang ilan sa mga karanasan ko bilang 1st timer na manuod ng live concert. 1.) Pila Balde the movie - OA na kung OA pero grabe talaga ang mga pinoy pagdating sa pilahan... 8:00pm ang concert (though 8:30pm na nag-start) ang mga utashie naka-pila na ng 1:00pm??? Jusme!!! syempre ayaw naman namin mapunta sa likod ng standing ground kya 2:30pm pa lang nakapila na din kami sa init ng araw. (di pa nag-start ang concert amoy sinigang flavor mix - tamarind flavor and ibang nasa pila) hahaha!!! 2.) Sugod mga kapatid - habang nakapila kami... biglang nagtakbuhan ang mga tao... hindi ko alam kung bakit nagtakbuhan ang tao pero naki-takbo din kami. hahahaha... alam mo yung rally sa Mendiola na biglang magtatakbuhan ang rallyesta??? ganun ang peg... di mo alam kung bakit tumatakbo pero makikitakbo ka din for the sake of art. LOL!!! anyway nag-open pala yung line near sa entrance kaya nagtakbuhan ang mga hampas lupa...

Pasko na! Pasko na!

OMG! Pasko na nga! Kaloka parang noong isang araw lang ako nag-iisip na anong gagawin sa Pasko, pero jusme ngayon ilang kembot na lang at hello Christmas at nganga pa din ako. hahahaha... Ang bilis-bilis ng panahon, bukas-makalawa bagong taon naman... Juicecolored!!! Anyway, bago mag-bagong taon; ano nga ba ang naghihintay ngayong Pasko? Ilang araw na akong nagiisip ng kung anong aking susulatin this Christmas pero parang walang pumapasok sa aking isipan. Kasi minsan feeling ko OA ang aking susulatin kaya in the end wala akong natatapos. So ngayon, regarless kung OA o hindi ang aking susulatin pipilitin ko pa ding sumulat. hahahaha.. :D walang pakialaman blog ko ito at nakikibasa ka lang. LOL!!! (biatch mode) Minsan sa dami ng ating mga kaibigan, kakilala, kamag-anak, inaanak, at kapamilyang kailangang bigyan ng regalo hindi na natin alam kung paano natin hahatiin ang ating oras sa pagbili at pagbalot ng mga regalo. Bukod sa pagiisip ng regalo, nandyan pa din ang kaliwa't-kanan ...

Gamot sa bukol mayroon ka?

Sa panahon ngayon parang halos ata ng sakit mayroon nang gamot, except siguro sa mga terminal na mga karamdaman na wala pang nadi-discover na gamot. Pero alam ba ninyo sa panahon namin (jusme kung maka-panahon naman ako parang Ingkong na ang edad ko. hahaha..) anyway siguro sa aming lugar na lang para di halata ang edad.. hahahaha... hindi uso ang mga gamot na bibili sa botika noong bata pa kami at tanging mga kung anu-anong damo mo lang ang ipapainom sa'yo para gumaling ka... so ngayon ko lang naisip na baka sa amin nanggaling ang mga herbal na gamot. LOL! Ayaw ninyong maniwala heto ang ilan sa mga sakit at lunas sa karamdaman. 1.) Umaalog na ngipin - malulugi ang dentista sa amin kung magtatayo siya ng clinic sa lugar namin dahil pag-umalog ang ngipin noong bata pa kami, SINULID ang katapat nito. Tatalian ang ngipin na umaalog tapos ang other end ay itatali sa pinto; pagbilang ng tatlo sabay sara ng pinto... BOOM!!! tanggal ang ngipin na umaalog. hahahahaha... alam mo yun...

Ang Disyembre sa aming school

Sa dami ng aking kwento dito ng aking kabataan, minsan nagiisip ako kung ano pa kaya ang aking ikukwento. Feeling ko minsan para na akong 711 na bukas bente-quatro oras. LOL!!! Alam mo yung feeling na alam na ng tao lahat ng kwento ng iyong buhay. (me ganung factor?) #artista #feelignimportante  Wow!!! arte-arte pa dyan eh ginusto mo yan... lol! kwento ka ng kwento tapos ngyon reklamo ka ng reklamo. hahaha.. #monologue sa sarili. Anyway, dahil malapit na ang pasko ito ang kwento ko sa inyo: Ang Disyembre sa aming paalaran. hehehe... Madami ang activities noong bata kami tuwing sasapit ang Disyembre at excited na excited ako kasi ibig sabihin malapit na ang bakasyon. LOL! Isa sa inaabangan ko ay aming Field Day. Ito yung panahon na lahat ng estudyante from Grade 1 to 6 ay may kani-kanilang exercise. Tapos may uniform pa na pang-PE. Ito din ang panahon na ang Muse at Escort ng klase ay paparada sa buong Barangay. Kaloka talaga.. as in buong Barangay... tapos na sa likod lahat ang ...

Saan ka nag-aral?

Dahil may aftershock pa ako ng UAAP at naka-2nd runner ang school namin sa Cheer Dance Competion (dapat 1st runner-up... aminin nyo malinis ang executions ng Adamson.. hehehe. #superproud), kaya naman ang kwento ko ngayon ay tungkol sa mga schools. Noong college pa lang ako talagang ramdam mo ang mga labanan ng mga schools and for sure until now ganun pa din. Nauso pa ang mga joke dating LaSalle vs Ateneo. Yung tipong sasabihin ng Ateneo sa La Salle... Tuition nyo baon pa lang namin. hahahaha.. ganung level ang mga bangayan ng mga schools dati. hehehehe... Pero bukod pa doon hit na hit din ang mga acronyms ng mga schools. (hit na hit ang potacha... LOL!!! dapat pak na pak na ngayon. hahahaha!!! juske dekada nubenta ang bwisit!!!) Anyway heto ang ilan sa mga na-alala kong mga acronyms ng mga schools... I hope di ako patayin ng mga kilala kong nag-aral sa mga schools na ito. LOL!!! 1. FEATI - Filipinong Estudyanteng Aanga-anga sa Tabi ng Ilog. hahahaha.. literally na tabi ng ilog P...

Undas

Ilang tulog na lang at undas na naman. Aba at kabilis ng panahon. Panahon na naman para gunitain ang ating mga mahal sa buhay na nahimlay sa kabilang buhay. Tuwing sumasapit ang panahon na ito ang dami-daming kong naaalala noong aming kabataan at heto ang ilan sa kanila. 1.) Paglilinis ng nitso - isang linggo bago mag-undas pumununta kaming magpipinsan sa sementeryo. Dahil medyo malayo kami sa sementeryo sa owner ng Tiyo kami lahat sakay. Siksikan kaming magpipinsan tapos ang November panahon ng tag-ulan sa Pinas kaloka ang lubak sa kalsada papuntang Brgy.Malaking Pulo (andoon ang sementeryo), mas malaki pa sa jeep ang lubak.. bwwwhhahaha... kaya naman pagtumirik ang sinasakyan namin hindi uso ang pasosyal, bababa ka sa gitna ng putikan tapos magsisimula ka ng magtulak. LOL!!! jusme di pa nakakadating sa sementeryo amoy paksiw ka na sa katutulak ng sasakyan. hahaha.. Anyway, masayang maglinis ng nitso kasi nandoon lahat kyong magpipinsan, pagkatapos magpipintura nandyan ang minsan ...