Ang TV (Ang Travel Vacation)


Bago ang lahat isang tabi ko muna ang akong PBT (PagBabalikTanaw) entry dito sa aking blog. Tawagin nating itong Ang TV (Ang Travel Vacation). hmmm... sounds okay na ang name... Di naman hatalang Kapamilya ako.
Hayaan ninyong ilahad ko ang kwentong GENTING and KUALA LUMPUR Vacation last weekend (March 24-26).

Thursday night nagpunta ako ng HardRock Cafe kasi birthday ni Bobby. (wag kang magtaka kung bakit ko ito ikukuwento... basahin mo ng mabuti at mauunawaan mo.) Kain dito, kain doon at syempre dahil beerday dapat may inuman (opppsss... sorry marunong na po akong uminom ngayon) simple lang naman ang ininom namin Jack Daniel (tama ba ako Abec?) well, to cut the story short.. medyo may konting tama lang kami ni Hansel kaya pag-uwi namin yun prepare ng dapat dalhin... as in almost 2am na ata kami natulog.
Friday, heto na excited ang dalawa.. Dahil nakatira kami sa bundok ng Sengkang... grrr... walang taxi... sa awa ng Diyos dumating kami sa bus terminal sa Lavander 7:15am. Daig pa namin ang amazing race.. takbo kami... pagdating namin.. eekkk... isang masiglang ngiti ang naghihintay sa amin.. ewan ko kung bakit mukhang masaya ang travel agent dun.. siguro masyado ata kaming cute ni Hansel.. O heto ang scenario...
"Good morning maam."
"Yes!"
"We have our tour today.. blah blah blah.."
"Oh the bus already left..."
Tila biglang naglaho ang masasaya naming mukha at pero patuloy pa din ang ngiti ng babae... sabay sabing..
"If you want you can buy new tickets going to Genting. Our bus will be leaving 8am.."
Grrr... now I know kung bakit masaya ang mahaderang travel agent... Instant pera ito.. syempre andun na kami ni Hansel naka-leave kami sa office alam pa namang i-cancel na naman namin kasi nakadalawang cancel na ito and to think ang hirap kayang kumuha ng leave... So no choice bayad kami ng pamasaheng papuntang Genting.

8am umalis ang bus... maniniwala ka bang ang sakay lang sa loob ng bus ay amin lang... as in super luwag namin sa loob ng bus... pwede kang tumambling pag-ikaw ay nalulungkot pwede pang magtaguan kung trip ninyong maglaro while the bus is running... Well, dapat aliwin ang sarili huwag hayaang masira ang araw...

Matapos namin lumagpas sa immigration ng Malaysia (aba for the record ito ha.. hindi na ako inaaway ng immigration officer ngayon, kung hindi aawayin ko ulit sila... remember yung unang malaysia escape ko... ganun ulit ang gagawin ko sa immigration officer.. hehehe)

Sa mga unang oras ng biyahe namin sa kahabaan ng highway papuntang Genting.. enjoy na enjoy kami... something like makakarelate ka na pauwi ng probinsiya sa batangas or pauwi ng marinduque (kina Hansel). Bundok dito bundok doon, puno dito puno doon. kung may snake road ang dragon ball for sure ANACONDA ROAD ito para sa amin... haaayyy... ang haba-haba at parang walang katupusang bundok at puno dito... Imagine nakakita ng deer si Hansel hindi ko alam kung hallucination lang ito ni Hansel sa sobrang haba ng biyahe or dahil sa gutom na din or baka naman nagti-trip lang ang mokong.
Along the road maniniwala kang bang sikat si PANDAY dito este Jerico Rosales? OO Echo nga... may malaking poster siya na ang nakalagay JERICO JEANS... aba wagi pala dito Echo at wag ka may KONZERT pa siya (ganyan ang spelling sa malaysia.)

Heto pa ang nakakatuwa.. may nakita kaming lugar ang pangalan ay PUTRA NILAI... try mong ulit-ulitin pag di ka sinapak ng katabi ewan ko din lang...
Matapos ang mahabang hallucination namin ni Hansel sa Anacoda Road... Hayyy... sa awa ng Diyos nakatanaw din kami ng bahayan.. as in along the way walang bahayan.. kung hindi isa, dalawa.. kung di dalawa hanggang tatlo or apat lang. sobrang liblib ang lugar kaya ingat baka umuwi ako sa Pinas na nakahiga sa kahon na tila isang package... :) ayaw ko naman nun ang pangit-pangit willing naman akong magbayad ng air fare…

Around 1pm natanaw na namin ang PETRONAS sa Kuala Lumpur...
Haayy ito pala ang KL: traffic, madumi, mausok, pangit ang mga bahay... Oopppsss teka teka... si Renie ba talaga itong nagsusulat??? hhmmm... mukhang may ASAL na!! hahaha... natatakot tuloy akong umuwi ng Pilipinas baka paguwi ko sabihin sa akin: "WALANG GANYAN SA SINGAPORE!" Pero konting asal pa lang naman ako eh... hindi pa naman ako mapanlait ng todo-todo... pero teka ano itong nakikita ko? LANGAW???? yiikkeesss... hahaha.. as in yan ang reaction namin ni Hansel.. O di ba may Asal na talaga.. takot na sa langaw at lamok.. hehehe..

After naming matanaw ang Petronas.. mga dalawang oras pang biyahe paakyat ng Genting.. wow.. as in Wow ang view... parang Baguio city ang dating.
Isang malaking bldg ang naghihintay sa amin sa tuktok ng bundok at yun na ang GENTING HIGHLANDS... akala ko tulad ng Baguio na buong city.. pero ito hindi, mga apat ng buildings lang tapos walang bahayan.. maliit lang ang Genting Highlands.. pero okay sa weather, malamig at syempre wagi ang ROOM namin.. 24th Floor.. wwwhhaaa... sabi ko nga isang UTOT na lang langit na... hahaha.. as super ganda ng place.

Matapos mag-ayos ng mga gamit.. presto... bili agad kami ng OUTDOOR THEMEPARK Ticket... wwhhaaa.. nalulula ako sa mga rides... gusto ko yung SPACE shoot.. Imagine yourself na nakaupo ka sa isang chair tapos itataas ka mga 10-15 floor sa tuktok ng bundok nakita mo lahat ng tanawin, tapos bigla kang ibabagsak! ano kaya ang pakiramdam? Grabe umangat ang pwet ko sa upuan. as in lumutang po ako nahalos mapatid ang huling viens ko sa leeg... grabeng sarap... O heto pa alam ko idol mo si superman, darna, si krystala, si Imang ay mali di pala lumilipad si Imang... basta yung lumilipad.. Di ba ang sarap panoorin yung tipong umiikot-ikot sila sa ere tapos lumilipad... Try mong sumakay sa FLYING COASTER... magbabago ang tingin mo sa kanilang lahat.. baka sambahin mo sila sa sobrang lakas ng loob nila... as in pagsakay mo sa flying coaster... lilipad ka ng paikot ikot na halos mamatay ka... sarap ng feeling... nalimutan ko lahat ng problema ko sa migration ko ng citisafe... hahaha...

Marami pang kaming sinakyan kesehodang umuulan... minsan lang naman mabasa ng ulan eh.. sige lang ng sige... paborito yung CAR RACING... namin ni Hansel.. hindi ito bitin unlike sa Escape sa Singapore... isang mahabang route ang tatakbuhin ninyo.. parang talgang mga racers ang dating... feeling ko may car na ako… hehehe

Pero alam mo ba kung saan namutla si hansel? hhmmm sa mahiwagang chair kung saan iikot ka hanggang magmakaawa kang ibaba ka na... pagbaba namin.. sabi ni Hansel Tears of Joy daw.. pero wag ka konting konti na lang at susuka na.. hahaha...

NEXT DAY....

wala na halos kaming activity sa loob ng Genting. kasi di naman kami nagca-casino... nuod na lang kami ng rides... kain lang ng kain...
Dahil late kami papuntang Genting dahil naiwan ng bus ayaw na naming ma-late ulit kaya yun 11 pa lang sakay na kami ng cable car papunta sa bus terminal... grabe ito ata ang pinakamahabang cable car na nasakyan ko... almost 30 minutes kaming sakay sa loob and take note.. from top ng mountain pababa kaya nakakahilo.. pero masaya naman malas mo lang pagnaputol ang cable kasi sa gubat ka pupulutin.. hehehe...

=====
KUALA LUMPUR
3pm na kami nakarating ng KL... imagine na nasa Avenida ka... dun sa place na yun ang Hotel namin pero okey kasi pagbaba mo ng Hotel sa tabi lang ang Chinatown kaya pwede kang maglibot-libot... feeling ko pinas ang dating kasi kamukha natin sila... kaya most of them kinakausap nila kami ng Language nila.. some them nauunawaan ko like TOLAK [tula], PINTU [pinto], BAS [bus], TEKSI [TAXI] ay syempre word for the day na dapat wag mong kalimutan TANDAS [CR] hahaha... ako pa naman laging laman ng CR… malingat lang ng takbo agad sa CR.

Exciting yung sakay namin ng train nila.. pinas na pinas ang dating... pero okey yung subway nila parang singapore pero mas okey pa din sa singapore... ng makita namin ang PETRONAS sa malapit.. wwwhhaaa.. this is it... masaya na akong makita ang WORLD TALLEST TWIN TOWER... hehehe.. :) picture taker agad para may remember... haayyy… hindi kami nakasakay sa pinaka bridge kasi close na… pero okey lang..

Medyo mainit sa KL kaya sa loob kami ng Mall nag ikot.. umuwi kami ng 8pm na ata at bumalik kami sa Chinatown.. wwwhhaaa... na-miss ko ang HONGKONG.. ganun ang style ng place... and guess wha??? nagkawalaan pa kami ni Hansel... yun sa Hotel na lang kami nagkita...:)

Mas exciting ang Genting namin compare sa KL. Pero masaya naman kami...
11pm na kami dumating kagabi [Sunday]... sobrang nakakapagod sa biyahe… pero sobrang enjoy naman kami.

Pictures to be posted within this week.

Excess Cargo: Wait for my BANGKOK TOUR together with my Filipino friends sa NCS.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin