IBAYO
“Batangas!!! Batangas!!!” ang sigaw ng kundoktor sa ilalim ng fly-over ng Kamias. Tila, nageenganyo sa mga naglalakad na mga tao sa tapat ng terminal ng bus. May mangilan-ilang sumasakay samantalang ang iba ay tila walang pakialam at parang walang naririnig na tawag ng kundoktor. “Daan po ba ng Tanauan?” ang malugod kong tanong sa kundoktor. “Kahit saang sulok ng Batangas padaanin natin sumakay ka laang!” ang sagot ng kundoktor habang naka-umis sa akin. Makalipas ang ilang taon na pamamalagi sa ibayong dagat, heto at muli na akong babalik sa aking kinalakhang baryo sa Tanauan. Ilang minuto bago tuluyang umusad ang sinakyan kong bus upang tahakin ang kahabaan ng EDSA at South Super Highway. Kay-laki na talaga ng ipinagbago ng Maynila simula ng ako ay umalis dito. Ma-traffic pa din, siguro bahagi ng pagunlad ng isang lungsod ang traffic. Marami ng mga bagong gusali ang nakatayo sa kahabaan ng EDSA. Habang binabagtas namin ang kahabaan ng South Super Highway, naalala ko ang mga panahon na...