Sino si Deng sa Buhay ni Romeo?
Araw ito ng linggo, medyo bad trip ako that day kasi ba naman itong aking "housemate" decided na hindi sumabay sa aking pagsimba... hinintay ko pa naman siya, all of a sudden sasabihin niya later na lang daw siya magsisimba. So dahil wala naman akong magagawa nagsimba pa din ako.
Katatapos pa lang ang 9am Mass, usually kasi 9am kami nagsisimba ni Hansel kaso dahil late na siyang magising tapos he decided na hindi sumama kaya sabi ko 10am Mass na ang aabutan ko...
10:30am na di pa nagsisimulang mag-misa at ang tao ay kokonti pa... I keep praying that day na sana makakita ako ng community na pwede akong mag-join... Luckily after my prayer, I approached yung members ng choir, if I'm not mistaken it's Josiephine and Alvin (both Singaporean). Sabi ko magjo-join ako sa choir nila... then ng dumating si Rey (pinoy ito).. PRESTO... may community na ako... hahaha.. at dun ko nakilala si ROMEO GUERZON... sabay na agad kaming umuwi pagkatapos ng mass and take note invited agad ako sa bahay nila ni Liza...
Sabi nga nila ang laki-laki daw ng mundo?? pero huwag ka para sa amin ni Romy small world ito... bakit kamo... Umalis ako sa pinas na may huling habilin si Kuya Bien na sana magkita daw kami ng kapatid niya (K.Erwin) dito sa singapore kasi dito yun nagwo-work... and guess what di ko siya nakita... pero itong si Romy (other name for Romeo) magkasama pala sila sa choir sa pinas and take note magkakilala din sila ni Kuya Bien... hehehe... di ba nakakatuwa di ko nakita ang kapatid ni kuya Bien, yung kaibigan ng kuya niya ang aking nakita...
Pangalawa, syempre dahil "close" na kami ni BF(BestFriend) Romy, we share yung mga pix ng friends namin... aba at heto pa ang nakakatuwa... si Kuya Bhe (Daryl) na kasama ko sa CV... hehehe.. eh magkaibigan din pala sila... and dito ko nakilala na may DENG pala sa buhay ni Romeo Guerzon... hahaha... O wag mag-taas ng kilay at mag-isip ng masama... Deng ang tawag sa kanya ng mga kasamahan niya sa simbahan sa pinas... hehehe... =) O Kabesang Liza wag ka ng magselos... hahaha.. *FISH TAYO!!!* nag jo-joke lang po... Di ba KALBO lang ang may karapatang mag-Joke kaya pwede ako dun... hahaha....
Anyways, dun nagmula ang aming pagsasama ni BF ROmy... every Sunday kaming magkasama nyan... hehehe... heto lang ang payo ko... sobrang mabilis itong maasar at kung ako ang tinaguriang WALK-OUT KING ng CV... aba ano pa kayang itatawag kay ROMY???? hhhmmmm.... hahaha... *FISH ulit...* hahaha.. pero despite of that sabi nga mahalim mo ang kapatid mo sa kanyang kahinaan... hindi ito sana ang maging reason para kayo maghiwalay bagkus ito ang maging reason para maging bonded kayo...
Well bro salamat din for sharing your life to me... i'm glad na-meet din kita... now i know we live in a small world... as in "It's a small world after all.. it's a small world after all... it's a small after all...." O di ba, tama bang kantahan... hahaha....
Again, maging Deng ka man, Romy ka man or maging si Romeo ka man ni Juliet... I would like to say: XIE XIE PENG YOU... =)
Mga Komento