PBT [Pag Babalik Tanaw]: Kwentong Titser ~ Ikatlong Yugto
Sino nga bang makakalimot sa taong nagbahagi ng kanilang karunungan sa atin.. ang mga taong nagtiyaga habang tayo ay umiiyak.. mga taong kahit asar na asar na sa atin ay pilit pa din tayong iintindihin... yung maglilinis ng ebak natin pag natae tayo sa short at palda... eh sino pa nga ba.. eh di ang ating mga TITSER...
Kung noon himusgahan nila ang aking kakayahan sa pamamagitan ng aking mga natutunan sa kanilang leksyon, na ang iba ay kung maybigay ay pasawang awa. Ngayon,ako naman ang magbibigay sa kanila ng marka kung pasado ba sila o pasang awa... hehehe sabi nga pana-panahon lang.. hehehe.. ito ang panahon ko para makabawi sa kanila...
Una akong nag-aral sa edad na anim na taon. Dahil wala pang nursery, kindergarten, at prep sa amin nayon kaya ang tawag sa amin "saling cat-cat" kung hindi ako nagkakamali mga sampu lang kami noon.. nakikihati kami sa room ng Grabe 1. Upuan namin ay mahabang desk sa likod ng mga tunay na estudyante... hehehe. Para kaming mga judges sa isang contest kasi isang mahabang hilera kami ng upuan.. hehehe.. :)
Grade 1.Ng magbukas ang taon naging ganap na akong grade one noon.. Ms. Solomon ang pangalan ng aming guro... Sino bang makakalimot sa kanya... Every week may birthday... birthday ng kanilang pusa, ng aso, ng butiki at kung anu-ano pang hayop sa kanilang bahay... ito yung paraan niya para i-encourage ang kanyang mga estudyante.. kasi dahil may bday may handa... hehehe.. bibili siya ng mga sitserya tapos yun ang treat niya sa amin.. Ito rin ang gurong unang natakot sa akin.. Sino ba namang guro ang hindi matatakot sa estudyanteng bigla na lang dumudugo ang ilong... hehehe... ang guess what until now kilala pa niya ako.. hehehe.. lagi pa din niya akong tinatanong kay nanay.. :)
Pangalan ng Guro: Ms. Solomon
Komentaryo: Isang masipag na guro... Aba double ang ginagawa nito... imagine nagtuturo ng mga saling cat-cat at grade 1... Huwarang guro..
Grado: 85%
Grade 2. Kung naging masaya ako sa aking guro noong grade 1... Super bow ako sa guro ng grade 2. Mrs. Ortilla ang kung siya ay tawagin.. Kung isa lang akong institusyon bibigyan ko ito ng parangal bilang isa sa pinakamahusay na guro.. pinakamatiyang guro... at lahat-lahat na ng award... Imagine ang bahay nila ay halos sa baba na ng tagaygay (Sulpoc, Tanauan) everyday nilalakad niya yun madaling araw siya papasok tapos pagalis niya ng alas singko ng hapon gabi na siya makakarating sa kanilang nayon... Sikat ito sa mga tao sa amin... kahit sinong tao kilala ito... eh paano pa naman ang daan niya sa gitna ng palayan, maisan, tubuhan, niyugan... hehehe. puro short cut at kalimitan niyang nakikita ang mga tao sa amin na pawang nagta-trabaho sa bukid.... Ka-berks niya ang guro sa Grade 5... .. magkalapit lang sila ng baryo. Nakita ko na siyang mabuntis at paano halos manganak sa school... Hindi ko malilimutan noong pista sa kanilang nayon... talagang binigyan pa niya akong ulam... kaya simula noon lagi ko siyang iniinvite tuwing pista sa amin... :)
Pangalan ng Guro: Mrs. Ortilla
Komentaryo: Mahilig makipagkaibigan sa mga tao sa bukid para libre ang kanyang mga gulay at prutas pag-uwi sa kanilang nayon. Huwarang guro na dapat tularan ng mga nakakarami.
Grado: 86.3%
Grade 3. Unpredicttable ang guro ko dito... Si Maam Manaig kaso hindi ko siya masyadong nakilala ng husto... kasi nagkaroon siya ng sakit kaya pinalitan siya ni Ms. Manalo (ngayon ay Mrs. Bilog na!). Sa aming bagong guro ko natutunan gumawa ng bulaklak sa pamamagitan ng string at hanggang ngayon di ko pa nalilimutan kung paano gumawa nun.. Kaso dahil hindi ako masyadong kilala ng bago kong guro... binigyan niya ako ng markang 79 sa card.. From Honor student.. nalaglag ako sa list...
Pangalan ng Guro: Maam Manaig
Komentaryo: Dahil nag-leave ka, dahilan ng aking pagkawala sa aking honor roll at marami kang absent sa paaralan heto ang marka mo:. :)
Grado: 73%
Humaliling Guro: Ms. Manalo
Komentaryo: Maganda si Maam ng dalaga pa cya kaya maraming nanliligaw... Pero sa iyong mga kamay ko natikman ang pagkawasak ng aking pangarap na maging isang Honor Student... :) Ngunit may natutunan naman ako sayo...
Grado: 76.012%
Grade 4. Isa sa pinakakatakutang taon ng mga estudyante sa amin ito... dahil isang masungit na guro si Ms. Tenorio. Siya ang modern na teacher ng mga panahon na in na in ang spray net para tumaas ang buhok... ganun siya... at ang nakakatakot sa kanya ay ang kanyang mga kuko sa daliri na sobrang hahaba... parang si Ms. Minchin ang dating... Isa sa hindi ko malilimutang araw sa kanya ng una akong kinurot ng titser.. Dahil noong mga panahon na yun walang pang bantay bata 163 kaya wala kang pwedeng pagreklamuhan... :) Sabi niya BREAK TIME muna... so dahil sabi niya break time... bigla kong dinaldal ang katabi ko.. yun pala para sa deretcho pa ang kanyang pagbasa ng ALL THINGS BRIGHT AND BEATIFUL.. haayyy... at natikman ko ang mahahaba niyang daliri... Pakiramdam ko para akong tumataas papuntang langit ng mga oras na yun... I'm not kidding as in yun ang aking pakiramdam... at isa pa ingat sa lumilipad na eraser.. hehehe.. paboritong past time ni maam yan...
Pangalan ng Guro: Ms. Tenorio
Komentaryo: Masungit si Maam.. wala akong maalala sa kanyang mga tinuro kundi ALL THINGS BRIGHT AND BEATIFUL na hindi ko mamerorize... Kinurot ako ni maam... Walang habag sa mga estudyante...
Grado: 74.99% [nakabawi din ako..hehehe]
Grade 5. Isa sa exciting moment sa akin ito... kasi noong grade 3 at grade 4 nakikita kong nagsa-swap ng room ang grade 5 & 6... feeling ko ang galing-galing paglumilipat-lipat ka ng room... kaya isa ito sa pangarap na grade ko... Si Mr. Panganiban ang bukod tanging lalakeng guro sa lugar namin... sabi ko nga ka-berks ito ng guro ko sa grade 2... taga altura si Sir pagkatapos ng kanilang barrio ang barrio naman nina Mrs. Ortilla... mabangis sa math itong guro namin.. idol ko ito kasi bobo ako sa math... at ang malupit pa lahat ng anak nito puro honor students... :)
Pangalan ng Guro: Mr. Panganiban
Komentaryo: Mabait si sir.. dapat nga ninong ko ito noon sa kumpil... hehehe...Tulad ni Mrs. Ortilla isang mabait na guro ito.. Mala-Friednship ang dating... :)
Grado: 84.73%
Grade 6. Kung takot kami noong Grade 4, mas takot kami ng Grade 6... hehehe... Mrs. Maitim ang apelyido niya.. O di ba... name pa lang talagang parang wala ng buhay... hehehe.. :) Ganun talaga siguro para maibsan ang takot mo at galit sa isang tao gumagawa ka ng sariling code sa kanya.. defense mechanism ata ang tawag dito... we called her KABAYO.. hehehe..di naman mukhang kabayo kasi maga-ganda ang anak niya... :) basta yun lang.. kasi yung nickname niya Fanny sounds Pony daw.. eh di ba Pony maliit na kabayo... hehehe.. o di ba talagang dapat i-justify... :) sa pagkaka-ala-ala ko wala naman kaming bad days ni maam... hehehe... except yung trainor namin ng graduation hym... sabihan ba naman akong wag na daw akong kumanta kasi wala daw sa tono ang boses ko... Haller kayo ba naman ang pakantahin ng WHEN YOU TELL ME THAT YOU LOVE ni DIANA ROSS ewan ko lang kung kayanin ninyo and to think group ang kakanta at pawang mga taga bukid na ang alam lang ay magkutsay ng mais at mag-ani ng palay... hahaha... good thing pinalitan ng TOP of the WORLD na lang ng CARPENTERS.. hehehe.. :)
Pangalan ng Guro: Mrs. Maitim
Komentaryo: Nothing so special about kay maam.. except takot kami sa kanya...
Grado: 78%
Pangalan ng nagturo ng kanta: Eric a.k.a Ikoy
Komentaryo: Next time sir.. alaming mabuti kung sino ang tuturuang kumanta ha... pero ngayon mo ako pakantahin sir.. bibiritan pa kita.. *JOKE*.. hahaha..
Grado: 71%
Syempre hindi ko din malilimutan si Mrs. Magpantay ang aming Principal... To prove na wala siyang kinikilingan... kaya ng minsang gumawa ng kalokohan ang kanyang anak.. pinadapa niya ito sa mahabang desk at yun na... umuwing UBE ang pwet ng kawawang bata... hehehe... :)
Yun po ang kwentong guro ko... hehehe... take note nag gradyt akong may Award as MAPAGKAKATIWALANG BATA... hehehe.. eh ikaw ba naman ang may hawak ng susi ng buong school.. saan ka pa... pag nag-absent ako walang pasok ang buong mababang paaralan ng laurel... hehehe... :)

Mga Komento