ang aking lunch box..

Kagabi pagdating ko sa bahay galing sa gym.. (Ahemm nag g-gym na ako)... Bigla na lang akong inatake ng pagluluto... Actually natakot ako ng mabasa ko ang ibig sabihin ng anorexia.. hehehe.. ayaw ko pang mamatay.. marami pa akong bubuhayin... hahaha.. Kasi feeling ko ang taba-taba ko.. pero sabi nila sobrang payat ko na... tapos hindi pa ako nagkakakain.. kaya yun.. mukhang anorexic na ako... (aba sosyal na ang sakit ko pag nagkataon... sakit pang artista ito...) Ang matinding resulta nito ay ang makatayong balahibong, KAMATAYAN... kaya kagabi kahit sobrang pagod at late na ako umuwi. Nagluto ako ng masarap ng KARNE.. KARNE-DINAS... hahaha... Oo, kumakain ako ng sardinas... and take note fave ko ito, sabi nga ng ate ko noong nasa Cubao pa ako may pagka-Mangyan daw ako kasi takaw ko ng sardinas... hehehe... pero okay lang masarap naman.. hehehe..

Pagising ko kaninang umaga, buong ningning kong inilagay sa lunch box ko ang masarap na sardinas na may sotanghon... at bitbit ko papasok sa opisina...

Dito sa NCS halos sabay sabay kaming mga pinoy kumain lunch... Normally bumibili kami ng pagkain sa Canteen tapos tapao (take-out ito sa pinas) namin then kakainin sa pantry para masaya... Knowing mga pinoy kwentuhan while eating... SO ako dahil sardinas lang ang aking dala, bumili ako ng kanin sa canteen... At pagbalik ko sa pantry napansin kong parang hirap na hirap si Lily na magbukas ng something... Sabay sabi ni Suzi: "Renie may kasalanan ako." Yun na.. at sinumalan ko ng buksan ang aking lunch box na de-form dahil pinainit sa microwave na hindi tinatanggal ang takip... hehehe... ganda!!!

Matapos ang ilang minutong pakikipag-buno sa lunch box... haayy nabuksan din at tuluyang naging irregular shape ang dating perfect circle na lunch box... :)

===============
Lesson Learn: Ang sardinas galing na sa lata wag ng ilagay sa lunch box...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin